CHAPTER 30: Cloud Montenegro [EDITED]

55.6K 982 52
                                    



CLOUD


Nakita ko ang magkahawak-kamay na paglalakad nina Nathan at Miles. Narinig ko rin ang malalakas na bulungan ng mga estudyante tungkol sa kanila. Then, Nathan really confirmed that he and Miles are officially together now.


Good thing they were okay now, I muttered while ignoring the pain in my heart. Nakapamulsang ipinagpatuloy ko na ang paglalakad patungo sa Engineering Department building.


Habang dumadaan ako sa hallway, hindi ko naiwasang pakinggan ang pinag-uusapan ng mga estudyante. Hindi pa rin sila makapaniwala na magkasintahan na sina Nathan at Miles. Napapatingin din sila sa direksyon ko at hindi rin nakaligtas sa pandinig ko ang mga sinasabi nila tungkol sakin.


"Siya 'yong first love ng babae ni Nathan natin, di ba?"


"Oo, siya nga. Sana nanligaw na lang ulit siya, 'no?"


"Tama! Eh di sana, sa atin pa rin si Nathan. Hmp!"


A sad smile formed in my lips. Kahit naman ligawan ko ulit si Miles, alam kong hindi na maibabalik pa ang nararamdaman niya sa'kin dahil may mahal na siyang iba. Kung kaya ko lang sanang ibalik ang nakaraan, hinding-hindi ko gagawin ang isang pagkakamaling sumira sa tiwala at pagmamahal sa'kin ni Miles.


But it's too late now. Ang gago ko kasi, eh. Tsk, mapait kong bulong sa sarili ko. I have to accept the consequences of my stupid actions. Mabuti nga pinatawad pa 'ko ni Miles. Dapat makontento na rin ako sa friendship na hindi niya ipinagdamot sa'kin.


Bahagya akong nagulat nang sa pagliko ko sa may hallway ay may mabilis na tumatakbong babae patungo sa direksyon ko at huli na para iwasan ko siya. Bumangga siya sa'kin at impit siyang tumili. Huli na rin para agapan ko ang pagbagsak niya sa sahig.


"Aray ko." Narinig kong sambit ng babae habang nakapikit at hinihimas ang nasaktang pang-upo.


"Miss, are you okay?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.


She glared at me. "Nabunggo ako sa katawan mo, bumagsak sa matigas na sahig na 'to, tapos tatanungin mo 'ko nang ganyan? Sa tingin mo ba ay okay lang ako?" mataray na tanong niya.


Kaya ka nga tinatanong eh, bulong ko pero hindi na isinatinig pa. Inilahad ko ang kamay ko para tulungan siya pero tinabig niya lang iyon.


Napatigil ako sa akmang pagsasalita nang itaas niya ang kamay niya. "Hep! Shut up. Kahit mag-sorry ka pa sa'kin ngayon, hindi ko tatanggapin 'yan. Tsk. Stupid guy," sabi niya sabay pagpag ng damit.


Nagsalubong ang kilay ko. Ano daw? Ako magso-sorry sa kanya? Itatanong ko lang naman sana ulit kung okay lang siya, pero may pagka-assuming din pala ang babaeng 'to eh.


"What? Bakit ganyan ka makatingin? Paawa-effect? Tsk. Sa susunod, tumingin-tingin ka sa daraanan mo nang hindi ka nakakabunggo at nakakapamerwisyo diyan," sabi pa niya sabay irap at talikod sa'kin.

Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)Where stories live. Discover now