CHAPTER 28: The Realization [EDITED]

55.9K 1.1K 44
                                    



NATHAN


Nakaupo ako ngayon sa may balkonahe ng kwarto ko at nakatingin sa kalangitan. Bilog ang buwan at maraming bituin ngayong gabi. 


Bigla kong naalala ang sinabi ko sa sarili ko bago pa man kami magkalapit ni Mine. Sabi ko noon, hinding-hindi ako magkakagusto sa kanya hangga't hindi lumilipad ang mga sasakyan at ang mga isda, pumuti na ang uwak at kapag dalawa na ang buwan. 


Hindi nga ako nagkagusto dahil higit pa roon ang naramdaman ko sa kanya. Kaya heto ako ngayon, nagmamahal at nasasaktan. 


Last Saturday, I decided to talk to Mine. Nag-text muna ako sa kanya kung pwede ko siyang makausap pero nang mga oras na 'yon, nakaparada lang ang sasakyan ko malapit sa bahay nila. Nang matanggap ko ang reply niya na hindi pwede dahil may lakad siya, nag-decide akong personal na siyang kausapin. Pero bago pa man ako makababa ng kotse, nakita ko siyang lumabas at sumakay ng taxi. 


Out of curiosity, I followed her - na agad ko ring pinagsisihan. Nakita ko lang naman na 'yung new transferee and classmate namin na first love and heartbreak lang naman niya ang katagpuan niya sa isang coffee shop. At hindi ko na nagawa pang alisin ang pagkakatingin ko sa kanila habang magkausap at nagngingitian sila sa isa't-isa. 


So, ito ang sinasabi ni Mine na lakad niya? Great, mapait na bulong ko sa sarili ko. 


Napahigpit ang hawak ko sa manibela nang makita ang sumunod na eksena. Niyakap ni Mine ang siraulong 'yon. At parang milyung-milyong patalim ang tumusok sa puso ko. What now? Pinagbigyan ba ulit ni Mine ang lalaking 'yon? Babalik na ba siya rito? Ako? Paano na 'ko? 


Nagsisimulang bumangon ang selos at galit sa puso ko. Hindi ko kayang isipin na gano'n na nga ang mangyayari. Malungkot akong ngumiti bago umalis sa lugar na iyon. 


Kinabukasan, nakatanggap ako ng text kay Mine. Nangumusta at kung pwede raw ba kaming mag-usap, pero hindi ko siya nireply-an. Natakot kasi ako sa maaari niyang sabihin sa'kin. Na lumayo na 'ko sa kanya. Na hindi na niya ko kailangan sa buhay niya. Na mamahalin na niya ulit ang lalaking 'yon. 


Kanina nga, hindi ko napigilang makaramdam ng galit nang makita si Mine sa school. Bumabalik kasi sa isip ko 'yung eksenang nakita ko sa coffee shop. Pakiramdam ko pa, niloko niya 'ko at pinaasa. Pero, hindi ko naman akalain na aabot sa puntong masasabi ko ang masasakit na salitang iyon sa kanya nang pumunta sila sa classroom namin. Hangga't maaari, ayaw ko muna siyang harapin at kausapin. Hindi pa 'ko handa sa anumang sasabihin niya. Pero, sumabog pa rin ako sa harap niya at sa mga kaibigan namin dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko ng mga oras na 'yon. Idagdag pang umepal ang lalaking kinaiinisan at pinagseselosan ko. 


Ang lakas pa ng loob ng siraulo na sabihin sa'kin na hindi nito alam ang mga sinasabi ko. Kung kaya ko lang sabihin ang nakita ko sa coffee shop, ginawa ko na. Sa isip ko pa nga lang ay nasasaktan na kong maalala ang eksenang iyon, ang sabihin pa kaya sa harap nito? Kaya naman, bago pa man nila sabihin sa'kin ni Mine ang balak nilang pagbabalikan at pagdidispatsa sa'kin, inunahan ko na sila. Hindi ko man naisalba ang puso ko sa sakit, at least kahit ang pride ko man lang ay hindi nila nadurog, di ba? 

Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)Where stories live. Discover now