Chapter 8: Accusations & Assumptions

479 16 35
                                    

CHAPTER 8

[Accusations & Assumptions]

Nagulat nalang ako, dahil kahit hindi pa pumapasok si Vince sa room...

Hindi na naging bakante yung upuan sa tabi ko.

Matangkad, gwapo at naka-salamin... Sino ba 'tong misteryosong lalaking 'yun?

Si RANDEL nga ba?

SANA... pero hindi pa kaya siya pumapasok sa room! Matangkad nga siya, pero hindi ganong katangkad. Tska wala kayang salamin si Randel.

Walang iba kundi si Michael Guttierez.

Pagkalagay niya ng bag nya sa harapan ng upuan sa tabi ko, hindi nalang ako umimik. Nahihiya ako sa kanya, hindi ko alam bakit. Hindi ko naman siya crush, aba, bakit ako mahihiya??

Eh... kasi "Bye Dianne" lang naman sinabi niya sakin eh? Yun lang. Isang simpleng bye ang namagitan sa amin. Baka naman pag bigla kong kinausap na parang matagal na kaming close, sabihin pa niyang ang FC ko sa kanya.

Pero kahit papano, naflatter naman ako dun sa ginawa niya... Bakit, masama?!

Syempre, ang ineexpect ko nalang ay walang tatabi sakin. Kumbaga parang may "people repellant" akong pabango, or may invisible "reserved for Vince Dela Cruz sign" dun sa upuan sa tabi ko! Pero hindi pala, may naglakas-loob na umupo dun. (Aba, para ba namang kakainin ko sila?)

Tapos... gwapo pa ang tumabi sakin ha! Shemaaaaay. Mabait pa siya sakin... wala naman sigurong problema diyan.

Ay teka... si Minette pala!! Nako, hindi naman siguro, ang tingin lang naman nila sakin ay isang "normal school-girl nerd". Wala naman akong potensyal na agawin sa kanila ang mga crush nila. Tsk.

Tska bakit, tumabi lang naman siya sakin dahil maganda yung pwesto dun. Malay natin, ayaw niya rin sa sobrang harap, sa gilid o sa likod. Baka parehas lang kami ng taste pagdating sa upuan. Hindi naman siya tumabi sakin dahil may gusto siya sakin diba? Wala namang malisya yan, mga ate!

Pumasok na rin yung mga natirang lalaki sa labas, sila Vince etc. Goodluck nalang sa mga pwesto nila, este sa pwesto ni Vince. Dahil nga nagtabi-tabi yung mga babae, pwede paring magtabi-tabi yung mga lalaki... sa likod nga lang. Eh si Vince naman? Di naman yun close sa kanila!

Kaya ba ni Vince talakan si Michael sa pag-upo niya sa tabi ko? Feeling ko hindi eh, pagdating kasi sa mga lalaking yan, napapatahimik yung lokong yun! Di nga sila close eh. Ibang mundo ang Calvin boys para sa kanya.

Tumingin ako sa likod, tinitignan ko kung saan nakaupo yung mga kaklase ko. At syempre, pasimpleng sulyap na rin kay Randel! Nasa likod nga siya, katabi yung isa kong kaklaseng lalaki. Pinaka-likod pa! Mukhang mahihirapan ako nito sa pagtingin sa kanya ha. ;)

Si Vince naman naupo sa may third row lang naman din, pero nagsosolo flight siya sa ngayon.

"Uy Dianne, dito ka nalang!"

Dun nalang kaya ako umupo para tabi kami?? Ewan eh... Gusto ko na dito sa pwesto ko. Kaya ko nga pinili diba??

"May nakaupo na kaya dyan!"

"Wala kaya! Sino pa bang kulang?"

Teka... tama ba 'tong pagdadahilan ko? May kulang pa ba sa Calvin, o baka may "people repellant" ding pabango si Vince...

Tok! Tok! Tok!

"Kyle, bakit ngayon ka lang?"

"Inutusan lang po ako ni Ma'am."

"Sige, maupo ka na."

Pagdating niya, yung upuan nalang sa tabi ni Vince yung natitirang bakante. Wala na talaga siyang choice eh. Good luck nalang sa kanilang dalawa!

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon