CHAPTER 17: A Favor, Not a Date [EDITED]

62.2K 1.2K 73
                                    



MILES


One week had passed. At sa loob ng mga panahong iyon, walang araw na hindi nang-asar at nagyabang sakin si Nate. Kung hindi sa school, sa text or tawag siya manggugulo tuwing gabi. Magyayabang siya, hindi ko naman papansinin. Ibibida kuno ang kagwapuhan niya, babarahin ko naman. At ayoko mang aminin, pero unti-unti na kong nasasanay sa presence niya. Para bang hindi na kumpleto ang isang araw ko nang hindi siya nakikita at nakakausap man lang. At para bang normal na rin samin ang magtalo at mag-asaran sa isa't-isa.


But last weekend, wala akong natanggap na tawag o text man lang mula sa kanya. And this Monday, hindi ko pa rin siya nakikita dito sa school simula pa kaninang umaga. And I wonder why he was not around.


Ayoko namang tanungin sina Max at Sam dahil baka iba pa ang isipin nila sa paghahanap ko kay Nate. And speaking of Max, okay na sila ni Juice. Mukhang nagkainitindihan na rin sila. At ang kwento niya pa sa'min, kapatid or kakambal to be exact, 'yung babaeng nakita niyang kasama ni Juice. Iyon ang paliwanag ni Juice, although sa tingin ko naman ay walang dapat na ipaliwanag ang lalaki dahil magkaibigan lang silang dalawa. But in Max's case, meron siyang pagtingin kay Juice. At sa tingin ko naman, the feeling is mutual between the two of them.


Then this afternoon, nagyaya silang dalawa na pumuntang gym. Manood daw kami ng basketball practice game. Pumayag naman ako kasi baka nando'n si Nate. Hindi ko na lang pinansin ang makahulugang tingin at ngiti sa'kin nung dalawa.


Pero pagdating sa gym, sina Juice, Deus at iba pang mga kaibigan nila ang nakita kong nagpa-practice. Wala si Nate. Medyo nakaramdam ako ng lungkot at pagkadismaya. Hindi ba siya pumasok ngayon? hindi ko naiwasang itanong sa sarili ko.


Pinigilan ko ring itanong sa kanila kung nasaan ang Captain nila, pero mukhang nahalata pa rin nila na hinahanap ko siya.


"Wala si Captain ngayon," sabi ni Juice.


"At hindi namin alam kung bakit siya wala, eh," dagdag pa ni Deus.


"Tanungin mo na lang siya bukas, Miles. Nandito na 'yon," nakangising pahayag naman ni Kent.


"I'm not asking," sabi ko sabay irap. And they all laughed.


~~~~~


Alas-otso pa lang ng gabi, nasa kwarto na ko at nakahiga sa kama. Kapag ganitong mga oras, magka-text o magkausap na kami ni Nate. Muli kong tiningnan ang phone ko. No texts and missed calls. Di ko namalayan na kakatitig ko sa phone at kakahintay sa text or call niya, nakatulog na 'ko.


Naalimpungatan ako nang marinig ang pag-vibrate ng phone ko. At tuluyan akong nagising nang makita ko sa screen kung sino ang tumatawag.


Bahagya akong bumangon at huminga nang malalim. I calmed myself para masigurong hindi ako mukhang excited na makausap siya. "H-hello?"

Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon