CHAPTER 9: Meeting The Family [EDITED]

59.2K 1.3K 82
                                    


NATHAN


Tahimik lang kami dito sa loob ng kotse, pero paminsan-minsan ay sumusulyap ako sa direksyon niya. Nakaupo siya sa tabi ko at mariing nakapikit habang mahigpit ang hawak sa seatbelt. "Saan ka nakatira?" naalala kong itanong.


"Sa Thunder Village Subdivision. Doon mo na lang ako ibaba sa tapat no'n. Huwag ka nang pumasok," she answered without looking at me.


Napailing na lang ako at hindi na nagsalita pa.


Makalipas pa ang ilang sandali, narating na namin yung lugar na sinasabi niya. Napangisi ako nang makitang nakapikit pa rin siya at mukhang nakatulog pa.


Nagbigay ako ng ID sa guard para makapasok. Nakilala naman nito ang kasama ko kaya hindi na nagtanong pa. Tinanong ko na rin ang eksaktong bahay ng babaeng ito. Hindi ako makakapayag na ibaba lang siya dito sa kanto at hayaan siyang maglakad mag-isa pauwi. It's still raining. May kulog at kidlat pa.


Nang matunton ko ang house number nila ay inihinto ko ang kotse sa tapat niyon. I unbuckled my seatbelt and looked at her.


Itinaas ko ang kamay ko para tanggalin ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha niya. Alam kong may pagkamataray at pilosopo siya, but seeing her right now? She looks vulnerable.


Agad akong napalayo at napaayos ng upo nang bigla siyang gumalaw. Muli na namang bumilis ang tibok ng puso ko. At pansin ko lang, napapadalas na itong mangyari kapag nasa malapit siya. Bakit ba ganito na lang ang epekto niya sakin?


"Nasaan na tayo?" tanong niya habang kinukusot-kusot pa ang mga mata.


"Tapat ng bahay niyo."


Natigilan siya at agad na tumingin sa labas. "Sabi ko sayo sa tapat lang ng subdivision, di ba?"


"Gusto mo bumalik pa tayo? Sige. Doon kita ibababa."


"Huwag na. Nandito na rin naman tayo eh," pigil niya.


Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko. Nandun na naman yung pamilyar na kuryente na naramdaman ko noong unang beses kaming magkaroon ng physical contact.


Bumitaw na siya. "S-salamat. Maaari ka ng umuwi." And she unbuckled her seatbelt.


"So ganun na lang? Pagkatapos kitang iligtas at ihatid dito sa inyo, salamat lang ang makukuha ko? Pagkatapos mong abusuhin ang kagwapuhan at katawan ko, itataboy mo na lang ako? Sa panahon ngayon, hindi na ko tumatanggap ng simpleng salamat lang."


"Ano pa bang gusto mo?"


"Ang gusto ko, papasukin mo ko sa bahay ninyo at bigyan mo ko ng kape. Can't you see? Basang-basa ako at kailangan ko munang magpatuyo. Mahirap na kung magkasakit ako habang nasa byahe."

Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon