CHAPTER 32: Cloud and Dawn: Perfect Combination [EDITED]

50.2K 903 32
                                    



CLOUD


Nandito ako sa labas ng Romantico Fonda at hinihintay ang pagdating ni Miles. She texted me and on the way na raw siya. Ilang sandali pa nga, may humintong taxi sa tapat ko at bumaba siya.


Agad akong lumapit sa kanya. "Buti pumayag si Nathan."


"Hindi ko rin naman siya napapayag agad. Siniguro ko na lang sa kanya na wala siyang dapat na ipag-alala sa'kin. Besides, wala naman siyang magagawa dahil magkaibigan tayo."


I smiled and ignore the term 'magkaibigan' that she mentioned. "Nathan was just jealous. And it's natural to feel that way lalo na at alam naming pareho na ibang lalaki ang kasama ng babaeng mahal namin. So, I understand him kung iyon ang nararamdaman niya," makahulugan kong pahayag sa kanya. Dahil iyon din ang nararamdaman ko kapag kayong dalawa ang magkasama, mahinang dugtong ko pa sa isip ko. "Anyway, pasok na tayo sa loob. Hinihintay na tayo ni Mama." At iginiya ko na siya papasok ng restaurant.


"'Ma, nandito na kami ng friend ko."


Lumingon si Mama sa direksyon namin nang makalapit kami. "So, you're my son's friend?"


"Miles, meet my mother, Claire Montenegro. And Mama, meet my friend, Miles Buencamino," pakilala ko sa kanilang dalawa.


Ngumiti naman si Miles at magalang na binati ang aking ina. "Hello po. Nice meeting you, Tita."


Ngumiti rin naman si Mama sa kanya. "Hello. Nice meeting you, too, hija." At bumaling ng tingin sa'kin si Mama. "Son, I never thought that your friend is a girl. I thought you will bring your guy friend."


"Mama, bago pa lang ako sa school kaya wala pa 'kong masyadong friend bukod sa kanya. Besides, we were schoolmates way back in high school. And schoolmates ulit kami ngayon," paliwanag ko sa kanya.


"Is that so? Okay. Maupo na kayo."


Ipinaghila ko ng upuan si Miles bago ako umupo sa katabing upuan niya.


"Hintayin lang natin 'yung hinihintay ko. Parating na rin siya eh."


Kunot-noong napatingin ako sa tinuran ni Mama. "May hinihintay pa tayo?"


"Yes. 'Yung inaanak ko. She's only ten years old nang huli ko siyang nakita. Sabi ng mga magulang niya, dalagang-dalaga na siya ngayon and very athletic. She also have a strong personality. Sabi pa ng kumare ko, doon din siya sa university ninyo pumapasok. So, you should meet her, son. And I know, you will like her," sabi ni Mama na may kakaibang tingin sa'kin. Mukhang may idea na ako sa sinasabi niya. And I hate what she's implying to me.


Tumingin ako kay Miles. At napailing na lang ako nang makitang pati siya ay may nakakalokong ngiti at tingin sa'kin. Hindi pa 'ko handang tumingin sa ibang babae. Siya pa rin ang mahal ko hanggang ngayon. Imposibleng magustuhan ko ang babaeng sinasabi ni Mama.

Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)Where stories live. Discover now