Chapter 11: Why Not Her Instead?

410 14 14
                                    

CHAPTER 11

[Why Not Her Instead?]

Mga 11 PM na yun. Ginagawa ko yung script para sa presentation namin next week. Ang hirap pa naman ng pinapagawa ni Ma'am. Gusto daw kasi niya, may 10-15 characters yung ipepresent namin... pero apat lang kami sa grupo! Dapat daw madistinguish namin yung napakadaming characters na yun kahit nagmumulti-tasking kami ng roles. Ang hirap diba???

Teka... gets nyo ba yung pinagsasasabi ko??

Kung hindi... example nalang. Kunwari ako, roles ko; nanay, bunsong kapatid, ateng maarte. Kasi diba, kapag nanay stricto yung dating; kapag bunso, pababy-baby; kapag ateng maarte, malamang maarte. Dapat makilala parin ni Ma'am yung roles na pinoportray ko kahit ako parin yung tatlong yun.

Oh, gets nyo na? Ang hirap rin mag-explain ha!

At dahil nga mabait ako... sinolo ko lang kaya yung script at kwento na ginagawa ko!

Hindi naman sa inako ko yung ganyang trabaho. Wala na akong choice eh! Wala naman kasing tumutulong sakin. Kung tatanungin ko naman sila, wala naman din silang naiitulong. Kawawa naman ako.

Eto kasi yung hirap pag mabait eh... minsan nakakaya ka na nilang abusuhin.

Dalawa nga lang yung tinanong ko sa tatlo kong kagrupo. Hindi ko pa tinatanong si Randel... Hindi ko kayaaaa! Baka hindi pa ako replyan nun, busy siya sa pagtetext kay Charizze o kay Janelle eh! Nung 2nd year nga, never ko pa yun nakatext. Hindi na ako umaasang makita yung pangalan niya sa inbox ko. Hay... Hayaan ko nalang siya, kaya ko naman ito mag-isa...

TUTUT.

Late na ha, tapos may nagtetext pa?

Tsk. Baka GM nanaman 'to.

"Segovia Rand... ui. gcng ka pa? 11:43 p.m."

Lumalakas bigla yung tibok ng puso ko! Kakasabi ko nga lang na imposible kong makita pangalan niya sa inbox ko... Baka panaginip lang 'to ha??? Tulog na ba ako???

Binuksan ko na yung message niya. Tinry kong sampal-sampal sarili ko kung nananaginip lang ako. PERO HINDI!!! GISING NA GISING AKO!!!!

Alam mo yung "Carpe Diem"? Today's the day, and now I will seize it! Este, night pala. Basta, THIS IS REALLY IS IT IS IT!!! (Napa-AIAI? Hahaha)

First time niya akong tinext!!! Shemaaaay!

Concerned na ba siya sakin???

"ay, hindi. tulog ako. :P de joke. bakit ka yata napatext?"

Dugdug. Dugdug. Dugdug.

"tatanong ko lang sana kung tuloy ba praktis bukas."

O____________o Sabi ko na nga ba eh... another "not-so-personal" reason.

Feeler ka kasi Dianne eh!

"oo naman! bakit, di ka aattend?"

Kasi kung hindi ka aattend... hindi na rin ako aattend. Ano pa bang silbi ko doon kung wala ka naman? Chos. Hahahaha.

"di. nagtatanong lang."

Pwede bang hindi nalang matapos ang pag-uusap na 'to?? Ayoko pang matapos 'to!

"ah. akala ko kasi.. wala lang."

"akala mo ano?"

"na di ka attended. gcing ka kuya?"

"sorry nman. geh"

LAGOOOOOOT! Matatapos na ang usapan namin! Gusto ko pa siyang makatext. Kahit anong topic na, basta kausap ko pa rin siya... Kahit anong topic, basta siya ang kausap ko, ok na 'yun sakin!

Replyan ko pa kaya... o wag na? Magmumuka ba ang desperada o FC kapag ginawa ko yun?

Wag na nga lang...

Tsk. Tapusin ko na nga lang 'tong ginagawa ko para makatulog na.. Para sa grupo din naman namin ang ginagawa ko.

Mga 12 AM na rin ako nakatulog... hindi na rin muli pang nagtext si Randel. Hindi niya man lang natanong kung anong ginagawa ko, o kung ano na nangyari sa script namin. SYEMPRE, BAKIT NAMAN NIYA ITATANONG YUN? Wala naman siyang pakialam sakin. :'(

Pero hanggang ngayon, ang lakas parin ng tibok ng puso ko...

Ikaw kasi Randel may kasalanan nito eh!!!

Isang kasalanan na gusto kong paulit-ulit gawin sakin..

Eto na... judgment day na. Echos, kahit kelan, ang drama ko talaga.

Kakagising ko lang, ang aga-aga pa! Pupunta pa kasi akong school para sa practice namin, doon kami magkikita-kita saka pupunta sa bahay ng isa kong kagrupo.

Iniisip ko nga kung sisipot pa ba ako doon o hindi, pero kung hindi ako pumunta, edi wala silang magagawa mamaya? Baka mas lalo pang mauwi sa landian 'yang si Randel at Janelle eh! (Grabe, ang OA ko naman... Oh well, sadyang nakabantay lang talaga ako kay Randel my labbs. Haha)

Sa akin kaya nakasalalay yung magagawa ng grupo. Tsk, as if naman... yung script lang naman yung habol nila. Ako kasi yung dakilang script maker at leader. Puro laidback mga kagrupo ko, edi ako... Pero kung may mas responsible sana samin, edi siya yung leader! Hindi naman ako talagang nagvovolunteer sa mga ganyang bagay.

Sige na nga, pupunta na nga lang ako... Bahala na kung ano yung mangyayari mamaya.

Kung si Janelle man ang unang lumapit, kakayanin ko pa 'yun. Basta wag lang si Randel!

Bumangon na nga ko, tapos chineck ko agad yung cellphone ko. Baka naman kasi may nagtext na pala sakin.

Aba, meron nga. 6 unread messages.

GM? Ah, delete.

GM? Delete.

Plug? Delete parin.

GM? Delete.

Wala bang kakwenta-kwentang text dito?!?!?!

Unknown number? Delete parin.

GM? Delete-

OPS! Unknown number? Sino kaya 'to?

BOOM.

Nagulat na ako sa sunod kong nakita.

Binuksan ko yung message na 'yun.

Mas lalo pa akong nagulat sa susunod kong nakita!

"Randel to.

pahintay lng ako sa school."

Wow naman, nakitext pa siya sa iba para lang matext ako. AYIIIIIEEEEE! Plus points yan sa kanya!!!

Kahit hindi mo man sabihin, hihintayin parin talaga kita... Basta ikaw!

Ano bang tawag sa ginagawa ko araw-araw?

Yun oh! Bumabanat si Dianne ngayoooon!

Ay teka. GM kaya 'to o PM? Walang kayang "Dianne" sa message.

Ah basta... nagpapahintay siya sa school sakin! SAKIN... hindi kay Janelle! O kung kay Janelle din man, sinama parin niya ako. Tsk, hayaan niyo na ako maging feeler!

Ang ganda-ganda na ng simula ng araw ko dahil sa isang text na 'yun. Kita mo Randel kung gaano ako naaapektuhan sayo???

Sana magtuloy-tuloy na rin, hanggang mamaya...

Kahit habambuhay pa...

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon