CHAPTER 24: The Quarrel [EDITED]

67.2K 1.1K 29
                                    



MILES


Hindi maganda ang gising ko ngayong umaga. Medyo masakit ang puson ko because of my period. At kapag ganitong meron ako, mas madaling uminit ang ulo ko.


Nagsalubong ang kilay ko nang makitang mayunknown number na tumatawag sa phone ko. "Hello?" bungad ko sa kabilang linya.


"Miles, si Cloud 'to."


Ilang sandali rin akong natigilan at hindi agad nakapagsalita.


"Are you still there?"


"Y-yes. I'm still here. W-where did you get my number?"


"Can we talk?" 


He didn't answer my question. "We're already talking."


"I mean, can we talk personally? I have something to tell you."


Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Hindi ko alam kung kaya ko na ba siyang harapin at kausapin. Without thinking and saying anything, I ended the call. 


Alam kong hindi ko siya maiiwasan habang-buhay lalona at nasa iisang university na kami pumapasok. Pero, sakako na iisipin kung ano ang dapat kong gawin kapag nagkitaulit kami sa campus.


Sinalubong ako nina Max at Sam pagdating ko sa school. Anger, but at the same time, concern were written all over their faces.


"Kilala mo na ba kung sino ang new transferee student? It's no other than Cloud Montenegro."


"I'm not surprised," simpleng sagot ko kay Sam. "Nagkita na kami kahapon. And he even called me earlier this morning," dugtong ko nang mabasa ang pagtataka sa mukha nila.


"That good-for-nothing jerk. Talagang may lakas pa siya ng loob makipagkita at makipag-usap sayo after what he did four years ago," nanggagalaiting sabi naman ni Max.


Pumunta sa harap ko si Sam. "What did he say?"


Napabuga ako ng hangin. "He wanted to talk to me. Of course, I don't know how to face and talk to him, that's why I'm still avoiding him."


"When will you talk to him?" tanong pa niya.


"When I'm ready?" hindi rin siguradong sagot ko.


"Alam na ba ni Nathan ang tungkol kay Cloud?" tanong ni Max.


Umiling ako.


"What?! You didn't tell him?" gulat nilang reaksyon.


"Actually, nagtanong siya kagabi kung sino ang taong nanakit sa'kin noon. Nabanggit daw kasi sa kanya ni Miller iyon. At ang tanging sinabi ko lang sa kanya ay 'yung first love ko iyon."

Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)Where stories live. Discover now