Chapter 30: The Chances Are... None

331 7 13
                                    

CHAPTER 30

[The Chances Are... None]

Dismissal na...

Pero stay kami sa school ngayon.

Kailangan naming magpractice para dun sa intermission number eh. Malapit na kaya 'yun, mga next week? Basta. Malapit na 'yun, tapos ngayon palang kami magpapractice. Henyo talaga kami diba.

Hassle naman talaga oh. Bakit nga ba ako sumali dito? Plus points, papansin lang? May fashion show na kaya ako, kung tutuusin nga, hindi ako dapat makakasali dito. Pero wala lang, gusto ko sumali eh, anong magagawa nyo? Hahaha.

Tutal, ayos lang yun, andito naman si Randel eh. Solb na ang pag-iistay ko sa school!

(Tsk, ang martir ko talaga enu?)

Ngayon, hinahati palang nila yung grupo. May mga kaechosan pa kasing nalalaman eh, may Group A, B, C whatever. Psh, bahala na kung saan ko mapunta.

10 pala kami originally sa grupo... 5 girls and 5 boys. Sakto.

Sinakto talaga nila 'yun... Nako, mukang may binabalak yata yung mga choreographers namin ah.

Wag nilang sabihing...

MAGIGING BY-PAIR ANG INTERPRETATIVE DANCE NA 'TO!

Shemay lang. Hyperventilating much? Paano sila magpepair-pair?! By choice, by random o by loveteam?

OA lang 'teh?!

Ehhh... Ano ba, baka andito si Randel!

Halata naman sino magiging partner ko niyan eh, si Vince. Sino pa ba kundi si Vince? Kung by choice, duh. Kung by loveteam, inaasar-asar naman kami, so pwede. Well, kanino pa ba ako mapupunta pag ganon, kay Randel?! Wag ilusyunada 'teh!

Ay joke. Hindi pala sakto. May mga last-minute sign-ups sa grupo namin. Kaya hindi na siya pantay ngayon.

"CALVIN! Makinig muna kayo dito!"

Si Claire nga pala 'yun. Siya yung nag-aact as leader dito eh, kasama yung president namin. Wala naman kaming choice kundi makinig diba, sino ba namang gustong kumalaban dito kay Claire?

"Na-grupo-grupo na namin kayo ni Julie."

FYI. Si Julie, Julieane Bautista, yung class president namin. Ngayon ko lang talagang nabanggit pangalan niya, so ayun. Hindi siya kasama sa sayaw namin, siya lang talaga yung nag-aayos. Yes, she's awesome. Diba nga sinabi ko sa inyo dati, sure-win talaga siya nung elections namin? Hindi naman niya kami na-let-down, so tama lang talaga ang pagiging president niya.

"So ganito yun, may three groups tayo - A, B and C. Kami na yung nag-assign kung sino-sino yung mga nasa grupo. Dahil doon, bawal makipagpalit." -Julie

Sa loob-loob ko... nako, pano 'pag hindi kami magkasama ni Vince? Pano na? Hindi naman kasama dito si Alora. Sana nalang kagrupo ko si Maedelle! Si Randel... gusto ko rin sanang makagrupo, pero awkward eh. Bahala na!

"Group A. Karen, Minette, Maedelle, Dianne, Janelle"

"Group B. Lucas, Randel, Derrick, JM, James"

"Group C. Vince, Claire, Aileen, Winona"

AWWWWW. Hindi kami magka-grupo ni Vince! Lakas niya ah, only boy sa Group C. Hahahahaha! Dami kong tawa, mga 20. Hahahahaha.

Kami nga sa Group A, all girls, tapos sa Group B, all boys. Hiniwalay talaga si Vince sa Group B ah.

"Yung mga nasa Group A and B, maghanap na kayo ng mga kapartner niyo."

ANSAAAAAAAAAABE?

Teka teka teka. Group B, sino ba yung mga andun? Lucas... Randel... Derrick... JM... James... RANDEL! Powteeeek naman oh! Asa namang makakapartner ko si Randel diba! Pero wala, gusto ko sana eh. Gusto ko talaga sana!

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon