CHAPTER 41: New Year [EDITED]

49.5K 922 43
                                    


MILES


Ang bilis ng panahon at bagong taon na. Mga sariling pamilya namin ang kasama namin noong Christmas at New Year. At ngayon ngang araw, may usapan kami ng mga kaibigan ko na magkikita-kita para naman i-celebrate ang bagong taon na kami ang magkakasama. On the way na kami papunta sa isang beach resort sa Batangas kasama ang mga boyfriend namin.


Hapon na nang makarating kami sa resort. Overnight kami rito at bukas pa ang uwi. Inayos muna namin ang mga gamit sa cottage bago ang mga lulutuin para sa dinner. Inihanda namin nina Max at Sam ang mga iihawin habang ang mga boyfriend namin ang nag-set up ng ihawan at iba pang kailangan.


Tulong-tulong kami sa pagluluto ng mga pagkain. Nang makaluto, pumunta kami sa dalampasigan dala-dala ang mga paputok na sisindihan namin mamayang hating-gabi.


Nagtaka ako nang makitang tatlong plato lang itong dala namin. "Nate, kulang itong plato natin."


"Sakto lang 'yan," aniya.


Lumapit sakin si Max at kinuha ang isang plato sakin. "Oo nga, Bhest. Sakto lang ito dahil share naman kami ni Orange Juice sa isang plato."


"Same here. Share lang din kami ni Dervin," sabi naman ni Sam sabay kuha rin ng plato bago tinungo ang mga nakahaing pagkain.


"Tara na, Mine. Kain na rin tayo. Share tayo," nakangising sabi naman ni Nate sabay hila sakin.


Napailing na lang ako. Kinuha niya ang plato at nagtanong kung ano ang gusto kong kainin. "Ito, ito, ito at ito. Isama mo na rin 'to," sagot ko.


"Hindi ka naman gutom niyan, ano?" sabi ni Nate habang kinukuha naman ang mga itinuro ko.


"Maraming pagkain eh. Sayang naman kung maraming matitira. Besides, share naman tayo, di ba?"


Umupo kami sa malaking bato at doon nagsimulang kumain. Inilapit sakin ni Nate ang kamay niya na may lamang kanin at ulam. "Nganga ka, Mine."


Nganga talaga? Psh! Hindi ko na isinatinig iyon at ngumanga na nga lang gaya ng utos niya.


Ngumisi at tumaas-baba ang kilay niya. "Subuan mo rin ako."


Napailing-iling ako sa sinabi niya, pero agad din akong napangisi nang may maisip na kalokohan. Kinamay ko na rin ang pagkaing isusubo ko sa kanya.


"Ang dami naman yata niyan, Mine?" puna niya habang nakatingin sa kamay ko.


"Sakto lang 'yan, Nate. Sige na. Open your mouth," udyok ko pa sa kanya at wala na siyang nagawa pa kundi ibuka ang bigbig niya at pinagkasya ang maraming pagkain. Natawa ako nang makita ang hitsura niya. Punung-puno ang bibig niya. Nakangising nag-peace sign ako sa kanya nang tingnan niya ko nang masama habang pilit na nginunguya ang pagkain.


Sabay pa kaming napalingon ni Nate nang marinig ang malakas na pagtawa ni Max sa di-kalayuan. At bahagya akong napanganga sa sunod na ginawa ni Juice. Sinalpakan niya lang naman ng pagkain ang bibig ng kaibigan ko dahilan para matigil ito sa kakatawa. "Ayan, ha? Sinubuan na kita, Lemon Max. Ang sweet ko, di ba?" sabi pa nito.

Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon