Chapter 7

3.9K 91 9
                                    

© Shupershimmer


Kinabukasan, pumunta ako sa Louisana's at doon ko lang balitaang ilang araw na mula nang mag-resign si Irish sa trabaho niya. Lalo lang niya ako pinahihirapan sa paghahanap.

Kaninang umaga, bago ako dumiretso sa resto na 'to, dumaan ako sa unit ni Irish pero walang tao dahil nakailang katok na ko. Walang nagbukas ng pinto.

It's either nasa ibang trabaho na siya ngayon, o mas malala, lumipat na siya ng unit.

It's hard for me to identify whether she moved from this place to another. Unang-una, sarado ang bintana niya kaya hindi ko na makita ang loob, galing sa bintana ko. Pangalawa, hindi siya sumasagot sa tawag ko.

Nasa kotse ako, mahigpit ang hawak sa manibela, habang iniisip nang maigi ang mga laman sa wallet niya. Baka may iba pa siyang namepin o ID galing sa ibang trabaho niya-wala. Kahit anong alala ko, wala.

Pumikit muna ako at sinandal saglit ang ulo sa headrest ng upuan ko. Huminga ako nang malalim dahil tatatlong oras lang ang naging tulog ko.

May na-picture out ako na isang card-kamukha ng isang business card-na kulay green at white, at may nakasulat na mahabang pangalan ng ospital sa taas. Hindi ko maalala.

Naibagsak ko bigla ang kamay ko sa manibela dahil sa inis.

Ang tanging naalala ko lang sa card na 'yon, may address siya ng isang part sa Manila. May nakasulat ding pangalan ng doctor sa baba, at ang specialization niya sa medicine.

Ang naalala ko lang, Dr. Almira. May contact number din 'yon sa bandang ibaba, pero hindi ko yun pinansin dahil maliliit ang font. Tinawagan ko si Gio.

"Nasa unit ka ba ngayon?" tumingin ako sa wrist watch ko; 9 AM. Siguro naman nasa bahay pa siya.

"Uh," throaty pa ang boses niya at napansin kong kagigising niya lang. "Pare, ang aga-aga. Hindi pa nga lumalabas ang araw!"

"Bakit? Nasa America ka ba?" naiinis na sagot ko. "Sa nakikita ko, mataas na ang araw ngayon."

"Ano ba 'yon?"

"May alam ka bang hospital sa Manila?" tanong ko at kumunot ang noo ko nang natawa siya.

"Dude, ang daming hospital sa Manila. Gusto mo i-enumerate ko?"

Umayo ako nang pagkakaupo, at inalis ang pagkakasandal ng likod ko sa upuan. I sighed again for the nth time just this morning.

"Nawawala ang subject ko, Gio," I finally announced.

"Pa'nong nawawala? May kumidnap?"

I hissed. "Hinde. Nagresign na siya sa trabaho niya sa Louisana's. Hindi ko alam kung nasaan siya. Wala rin siya sa unit niya ngayon. Tang ina, binantaan pa ko ng nag-utos sakin na kailangang bilisan ko."

Hindi sumagot si Gio, kaya tinignan ko sa screen kung binabaan niya ba ako. Nandoon pa naman, pero maya-maya nagsalita siya.

"So, bakit ka nagtanong tungkol sa hospitals? Feel mo bang ipa-check up 'yang ulo mo?"

Pinaliwanag ko kay Gio na nakakita ako ng business card sa wallet ni Irish noon at binanggit ko ang mga naalala ko sa card na 'yon. Sinabi kong baka makakatulong 'yon.

"Baka naman discount card 'yon!" sagot niya. "Malay mo trip niya lang na itabi."

"Hinde, imposible 'yon. Hindi niya itatabi kung hindi importante 'yon."

Ang daming na-conclude ni Gio. At ako naman si tanga, pinapatulan ang assumptions niya. Baka raw nurse o janitress si Irish doon, o kaya nagtratrabaho sa canteen. Pumasok pa sa kokote niyang baka nagtatamang-hinala lang ako. Na baka hindi ko naman siya makikita sa hospital na 'yon.

Kiss and Kill [SEASON 1 & 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon