CHAPTER 26: The Closure [EDITED]

58.7K 1.1K 34
                                    



MILES


Napahinto ako sa paglalakad nang makita kung sino ang lalaking makakasalubong ko. Our eyes met. Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa lagpasan niya 'ko. 


Napayuko ako at mapait na ngumiti. Dalawang araw na rin ang nakakalipas nang huli kaming mag-usap ni Nate. At sa tuwing nagkakasalubong kami dito sa campus, titingnan at lalagpasan lang namin ang isa't-isa. Hindi ko naman siya masisisi kung iniiwasan niya 'ko. Alam kong nasaktan ko siya sa mga salitang binitiwan ko sa kanya. 


Pag-angat ko ng tingin, bahagya akong natigilan nang makitang nakatayo na sa harapan ko si Cloud. 


"Alam kong nakukulitan ka na sa'kin dahil sa patuloy kong paglapit sa'yo. Pero, hindi ako titigil hangga't hindi kita nakakausap at hindi nakakahingi ng tawad sa'yo," bungad niya. "Miles, please. Pagbigyan mo naman ako. Pagkatapos nang pag-uusap natin, hindi na kita kukulitin," he begged. Even his eyes were also pleading. 


Ilang segundo ko rin siyang tinitigan bago napabuga ng hangin. Siguro nga kailangan na naming mag-usap. Ayusin at tapusin ang kung anuman ang hindi namin napag-usapan noon bago kami maghiwalay ng landas. "Okay. Let's meet at the Crème Coffee Shop this Saturday at 2PM." 


"Sige, darating ako. Maraming salamat, Miles," nakangiting sabi niya bago nagpaalam. Tumango lang ako bilang tugon. 


Pagdating ko sa classroom, agad kong sinabi kina Max at Sam ang desisyon kong kausapin na si Cloud. Nung una, nainis at nagalit sila. Tapos, tinanong din nila ako kung ano pa raw ba ang kailangan naming pag-usapan. Sinabi pa nila na hindi ko na dapat ito pinagtutuunan ng pansin.


I rolled my eyes at them. Ang OA naman kasi nila. At para namang maiiwasan ko si Cloud habang-buhay, di ba? 


"Max, Sam, mag-uusap lang kami. Wala naman sigurong masama roon. It's not as if may balikang mangyayari where in the first place, hindi naman naging kami," I explained to them. 


"Siguraduhin mo talaga na mag-uusap lang kayo, Bhest. Dahil oras na may gawin sa'yong masama ang lalaking 'yon, hindi ako magdadalawang-isip na putulan siya ng kaligayahan," may pagbabanta sa tinig na sabi ni Max. 


Natatawang napailing na lang ako sa kanya. 


"What about Nathan?" maya-maya ay narinig kong tanong ni Sam. 


Nawala ang ngiti ko at napatingin sa kanya. "What about him?" 


"Anong 'what about him' ka diyan? Duh! Hindi mo man lang ba sasabihin sa kanya ang plano mong pakikipag-usap diyan sa ex-first love mo?" taas ang kilay na tanong ni Max. 


"Bakit kailangan kong sabihin sa kanya ang plano ko?" takang tanong ko. "Besides, we're still not in good terms. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nag-uusap at nagpapansinan." 


"Nasa ligawan stage pa lang kayo, pero hindi na kayo nagpapansinan. Daig niyo pa ang magkasintahan na may LQ. Hays! Anong balak niyo? Ganyan na lang kayo, ha?" 

Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)Where stories live. Discover now