Cloud and Dawn Side Story (Part 7)

19K 215 6
                                    


CLOUD'S POV

Nandito ako ngayon sa rooftop. May usapan kasi kami ni Liwayway na magkita kami.

Bakit? Wala lang. Masama bang makita siya?

Tapos ilang sandali pa, nakarinig ako ng babaeng umiiyak. At nang tingnan ko ang nakatalikod na babae, parang pamilyar.

"Miles?"

Lumingon siya sakin. "Cloud?" - kunot-noong sambit niya

Muli siyang tumalikod at pinahid ang luha sa mga mata.

"May problema ba?" - tanong ko

Lumapit ako sa kanya.

"W-wala naman." - sagot niya

"Imposibleng wala. Umiiyak ka eh. Si Nathan ba?"

Nilingon niya ko. "A-anong ginagawa mo dito?"

Magaling talagang umiwas ang babaeng ito. At hindi ko sasabihin sa kanya na may hinihintay ako ngayon dito. Siguradong tutuksuhin niya ko.

Tumingin ako sa kanya. "Ako ang dapat na nagtatanong niyan. Nauna ako sayo dito. But anyway, nagpapahinga ako. Ikaw?"

"S-same." - ako

"Hindi pahinga ang tamang term sayo. Sa hitsura mo ngayon, parang broken-hearted ka." - I said with a sarcastic smile

"You're wrong. I'm not broken-hearted. Well, not yet."

"What do you mean?"

"Makikipagbreak pa lang ako sa kanya."

(0_____0) - ako

"But, why? Napakasaya nyo namang dalawa, diba? Sa 4 months nyong relasyon, hindi naman kayo nagkaroon ng malaking ayaw na hindi pinagkasunduan."

Malungkot siyang ngumiti at tumanaw sa kalangitan. "Sabihin na lang natin na magkaiba talaga kami ng mundong ginagalawan. Hindi kami nababagay sa isa't-isa. Masyado siyang mataas para maabot ko. At kahit mahal namin ang isa't-isa, hindi sapat ang pagmamahal lang para ipaglaban ko ang pag-ibig ko sa kanya." - malungkot niyang pahayag

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko akalain na ganun pala kakomplikado ang relasyon niya kay Nathan. May mga insecurities rin pala siya kahit na sabihin mong matapang at mataray siya.

Di ko naiwasang tuksuhin siya. Gusto ko lang pagaanin ang loob niya.

"Bakit ngayon lang?"

Napalingon siya sakin.

"Bakit ngayon ka lang nagdesisyon na iwan siya?" - tanong ko pa

Tinitigan niya kong mabuti. Hindi naman ako natinag. Alam ko na may mababasa siya sa mga mata ko.

At hindi ako natatakot na mabasa niya yun. Wala akong dapat itago sa kanya. Alam kong makikita niya sa mga mata ko ang lungkot at simpatiya sa kanya dahil sa sitwasyon niya. At tama ako ng hinala.

"It's good to hear that you already moved on." - sabi niya at saka ngumiti

"Oo nga eh. Sabi ko, maghihintay ako. Oras na paiyakin ka at iwan ka ni Nathan, ipu-pursue ko ang feelings ko para sayo. Pero nung palagi kitang nakikitang masaya at tumatawa sa feeling niya, dun ko narealized na hinding-hindi ko magagawang pasayahin ka ng ganun. Kaya mas minabuti ko ng isuko ang nararamdaman ko sayo dahil umaasa lang ako sa wala." -sinserong sabi ko

"So, who's this lucky girl?" - tanong niya

Napakunot-noo ako sa tanong niya. (.~~)??

"I know you have a special girl. Siya ang mas nakatulong sayo para mas mapabilis ang pagmu-move on mo. Sino siya?"

Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon