3. Maliit Kasi (AU)

15.4K 268 34
                                    

Salamat sa pagbabasa ng last chapter. Eto naman. Para sa mga mag-bestfriends na nagkakainlaban. Charotera ako poreber. Lels.



Title: Maliit Kasi

Pairing: KathNiel

Genre:  

 Dedication: Lorelyn...Bebs. Labyu. :***

May nakapagsabi na gusto ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo.

Siyempre hindi naniwala si Kathryn.

Magkakababata sila. Pitong taong gulang pa lamang sila ay magkakilala na sila. Best friends pa nga ang turing nila sa isa't isa eh. Ang pinakapaborito nilang panuorin noon ay Power Rangers. Tapos minsan nga ay gagayahin pa nila yung mga away doon. Sabay din silang maglaro ng PlayStation at nauuwi ang lahat ng yun sa pag-aaway na mala Tekken 3 sa bagsik.

Kaya nga hindi siya makapaniwala ng sabihin sa kanya ni Julia nung first year high school sila na may gusto sa kanya si Daniel. Lahat ng mga kaibigan nila iyon ang sinasabi.

Kahit ang mga lalaki kapag napapadaan siya, may sisiko kay Daniel tapos titingin sa kanya. Mahihiya lang si Daniel at aalis na lang bigla. Minsan hinahabol niya ito para tanungin kung ano ang problema pero hindi siya magsasalita.

Lumipas ang mga araw, linggo, buwan at taon...Nag-iba ang pakikitungo ni Daniel sa kanya. Hindi na siya nito pinapansin at kakausapin nalang siya kapag kailangan. Nung umpisa masakit ang lahat, siyempre matalik mong kaibigan tapos naging ganun. Ang mas masaklap, hindi alam ni Kathryn kung anong nangyari. Sa pagkakaalam kasi niya, wala siyang nagawang mali.

Kaya naman ang buong akala niya, nawala na ang pagkakaibigan nila.

At ngayon, tatlong taon na ang lumipas. Fourth year high school student na sila.

"Kath...Seryoso ako..." sabi ni Kiray Celis, isa sa kaibigan niya. "Feeling ko malapit ka ng matunaw sa mga titig ni Daniel sa'yo. Lagi niyang sinusundan ang mga kilos mo. Halata namang patay na patay siya sa'yo."

"Wala akong ideya kung ano pinagsasabi mo," tugon ni Kathryn.

Nagbuntong-hininga si Julia. "Naku Kath. Nahuli mo siyang nakatitig sa'yo dati. At sasabihin ko ulit ang sinabi ko sa'yo nung first year tayo. Gusto ka niya. Gusto ka ng isang Daniel Padilla."

Tumawa si Kathryn. "Julia katulad ng dati, sasabihin ko sa'yo. Walang gusto sa akin si Deej – si Daniel. Kung gusto niya ako, bakit hindi niya ako kinakausap ng halos tatlong taon? Nakikipag-usap naman siya kay Diego, sa'yo at sa halos lahat ng tao pero sa akin? Makikipag-usap lang siya sa aking kung kailangan."

"Girl, gusto ko lang sabihin sa'yo na si Daniel lang naman ang pinakagwapong lalaki dito sa campus ngayon. Alam ko dati nasabi mo rin na cute siya at nagaastig-astigan pero ngayon...totoo na siya. Masasabi mong astig siya at super hot," sabi ni Kiray.

"Ok..." tugon ni Kathryn na parang walang pakialam.

Nagkatitigan sina Kiray at Julia.

"Sumama ka sa amin after ng klase natin ngayong hapon," sabi ni Julia.

"Saan naman tayo pupunta?" tanong ni Kathryn.

Ngumiti ng sabay sina Kiray at Julia, "Basketball game."



...

Real & Reel (KathNiel One-Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon