Cloud and Dawn Side Story (Part 3)

20.5K 237 7
                                    

DAWN'S POV

Nagising ako sa pagkakatulog nang may marinig akong lagaslas ng tubig. Wari bang galing sa CR.

Groggy na umupo ako sa kama at saka inilibot ang aking paningin.

(_@@)

(@@_)

(@__@) - ako

Asan nga ba ako? Kaninong silid 'to?

Napabaling ang tingin ko sa direksyon kung saan may bumukas na pinto.

(0_____0) - ako

Oh la la! At sino itong topless guy na nasa harapan ko ngayon? Grabe! Abs pa lang niya, di ka na magsasawang tingnan. Ano pa kaya sa mukha niya?

Kahit hindi ko masyadong mabistahan ang mukha niya dahil nakayuko siya at pinupunasan ng towel ang kanyang buhok, sigurado akong isa siyang gorgeous guy. Well a hot and sexy gorgeous guy.

Pero anong ginagawa niya dito?! Kahit hot at macho pa siya, di pa rin sigurado kung mabuti siyang tao! Kailangan kong sumigaw para may makarinig sakin.

"Kyyyyaaaaaaaahhhhhh!~~~" - pikit-matang sigaw ko

"Hoy!"

Napahinto ako sa pagsigaw nang marinig ang pagsigaw niyang yun. Pagtingin ko sa kanya, napasinghap at nanlaki ulit ang mata ko nang mapagsino siya.

Si Cloud Montenegro ang nabungaran kong nakatayong topless at bagong ligo sa harap ko.

"Kung makasigaw ka diyan, akala mo nirerape ka. Huwag kang mag-alala, walang magkakainteres sayo."

"Ang kapal talaga ng mukha mo, ano? Mas makapal pa sa pader, alam mo yun? At ngapala, anong ginagawa mo dito?" (,~~)?? - kunot-noong tanong ko

"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan sayo? Because as far as I remember, this is my room. May karapatan naman siguro ako sa sarili kong kwarto, ano?" - sarcastic niyang sagot

"Oo nga. Hindi naman kita tinatanggalan ng karapatan sa sarili mong kwarto. Pero, bakit kailangan mong humarap sakin ng topless?"

"Alangan namang bottomless akong humarap sayo? Sinuswerte ka naman kung yung ibaba ang makikita mo."

(o///o) - ako

Namula ako dahil sa kanyang sinabi. Napahiya ako dun ahh. Pero, hindi ako magpapatalo sa kanya. Never akong nagpatalo sa isang lalake lang.

"Eeeewwww! Kadiri ka, Ulap! Bottomless talaga? Parang iced tea lang?" - sabi ko na nakangiwi pa nang makabawi sa pagkapahiya

"Magtigil ka diyan kung ayaw mong palayasin kita sa kwarto ko. But on second thought, pwede na pala kitang palayasin sa kwarto ko since gising ka na."

"At bakit mo naman ako papalayasin sa kwarto mo?"

"Bakit ayaw mo? Magbibihis ako. Unless na lang kung gusto mo pang panoorin ang pagbibihis ko."

"Fine! Lalabas na, oh!" - malakas na sabi ko at saka tumayo

Lumabas ako ng silid niya. He's unbelievable! Balak ba namang tanggalin ang tapi niya sa baywang? At talagang sa harapan ko pa ha?

Pero, di maiwasang mag-init ulit ang mukha ko nang maalala yung wet look niya. Waaaahhhh! Ang gwapo niya, sh*t!

"Oh, hija. Gising ka na pala." - sabi ni Ninang

"O-opo." - alanganing sagot ko

"Teka, may sakit ka ba? Namumula ka."

"Ahhh....w-wla po ito, Ninang. Hang-over lang 'to. Hehehehe." - palusot ko

"Ganun ba? O, sige. Halika na sa kusina. Magkape ka muna, then samahan mo na rin kaming magbreakfast ng anak ko."

"Okay."

----------

- DINING AREA -

Nandito kami ngayon ni Ninang sa dining area at nagbebreakfast. Syempre, kasabay namin si Ulap.

"Ngapala, Dawn, pupunta kami ni Cloud sa probinsiya namin sa Bacolod. Fiesta kasi doon next week. Nagyaya sina Mama at Papa ko. Sama ka samin para masaya." - Ninang

"Sige po." (^____^) - excited na sabi ko

Mukhang masaya naman ang pupuntahan eh. Fiesta. Siguradong maraming pagkain at palaro. Mwahahahaha!

"What? Isasama mo siya, 'Ma?"

"Hindi, Cloud. Isasama ko siya."

"Iyon nga ang tanong ko, diba?" (,~~)? - kunot-noong sabi ni Cloud 

"Oo nga. At iyon din naman ang sinabi ko kanina bago mo pa ko tanungin. Paulit-ulit lang, Cloud?" (-___-)

"....." - Cloud

Ano ka ngayon? Nasupalpal ka tuloy ng Mama mo. Now I know kung kanino ka nagmana ng kapilosopohan. At kapag ang Mama mo pala ang gumaganyan sayo, natatameme ka. Hahahaha!

"Eh di may mga palaro dun, Ninang?"

"Marami. Fiesta nga, diba?" - sarcastic na sagot ni Cloud

"Magcocommute ba tayo, Ninang?" - tanong ko

"May private plane kami na sasakyan papaunta dun." - Cloud

"I'm not talking to you, so you better shut up."

(.~~)>>>>><<<<<(~~,) 

Ako                       Cloud

"I'm just answering your questions on behalf of my mother. Ayokong mapagod si Mama kakasagot sa mga walang kwenta mong tanong."

"Kaya ikaw ang may ganang sagutin ang mga walang kwenta kong tanong?"

"Oo. Pasalamat ka pa nga at sinasagot ko ang mga tanong mo."

"Why should I? Wala namang kwenta ang mga tanong ko, diba? Wala naman siguro akong dapat ipagpasalamat sa mga wala ring kwentang sagot mo."

"Guys, enough. Baka kung saan pa mapunta yang palitan nyo ng mga matatalas na salita." - awat ni Ninang

"Walang malayong mapupuntahan ang mga salita namin, 'Ma. Hanggang dito lang yan sa bahay natin." - sarcastic na sagot ni Cloud

"Tumahimik ka diyan, Cloud. Huwag mo kong pilosopohin."

"Buti nga sayo." - sabi ko kay Ulap

Isang matalim na tingin lang ang binigay niya sakin.

"Dawn, tumigil ka na rin. Hindi maganda sa isang babae ang masyadong taklesa. Kaya ka maraming nakakaaway eh." - Ninang

"Opo." (.__. )' - mahinahon at nakayukong sagot ko

Nakita ko sa pheriperal vision ko ang nakakalokong ngisi ng mayabang na Ulap at ang mahina niyang pagbulong.

"Buti nga sakin ha? Mas mabuti nga sayo."

Psssshhhh! Sisiguraduhin kong hindi ka na sisikatan ng araw bukas! (>___<)

Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)Where stories live. Discover now