CHAPTER 38: Bukol [EDITED]

55.7K 834 32
                                    


MILES


Natatamad pa kong bumangon kaya naman mas lalo kong isinubsob ang mukha ko sa yakap kong unan. Pakiramdam ko ay nakadikit doon ang amoy ni Nate. Hindi ko napigilang mapangiti nang maalalang magkatabi kaming natulog kagabi.


Nakarinig ako ng lagaslas ng tubig na siguradong nagmumula sa banyo. At ilang sandali pa, narinig ko ring may nagbukas na pinto. Hindi na ko nag-abalang magmulat pa ng mga mata dahil isang tao lang naman ang maaaring narito rin sa loob ng silid.


Mas lalo akong napangiti nang muling maamoy ang bango ni Nate. At pakiramdam ko pa ay napakalapit lang niyon kaya naman mas lalo kong nilanghap ang bango niya. Ang sarap lang amuyin at hindi masakit sa ilong. Para akong nakalutang sa ulap at ang sarap matulog.


"Mine, gumising ka na diyan. Mas magandang higupin mo ang bango ko kapag mulat ka. Para hindi lang ang ilong mo ang mabubusog, pati na rin ang mga mata mo dahil sa kagwapuhan ko."


Biglang nagising ang diwa ko nang marinig ang kayabangang iyon ni Nate. Parang may bumara sa lalamunan ko at hindi agad nakapagsalita nang isang magandang tanawin ang bumungad sakin. Hubad na katawan ba naman ng boyfriend mo ang bumungad sayo, makakapagsalita ka pa ba? Hindi ba pagmamasdan mo munang mabuti iyon?


Hindi ko alam kung gaano ako katagal napatitig sa abs niya bago ko nagawang ituon ang tingin ko sa mukha niya. Alam kong hot at gwapo na siya, pero mas lalong nadagdagan iyon dahil sa wet look niya ngayon.


Naipilig ko ang ulo ko. Ano bang nangyayari sakin? Nakita ko lang ang topless body niya, pinupuri ko na ang kagwapuhan at katawan niya. Siguradong kapag nalaman niya ang bagay na iyon, yayabangan na naman niya ko. Psh!


"Mine, kakaligo ko lang pero naiinitan na naman ako. Napapaso kasi ako sa init ng titig mo sa katawan ko," nakangising pahayag niya.


Agad akong bumangon sa kama. "H-hindi ako nakatitig sa katawan mo. Maliligo na ko," pagtanggi ko habang hindi tumitingin sa kanya. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko dahil nahuli niya kong nakatitig sa hubad niyang katawan. Hindi ko na pinansin pa ang pagtawa niya nang malakas.


Kinuha ko ang towel at bath robe na nakapatong sa kama at tinungo ang banyo, pero hindi ko pa ring naiwasang hindi siya lingunin. Nakatalikod siya sa direksyon ko kaya kita ko ang sexy back niya. Nakatapi lang siya ng tuwalya. Kahit sino sigurong babae ang makakita sa nakabalandra niyang katawan ay hindi maaalis ang tingin sa kanya.


Agad kong ibinalik ang tingin sa harapan nang lumingon siya sakin, na isang pagkakamali dahil nauntog ako sa pinto ng banyo. Napapikit ako at nasapo ang nasaktang noo.


"Mine, okay ka lang?" narinig kong tanong ni Nate at mababakas ang pag-aalala sa tinig niya.


"Okay lang ako," hindi lumilingon na sagot ko sa kanya bago tuluyang pumasok ng banyo at isinarado iyon.


Hinimas-himas ko ang nasaktang noo bago masamang tiningnan itong pinto. Bwisit kang pinto ka! Psh! naiinis na bulong ko.


Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)Where stories live. Discover now