Chapter 1: Third Time's The Charm?

880 44 29
                                    

CHAPTER 1

[Third Time's The Charm?]

Today's the day of the first day of my Junior life! Wew, pangatlong ganyan ko na dito. Hindi ba obvious, kaya ngayon Junior diba?! Hahaha. Ayun, bagong nanamang mga kaklase at mga teacher. Bagong pag-ibig na rin nga ba? And this time... ito na kaya ito? Alam kong third year palang ako at malabo ko pang makilala ang one and only true love ko. Pero malay n'yo naman diba, ngayon ko na pala makikilala ang lalaking magpapabago ng buhay ko.

"Oy Dianne!"

Yun ang agad bumungad sakin pag dating ko sa pila ng section namin. Si Vince Dela Cruz lang naman yun, yung best friend ko since last year. Siya 'yung forever karamay ko sa mga bagay-bagay, may pagka-loner type kasi ako sa classroom eh, isa siya sa mga nagpabago nun. Dahil sa kanya, nagkaroon ako ng kakampi, kapag kailangan ko ng kasama - hindi na ako nag-iisa.

"GC mo talaga ah! Ang aga mo yata."

"First day eh. Maaga yung service ngayon. Teka, bakit ka pa naka-name tag?"

HALA! Naka-name tag pa pala ako. Ako nga lang yata yung may ganon sa batch namin, puro first year nalang! Ang bait-bait ko talaga! Tsk. Ayun, tinanggal ko nalang tas pinasok agad sa bag ko. Nakakahiya eh! 

"Edi tanggalin. Grabe!"

"Ikaw nga mas GC dyan eh."

"Parehas lang tayong GC! Masaya ka na?"

Ayun, maaga palang... kaya nagkwentuhan nalang muna kami ni Vince sa may canteen. Medyo malapit-lapit lang naman yung pila namin doon eh.

Para sa first day ng taong 'to, hindi ako masyadong excited. Sakto lang. May hangover pa ako sa bakasyon... tapos konti pa yung mga kakilala ko sa section ko na 'yun. Good luck nalang sakin. Challenge nga eh! Buti nalang andyan pa si Vince. Pano kaya kung napunta siyang star section nuh, pano na ako?

"Basta damayan parin tayo ngayon ha."

"Oo naman! Malupit pa naman subjects."

"Chem, Geom, AnGeom, Physics? Sana nalang ok teachers natin!"

Hay. Wag ka na kayong magreact. Sadyang GC lang talaga kaming magkaibigan. 'Yun agad topic namin enu?

"Sa tingin mo ba kakayanin ko third year?"

"Nako Vince. Nag-iinarte ka nanaman. Ba't naman hindi?"

"Andami kaya nating matatalinong classmate! Andyan pa si Karen na halimaw sa math."

"Sus. Kaya mo yan! Ako nga ang delikado dito eh."

"Weh? Pahumble ka pa!"

"Atleast naman may sinabi ka sa Math, puro kaya Math this year. Ikaw ang pahumble dahil ikaw 'yung muntik na makapasok sa Burbank!"

Oo. Last year nga, muntik na siyang umabot sa cut-off ng star section ng batch namin. GC nga kasi siya, higit na mas GC kesa sakin. Grade-conscious pala ang meaning nun kung hindi niyo pa naeencounter. Magkasunod lang kami sa class ranking, kaya siguro naging magkaklase pa kami ngayon sa 2nd section ng batch.

Forever YoursWhere stories live. Discover now