Chapter 20: Reconstructed Bridges

436 15 19
                                    

CHAPTER 20

[Reconstructed Bridges]

English time namin. Weeeeeew. Awkward lang naman. Magkatabi kasi kami ni Vince tuwing English eh. Nakakailang lang... hindi niya parin ako pinapansin.

"Please bring out your assignment. Exchange with your seatmate."

Shems. Here we go agaaaain. Makikipagpalit na kaya siya?

"Ui Vince. Dun ka kay Dianne oh."

Narinig kong sabihin ni Minette kay Vince na makipag-exchange daw siya sakin, huwag sa kanya. Dahil sakin naman talaga siya dapat mag-exchange. Nasa dulo nanaman kaya ako nakaupo! Si Vince lang katabi ko, sa kabila aisle na. Kaya nga ang awkward diba!

In case you don't remember... si Minette yung nominee namin for class muse nung batch assembly. Siya rin yung supposed best friend ni Aileen. Bakit 'supposed'? Kasi tulad namin ni Vince, hindi ko na rin sila nakikitang magkasama. Pero hindi tulad nila, mga isang buwan na 'tong away nila, kami ni Vince linggo palang ang inaabot. Hindi ko alam kung away ba yung nangyari kila Minette at Aileen. Hindi ko nga alam kung bakit eh, hindi naman kami close nitong si Minette. Basta alam ko lang, nagkaroon nalang ng ibang mga barkada itong dalawang 'to. Ayun, they went from best friends forever to just friends. Nakakaintriga naman yung dahilan..

And oo nga pala... si Minette yung kaklase kong crush na crush si Michael. Kaya nga si Minette yung ginawa nilang muse diba? Para kung sakaling manalo siya, si Michael yung gagawin nilang escort niya. Minchael daw. K, sila na may loveteam! Long time crush na kasi nitong si Minette si Michael. Freshman year palang, tapos naging magkaklase na rin sila sa wakas ngayong third year. Hindi ko alam kung may gusto si Michael kay Minette... pero sa pinapakita niya ngayon sa kanya, mukhang wala naman eh.

"Hoy Minette. Wag ka nga!"

"Eh. Bahala ka, pride mo kasi."

Akala ba nila hindi ko sila naririnig? Ang lakas-lakas kaya ng boses ni Minette, tapos si Vince pa! Hellooooo? Magkakatabi lang kaya tayo!

Nagulat nalang ako. Kinalabit ako ni Vince tas binibigay yung notebook niya sakin. Akala ko hindi siya magpapadala kay Minette eh. Kinuha ko nalang din notebook niya, tapos binigay ko yung notebook ko sa kanya.

....

....

....

Awkwaaaaaaaaard.

Tinitignan ko yung notebook ko kay Vince... pasimpleng tingin lang syempre. May nakalagay nang "corrected by: Vince DC :)" dun sa ilalim ng homework ko. Hindi ko inaakalang susulatin pa niya yun. Kung galit kasi siya... edi dapat wala nang corrected by na yun, tapos may smiley pa oh! Whut iz the meaning opdizzzz? Edi nilagyan ko nalang din ng "corrected by: Dianne <3" yung notebook niya. Hahaha, gaya-gaya ako ehhh. 

....

....

Awkwaaaaaaaaaard. Check lang kami nang check. Wala paring kibuan...

"Return the notebook to your seatmate. Who got 20?"

Binalik na ni Vince yung notebook ko, binalik ko na rin sa kanya yung kanya. Wala paring kumikibo. 19.5 pala ang score ko. Waw, di pa sumaktong perfect. Si Vince naman, 14/20. Well, saming dalawa kasi, ako yung magaling sa English... At dahil nga hindi kami nagtulungan sa recent homework, nagkalayo scores namin.

"Kausapin mo na kasi." -Minette

Hindi sumagot si Vince...

Ehhh.. ang boring na nga ng English time, wala pa akong kausap. 30 minutes pa ang lumipas, hindi parin kami nag-uusap. Ang boooooring!  >___<

Blah blah blah blah blah. Ayoko talaga dito sa English teacher namin. Feeling ko tuwing nagsasalita siya, para lang siya nag-iisleepwalk. Nakakahawa tuloy yung 'antok' niya. Ang naiintindihan ko lang na lumalabas sa bibig niya, "Goodbye and thank you III-Calvin".

At yun na nga! Dismissed na kami sa klase niya. YEHEEEEY! Makakaalis na rin.

Shemay naman ohhh. Iniwan na pala ako nila Alora. Hays... mag-isa nalang tuloy ako aakyat. Ayoko pa namang naglalakad sa corridor na mag-isa. Baka may kumain sakin dun eh, joke lang.

Teka... mag-ayos nalang muna ako ng gamit. Ang kalat-kalat kasi ng gamit ko palagi! >.<

May kumalabit nanaman sakin. 

"Ui Dianne..."

Shems! Kinausap na ulit ako ni Vince!!!

"Sorry na.. :(" -Vince

OMAYGAS!!! KINAUSAP NA RIN AKO VINCE SA WAKAAAAAAS!

"AWWWW! Sorry na rin!! :(("

"Grabe! Ang OA-OA ko! Tignan mo nag-away tuloy tayo."

"Sorry din, hindi ko nasabi sayo hindi ako makakapunta."

*insert quasi-hug here* AWWWWWWWW. >:D<

"Leche ka. Nakakamiss ka!"

"Kala mo ako lang?!"

YEEEEEEEEEEEY. BATI NA KAMI NI VINCE! WEEEEEEE! :"""""""> Ang saya-saya ko! BATI NA KAMI NI VIIIIIIINCE! :DDD

"Close na pala kayo nila Minette ha."

"Medyo lang. Sila ni Maedelle yung close."

"Alam mo ba kung anong nangyari sa kanila ni Aileen?"

"Hindi eh. Basta hindi 'to tulad nung pinag-awayan natin."

Naiintriga parin talaga ako kung bakit nag-away si Minette at Aileen! Syempre hindi naman ganon kadaling mawawala yung pagiging mag-best friends niyo. Parang wala na silang pinagsamahan eh! Parang akala nyo bagong magkakilala lang, bihira magbatian. And to think, nasa isang classroom lang sila. They just drifted apart... tapos ayaw na nilang ayusin yun.

"Nakakapagtaka eh. Wala lang."

Pumunta na kami sa next class namin. Physics time na. Si Vince ulit katabi ko dito. Pero syempre, dahil nagbati na kami, tatabi na ulit siya sakin. By group kasi yung seating arrangement sa Physics kaya pwedeng magpalit-palitan.

Nilapitan ko si Alora at Janelle sa may tapat ng classroom namin.

"Ang daya nyo! Nangiwan kayo."

"Oh? Akala ko kasi nauna ka na eh." -Janelle

"Di bale, ok lang. Bati na kami ni Vince!"

"Oh? Buti naman nagkabati na kayo!" -Alora

"Odiba, hindi ka rin nun matitiis." -Janelle

"Sige ha, punta muna ako kay Vince."

"Ui Vince. Sama ka naman samin nila Alora oh."

"Sige, sama nalang ako sayo."

"Isama mo na rin siguro si Minette. Close din naman sila ni Janelle eh."

Weeeeeeee! Lalaki na rin yata yung barkada namin. Hindi ko nga lang alam kung ano na susunod na mangyayari... basta ang importante, bati na kami ni best friend! :D

What happens next?

----------------------------------------

[A/N: Sensya naman kung wala pa masyadong nakakakilig na nangyari sa recent chapters ng Forever Yours. Basta, ganyan yan dahil may rason. Abangan niyo nalang kung ano yung susunod na mangyayari. Happy 1.4k reads! <3 Lapit na mag 2.k. Hahahaha! Gogogogogo! :) Comment/vote/fan <3]

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon