CHAPTER 39: Third Monthsary Preparation [EDITED]

54.7K 947 35
                                    


MILES


Mabilis na lumipas ang mga araw. Tatlong buwan na ang relasyon namin ni Nate. At sa loob ng mga panahon na iyon, maayos at masaya naman ang pagsasama namin. Hindi pa rin maiiwasan ang konting pagtatalo at tampuhan, pero nagkakaayos at nagkakabati rin naman kami agad.


May ilang mga babae pa rin sa school ang nagpaparamdam at nagpapakita ng interes kay Nate, pero hindi na lang niya iyon pinapansin. Hindi na rin siya masyadong lumalandi at nagpapalandi, na ayon naman sa kanya ay pagiging friendly lang ang pinapakita niyang iyon. Natatandaan ko pa nga ang sinabi niya nang minsang sabihin ko na huwag na siyang lalandi sa ibang babae.


"Kapag ang mga kaibigan ko, gago ang tingin niyo pero kapag ako, malandi na agad sa paningin niyo. Ganyan naman kayo eh. Mine, gaano ba kahirap aminin sa sarili mo kung gaano ka-sweet at kagwapo itong boyfriend mo para lapitan at hindi iwasan ng mga babae? At kung malandi man ako, pasalamat ka na lang dahil ikaw lang ang nilalandi ko. Tsk."


Talagang dapat ko pang ipagpasalamat na ako lang daw ang nilalandi niya? Ang yabang lang talaga kahit kelan. Psh!


Muli kong ipinagpatuloy ang ginagawa kong pagdidikit ng mga pictures namin ni Nate sa isang photo album. Ang mga pictures na ito ay noong date namin sa Tagaytay. Isinama ko rin ang mga pictures namin noong first date namin. Kahit ako ay hindi inaasahang magkakaroon kami ng pictures noong first favor date namin. Ang natatandaan ko lang kasing pictures namin ng mga oras na 'yon ay ang kuha namin sa photo booth.


But, thanks to my two best friends. Sila ang kumuha ng mga pictures namin sa Tagaytay habang sinusubaybayan daw kami. At ayon na rin sa kanila, nag-hire sila ng isang private investigator para sundan at alamin ang ginawa namin ni Nate noong araw na nagpunta kami sa mall. Kaya pala hindi na sila nagtanong nang araw na iyon dahil alam nila kung ano ang nangyari samin.


Napangiti ako nang makita ang picture ng accidental kiss namin ni Nate. Our first kiss. Gulat na gulat kami habang nasa ibabaw niya ko at magkalapat ang mga labi namin sa isa't-isa.


Maingat kong idinikit iyon sa album at sinulatan ng caption. Alam kong wala lang ito kumpara sa mga regalong natatanggap niya sa ibang tao. Pero, ito lang kasi ang naiisip kong iregalo sa kanya sa nalalapit naming third monthsary. Hays! Ang hirap naman kasing regaluhan ng taong nasa kanya na ang lahat. At ang sagot lang niya sakin nang minsang tanungin ko siya kung anong regalo ang gusto niya ay ganito.


"Mine, ang makasama ka araw-araw ay sapat ng regalo para sakin. And the best gift that you ever gave to me was your heart. Iyon lang ay kuntento na ko kahit wala akong matanggap na regalo mula sa'yo."


Kahit kinilig ako sa sinabi niya, kinakailangan ko pa ring magbigay ng regalo sa kanya. Isang regalo na iba sa mga natatanggap at hindi niya makakalimutan. Gusto ko kapag nakikita niya ito, hindi lang ang mga memories namin ang maaalala niya kundi kung sino rin ang babaeng nagmamahal sa kanya.


Napatigil ako sa ginagawa ko nang biglang tumunog ang phone ko. Number ni Nate ang nakita ko sa screen. "Bakit?" bungad ko nang sagutin ang tawag.


"Good afternoon and I love you too, Mine. You're really sweet."


Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)Where stories live. Discover now