CHAPTER 43: I Love You, Goodbye [EDITED]

46.9K 822 21
                                    


MILES


Marami pa kaming rides na sinakyan at isa na roon ang EK Extreme. Pinuntahan din namin ang Rialto at pinanood ang isang 3D movie kung saan gagalaw ang mga upuan base sa eksena. May ilan ding mga game booths kaming sinubukan, pero wala kaming nakuha.


"Ang ganda!" namamanghang sambit ko habang nakatingin sa paligid nang tumigil sa pinakatuktok ang sinasakyan naming ferris wheel.


Napatingin ako kay Nate nang hawakan niya ang isang kamay ko. "Mas maganda ka pa sa tanawing iyan."


I looked straight into his eyes. "Nate, thank you."


"You can thank me by giving me a kiss. One kiss would do," sabi niya habang tumataas-baba ang kilay niya.


I did. I kissed him on the cheek.


"You don't know how to say thank you," nakasimangot na sabi niya na ikinataas ng isang kilay ko. Then, he grinned. "I will show you the proper way of saying thank you." At bigla niyang kinabig ang batok ko at siniil ng halik ang labi ko.


Saglit lang akong natigilan bago pumikit at gumanti na rin sa halik niya.


After the kiss that we shared, isinandal niya ang noo niya sa noo ko at matamang tumingin sa isa't-isa. "I love you, Mine. Always have, always will," madamdaming pahayag niya.


I closed my eyes when he kissed me on my forehead. Agad din akong napamulat at sabay kaming napatingin sa labas nang lumiwanag at magsimula ang fireworks.


"Surprise, Mine. Happy fourth monthsary."


Nanlalaki ang mga matang nilingon ko siya. "You did this?"


He nodded. "Of course. My girlfriend deserves the best."


I just stared at him and didn't know what to say. Nakaakbay siya sa balikat ko nang muli naming ibalik ang tingin sa iba't-ibang kulay ng paputok. I couldn't help but smile while watching the fireworks with the man sitting next to me. This is one of my dream dates. To watch fireworks with the man I love.


"Mine, why are you crying?"


Natigilan ako sa tanong niyang iyon at naramdaman ko na lang ang kamay niya sa pisngi ko. Pinunasan niya ang luha na hindi ko namalayan na tumutulo na pala sa mata ko. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya.


Hinawakan ko ang kamay niya na nasa pisngi ko at umiling. "I'm just happy. You made our date very memorable and special to me. You made my dream date came true. This tears? It's tears of joy. Sobra-sobra na ang ginagawa mo para sakin, Nate."


"If you would ask me why I'm doing this? Simple lang. I love you so much that I'm willing to do anything and eveything for you."


Nate, huwag mong ibigay sakin ang lahat ng pagmamahal mo. Magtira ka para sa sarili mo, mahinang bulong ko.

Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon