CHAPTER 16: Max and Juice, LQ? [EDITED]

62.7K 1.2K 54
                                    



MAX


It's Monday morning and I'm in a bad mood right now. Sinamaan ko ng tingin ang mga estudyanteng nakakasalubong ko na masama rin kung makatingin sa'kin. Subukan lang nilang kausapin ako, talagang sasamain ang mga pangit nilang mukha sa'kin.


Pagkarating ko sa classroom, agad akong umupo sa pwesto ko. Nakatingin lang ako sa unahan at hindi pinagtuunan ng pansin ang mga taong nasa paligid ko.


Agad na nag-iwas ng tingin sa'kin at parang nanginginig pa sa takot ang kaklase kong babae. Titingin-tingin tapos takot naman palang makipagtitigan sa'kin. Tsk, naiinis na bulong ko sa sarili ko.


Umiwas na rin sa'kin ang iba ko pang kaklase. Kahit ang dalawa kong best friends na katabi ko lang, hindi ako pinansin at kinausap. Alam nila kapag ganitong mainit ang ulo ko, ayoko ng kausap.


Hindi rin ako lumabas during vacant time. Wala akong ganang kumain o gumala. Naramdaman kong lumapit sa pwesto ko sina Bhest at Sam. Nanatili lang akong nakayuko at nagsulat sa notebook ko.


"Max, gusto mo ng Juice?"


Napatigil ako sa pagsusulat at mahigpit na napahawak sa ballpen. Bakit pa kailangang banggitin ni Sam ang taong dahilan ng pagka-bad mood ko? His name or anything to do with him was the least thing I wanted to hear right now.


"I hate him. I really hate him," mariing pahayag ko nang hindi tumitingin sa kanila bago muling ipinagpatuloy ang pagsusulat.


"We are not referring to Juan Crisostomo Carredano. Inaalok ka namin ng inumin."


Buhat sa sinabing iyon ni Bhest, nag-angat ako ng tingin. They were seriously looking at me while holding juice drink in their hands. Great. Just great. At talagang Apple flavor pa, sarkastikong bulong ko sa isip ko.


"Are you okay? What happened?" tanong ni Bhest.


Bumuntong-hininga ako bago muling itinuon ang tingin sa notebook ko. "I'm okay. And seriously, nothing happened. The hell I care about Juan Crisostomo. Tsk."


"You sounded bitter, Max," komento ni Sam.


I looked at her. Kitang-kita ko ang mapanuksong tingin at ngiti niya. "No, I'm not. Bakit naman ako magiging bitter? It's not as if there's something going on between us."


"You already said it. There's nothing going on between you and Juice. But based on your reaction, as if you are his girlfriend. Well, a jealous girlfriend to be exact."


"Yeah, yeah. Whatever, Sam," I said while rolling my eyes at her. Hindi ko na lang pinansin pa ang mga sinabi ni Sam. Pero maya-maya pa, mukhang nainis na rin siya sakin.


"Jusko naman, Max! Umayos ka nga diyan."


Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)Where stories live. Discover now