Forever Yours

2.2K 82 53
                                    

PROLOGUE

Third year high school na ako. At kung sakali, pangatlong beses ko na 'to para ma-inlove.

Every year kasi, nagkakaroon nalang ako ng bagong "someone". Wala nga yata akong consistency pagdating sa love eh.

Nung first year ako, na-inlove ako sa isa naming kaklaseng heartthrob. Puro magaganda lang naman trip nun kaya wala ring nangyari. Pagkatapos ng isang taon, sumuko na rin ako. Sa loob ng isang taong 'yun, may mga nagka-gusto naman sakin... pero hindi rin naman nanligaw, o kung hindi, hindi rin nagtagal. Edi solo flight nalang ako, bahala sila. Makakahanap din ako ng lalaking para sakin... well, 'yun ang inakala ko.

Last year naman, nagka-crush naman ako sa isang lalaking may nililigawan na. Ayos din ng timing ko diba? Liligawan daw niya sana ako kung hindi siya committed ngayon. Ano pa bang magagawa ko? Ayoko namang maging "the other girl". Edi wag nalang! Lumipas din naman yung crush ko sa kanya.

May nangyari namang first time sa buhay ko nung sophomore ako. First time na may nanligaw sakin! Tapos crush ko pa siya ha! Nakakakilig rin pala ng feeling. Noong una, akala ko sincere siya. Lagi niya akong tinetext, chinachat... Pero ayokong maging fail ang first relationship ko, hindi ko muna siya sinagot. Hindi naman sa pakipot ako! I just wanted to wait for the right time. Yun pala, tama lang yung ginawa ko. After two months, sumuko rin siya.

Bakit ba parang pati yung mga nagkakagusto sakin, hindi consistent pagdating sakin?!?!

Syempre parang ang sakit namang isiping walang nagtatagal sakin. Wala bang magkakagusto saking hindi ako susukuan?

Maganda naman ako ah! Echos lang. Hindi ako perpekto, puro may itsura ako. (Malamang, lahat ng tao may itsura...) Hindi naman ako panget! 'Yung mga kaklase ko nga nagugulat pa kapag nalaman nilang NBSB ako eh.

Mabait din naman ako! Mukha man akong mataray, pero hindi. Mukha man akong snob, pero hindi. Mataray lang ako sa mga hindi ko kasundo! Pero overall, mabait talaga ako.

Matalino pa ako! Ay teka... lahat naman ng nag-aaral sa school namin matalino. Science high school 'yun eh! Infairness ha, nakakatagal na ako nang three years dito kahit may mga sablay yung math at science ko. Pero kahit na, nag-totop parin ako sa klase nuh! Hindi man Top 10 ng buong batch, pero nakakaabot naman ako sa Top 50 ng batch! Ok na yan.

Triple M na 'yun, dre! Ideal girl ng mga lalaki. Unless nalang kung type nila yung mga madadaldal. Hindi ako ganon eh... tahimik lang ako. Mahinhin, dalagang Filipina! Oo, 2011 na nga. Bakit, mas ok naman maging mahinhin kaysa malandi diba?

Pero wala parin eh... Ganito ba talaga pag mahinhin at masyadong mabait? Ano bang problema nila sakin?

Minsan nga napapaisip ako kung sinumpa ako kaya walang nagkakagusto sakin ng matagal. Pero teka, hindi pala fantaserye ang buhay ko. Hindi na yan uso.

Kelan ko ba makikilala yung lalaking magpapatunay ng "forever" sakin?

O baka naman... nakilala ko na pala siya?

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon