CHAPTER 23: The Past [EDITED]

75.3K 1.2K 68
                                    



MILES 


Tahimik at nakatingin lang ako sa labas habang nasa biyahe pauwi. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagkita kami ni Cloud kanina. Nang sinabi niyang gusto niya 'kong makausap, agad akong tumanggi at mabilis na umalis.


Buti na nga lang at hindi na siya humabol pa. It's been four years the last time I saw him. At hindi pa naging maganda ang huli naming pag-uusap noon.


Hinihintay namin nina Max at Sam si Cloud. Kakatapos lang ng basketball game at kasalukuyang nasa locker room ang mga players.


"Ang tagal naman ni Cloud mo, Bhest," narinig kong sabi niSam.


"He's not my Cloud." Yet, mahinang dugtong ko sa isip ko.


"Hays! Kelan mo ba kasi siya balak sagutin para maging sayo na 'yang Cloud mo?"


"Malapit na siguro. Sa ngayon kasi, nag-e-enjoy pa rin ako sa kung anong meron kami at hindi naman ako nagmamadali," nakangiting sagot ko kay Max. At inaamin ko, medyo  nakakaramdam ako ng kilig sa tuwing sasabihin nila na sa akin si Cloud. Pero, ayokong tawagin siyang 'Cloud ko' hangga't hindi pakami.


Max rolled her eyes. "Baka kaka-enjoy mo diyan sa ligawan n'yo, hindi mo namamalayan na nasulot na siya ng isang malanding babae diyan. Alam mo naman dito sa school natin, nagkalat ang mga haliparot at ahas. And the best example na diyan ay si Charlotte-haliparot. Head over heels ang kalandian ng isang 'yon sa Cloud mo eh. Tsk."


"Tama si Max, Bhest. Kung puntahan mo na kaya sa locker niya? Napansin ko rin kanina na agad na sumunod si Charlotte sa mga players nang mag-alisan sila after the game."


Buhat sa sinabi ni Sam, medyo nakaramdam ako ng takot. Kahit na sinabi na sa'kin ni Cloud na ako ang gusto niya at wala siyang nararamdaman para kay Charlotte, iba pa rin kapag nilandi na siya ng babaeng 'yon. Eksperto sa Flirt department ang isang iyon kaya nga maraming magkasintahan dito sa school ang nagkakahiwalay. Ginagawa niya ang lahat ng alam niyang kalandian para makuha ang mga lalaking nagugustuhan niya. At nagpapadala naman sa tukso ang mga lalaking iyon.


Tumayo ako at nagpaalam sa kanilang dalawa. Mas mabuti pa ngang puntahan ko na si Cloud dahil baka kung anong panlalandi pa ang gawin nito sa kanya. May tiwala naman ako sa kanya na hindi siya basta-basta magpapadala rito. 


Pero, hindi ko akalain na masisira rin pala ang tiwala kong iyon.


Napahinto ako sa paglalakad nang makitang may dalawangtaong naghahalikan sa labas ng locker ng mga basketball players.  'Yung likod ng babae ang nakikita ko sa direksyon ko at mukhangalam ko na kung sino ang nagmamay-ari niyon.


Bahagyang humiwalay si Charlotte at doon ko lang nakita kung sino ang lalaking kahalikan niya na nagpatigil sa pag-ikot ng mundo ko.


"Kiss me, Cloud," narinig kong sabi ni Charlotte sa malanding tinig. Ang sumunod na eksena ang tuluyang nakapagpamanhid sa buong katawan ko. Parang may mga karayom na tumutusok sa puso ko.

Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)Where stories live. Discover now