Chapter 15: The Evident Truth

466 18 18
                                    

CHAPTER 15

[The Evident Truth]

AY, OO NGA PALA! Dahil sa napakadaming conflicts sa schedule at sa weather, ngayon palang kami magkakaroon ng batch elections. Late na nga eh, dalawang buwan nalang, intrams na!

Here goes my hopes and dreams again... CHOS.

Tulad nga ng una kong nabanggit [A/N: Chapter 2 to be exact] pangarap ko sanang naging muse ng batch namin. Nung first year ko pa gusto eh... kaso mahirap lumugar, eh mas madami pang maganda sakin sa klase. Hanggang nominate lang ako, hindi naman ako nanalo. Sa classroom elections palang 'yun ha! Ngayong third year lang ako hindi nanominate.

Kadalasan kasi, kung sino na yung class muse, siya na rin yung inonominate para sa batch muse namin. Nung first year, wala naman kaming class muse, kaya pumili nalang kami sa assembly. Nung second year ako, nagnominate kami sa klase... pero ayun, talo parin ako. I'm not that sociable, k?

Sabihin ko nga kay Vince na gusto kong manominate?? Nako, baka pagtawanan lang ako nun pag sinabi ko! Baliw yung lalaking 'yun eh.

Pero bahala na... Pakapalan na muna ng mukha! Best friend ko naman siya eh, kung pagtawanan niya ako, eh di pa ba ako nasasanay don? Hahahaha.

AHHH... Alam ko na! >:) *light bulb switches on*

Batch assembly kasi namin laging after last period. Si Vince muna yung naging kasabay ko... Siya naman kasama ko ngayon nuh! Alangan namang kila Alora na ako laging sasabay, si Vince ang best friend ko eh!

Ayun, pababa na kami ni Vince papunta sa AVR. Siningit ko muna yung topic ng muse at escort sa usapan namin...

"Sino kaya escort natin ngayon?"

"Baka si James. Ewan ko, madami yatang pwede."

Oo, si James Padilla. Isa rin siya sa mga dakilang gwapo sa klase namin! Sobrang gwapo din nito, tapos ang cool niya GRAAAABE. Mabait pa siya, mayaman. Hahahaha. Hindi ko nga lang siya naging crush. Idk eh, baka hindi ko lang siya type? Kaso nga, taken na siya. Tapos going strong parin sila.

"Malay mo, ikaw!"

"Gagi. Ayoko nga!"

"Eh, class escort ka naman last year ha?"

"Napagtripan lang ako nun!"

OH YESSS, siya ang class escort namin last year. Public demand eh! Hindi niyo lang alam, patok itong best friend ko.... kong mapagtripan! Hahahaha. Pero gwapo naman itong si Vince, hindi naman siya panget para di maging escort. Hindi nga lang bagay sa kanya. Kaya ayun, napagtitripan.

"Sabagay. Gusto mo nominate kita?"

"Lul. Subukan mo lang!"

"Edi ako nalang inominate mo."

"Escort?"

Sige, tawa ka pa. Whew. That went well.

"Baliw! Sige, lalaki ako. Lalaki!"

"Muse?"

"OO!"

"Sige. Try ko, nahihiya akong magnominate."

Suuuus. Ngayon pa lumabas yung hiya mo. Akala ko ba wala kang hiya?

Tapos si Randel yung escort ko ha? Hahahahaha JOOOOKE! Ang taas talaga ng pangarap ko. Pero seryoso, gusto kong maging escort si Randel. I can see it now. Hahaha, me and my wild imagination.

Pero wait... asan na yung ineexpect ko tawa-tawa mode niya? Si Vince ba itong kausap ko??

Pumasok na kami sa AVR. Nakaupo kami sa bandang harap kasi by section nga naman yung arrangement. Edi, katabi namin yung Burbank.

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon