Chapter 29: If He Could Only See What I See

398 11 14
                                    

CHAPTER 29

[If He Could Only See What I See]

Hmm... ang tagal na nuh? Pero hindi halata yun sakin. Ilang araw na rin ang lumipas bago ko naamin kay Vince ang crush ko kay Randel.

So, kamusta na nga ba kami ni Randel?

Wala, ganon pa rin. Nagkakausap lang kami kapag may hihiramin siyang bagay o kung magkagrupo kami sa isang subject. Hindi niya ako madalas nalalapitan, ako pa ang may kailangang unang kumausap.

Kung usapang personal naman, bihira lang iyon mangyari. Sa sobrang bihira, halos parang di nga nangyayari eh.

Ay joke lang, hindi lang pala bihira...

Hindi pala 'yun nangyayari.

Ano bang magagawa ko? Hanggang doon lang talaga ang ugnayan naming dalawa. Napapasaya niya man ako kahit ganon lang, pero ambabaw ko naman masyado kung sasabihin kong ganon-ganon lang iyon. Syempre, mas masaya sana kung magiging close kami...

Tungkol naman kay Vince, ayun... Effective naman ang ginawa ko. Tumigil na siya sa kakaasar saming dalawa ni Randel. Tama lang 'yun, ganun naman talaga yung gusto kong mangyari noon pa.

Yun lang pala ang makakapagpatigil sa kanya eh - yung KATOTOHANAN.

Pano kaya samin ni Randel, yung katotohanan rin kaya kung makakapag-ayos ng lahat?

Pwede rin kasi yung katotohanan pa ang makakapagsira LALO samin. Hindi ko pa kaya...

Teka, alam niya na nga ba kaya? O.O

EWAN ko rin. Huwag naman sana... Kung ngayon nga hindi na kami nagpapansinan, pano pa kaya kung malaman niya? Basta alam ko, safe na ako. Hindi ako magsasalita, hindi magsasalita si Vince, hindi rin magsasalita si Minette. Ok na, safe na ulit ang sikreto ko.

HALA! Next subject na pala namin yung Chem. Omaygash! Semi-finals na ng 3R's sa Calvin. Kinakabahan akoooo. Ngayon lang kasi namin nakita yung "semi-finished" dress. Lalo na ako! Hindi ko pa kaya yun na-fifit. Musta naman diba? Ako yung model tas hindi ko pa mismong na-fifit. Haha.

Oh well... moment of truth mamaya.

Double period kasi kami ngayon sa Chem. Ang hirap naman i-fit nun sa ibang subjects, edi wala talaga akong choice kundi mamaya pa.

Maganda naman yung damit eh, kahit hindi pa tapos... Pwedeng pwede! Haha, anong tawag dun? Basta, may chance siya! Sana nalang kumasya sakin yun. Diba? Maganda nga siya, di naman kasya. Musta naman?

Umakyat na kami sa Chem Lab. Kasabay ko si Vince, nauna na kami sa taas. Nakaiwan sa loob ng Chem lab yung dress. Mamaya lang talaga siyang mafifit. Grabe, nakakakaba! Ano kaya itsura ko nito mamaya, magmumuka kaya akong tao?!

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon