Cloud and Dawn Side Story (Part 2)

22.6K 267 8
                                    

CLOUD'S POV

Two weeks pa lang ako sa university, pero dalawang beses na kaming nagkakabungguan ni Liwayway. Ganoon ba talaga kaliit ang school na ito at siya palagi ang nakikita ko?

Tinatanong nyo kung sino si Liwayway? Eh di walang iba kundi ang ubod ng sungit at punung-puno ng katarayan sa katawan na si Dawn Sunshine Martinez. Tinagalog ko lang ang first name niya.

At ang nakakatawa pa, inihabilin sakin ni Mama na tingnan-tingnan ko daw ang kinakapatid ko. Pssshhh! Gawin daw ba akong watcher?

Nung makita ko siyang nagpapractice ng volleyball, di ko naiwasang pagmasdan siya ng may paghanga. Napakalakas ng dating niya lalo na nung nag-i-spike siya.

At iyon agad ang napansin ko sa kanya. Tuwing mag-i-spike siya, para bang nasasaktan siya base sa reaction niya. At tama nga ang hinala ko nang bigla na lang siyang napaluhod at sinapo ang kanang kamay.

Sinermunan ko muna siya bago binuhat at dinala sa clinic. Ewan ko ba. Bakit ganito na lang ang concern ko sa kanya? Pssshhh!

Wala 'to. Concerned citizen lang ako. Inaanak siya ni Mama at inihabilin siya sakin kaya natural lang na siguraduhin kong maayos siya. Tama. Iyon lang 'yon. Walang ibang ibig sabihin.

Kumusta na kaya yun ngayon? Siguro naman nakauwi na yun sa kanila. 6:30PM na rin at ang alam ko, hanggang hapon lang naman ang klase ng course nila.

Pauwi pa lang ako ngayon dahil kakatapos lang ng huling subject namin. Nakita kong lumabas si Nathan kasama ang dalawa nitong kaibigan.

Until now, hindi pa rin kami in good terms. Kahit sila na ni Miles, hindi pa rin kami nagpapansinan. Ganoon ba talaga kalaki ang galit niya sakin? Tsk. Bahala nga siya.

Lumabas na ko ng classroom at tinungo ang kotse ko sa parking lot.

----------

- MONTENEGRO'S RESIDENCE -

"Ma, I'm home." - sabi ko at humalik ako sa pisngi niya

"Welcome home, son." - sagot niya

Nandito siya sa kusina at nagsasalin ng kape mula sa coffeemaker. Nakainom ata si Mama. Medyo naamoy ko ang alak sa kanya eh.

"Sige po. Punta muna ako sa kwarto para magbihis." At umakyat na nga ako sa kwarto ko.

Pagbukas ko ng pinto.....

(,~~)?...............(__ __)Zzzzz

     (,~~)?..........(__ __)Zzzzz

         (,~~)?.....(__ __)Zzzzz

            (.00)....(__ __)Zzzzz

Oh no! This can't be happening.

Isinara kong muli ang kwarto ko bago bumaba.

"Mama!" - sigaw ko

Halatang nagulat si Mama nang marinig ang sigaw ko. "Ano ka ba naman, Cloud? Kung makasigaw ka, akala mo nawawala ako."

"Ano iyong nakita ko sa kwarto ko?" - mariing tanong ko

"Malay ko. Ikaw ang nakakita eh, bakit ako ang tinatanong mo?" - bale-walang sagot ni Mama

Pinigilan ko ang aking inis sa kapilosopohan ni Mama. Now you all know kung bakit minsan pilosopo rin akong tao. Namana ko yan sa Mama ko.

"Ma, alam mo kung anong tinutukoy ko. Ano yung nakita kong babaeng natutulog sa kama ko?"

Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)Where stories live. Discover now