CHAPTER 46: Double Celebration [EDITED]

40.5K 743 27
                                    


SAM


Nandito kami ngayon nina Dervin, Max, Juice, at kasama na rin ang iba pang Blue Orions sa condo unit ni Nathan. It's his birthday at nandito kami para sa plano niyang sorpresahin si Bhest.


O, 'di ba gumagano'n siya? Siya na nga ang may birthday, siya pa ang may surprise sa girlfriend niya. Siya ang nagluto ng mga handa niya at halos paboritong lahat iyon ni Bhest. Nagpaturo pa siyang magluto niyan. Ume-effort lang ang peg niya.


Sabagay, ilang araw na rin simula nang magbago ang relasyon nilang dalawa. Hindi na sila sabay pumasok at umuwi. Madalang na rin silang mag-usap. Mas madalas pa ngang magkasama sina Bhest at Cloud eh. And we really think that there's something wrong.


Sinabi ni Nathan na stand-by lang daw kami rito at hintayin ang pagbabalik niya dahil siguradong kasama na niya si Bhest para i-celebrate ang birthday niya. Umaasa kaming magiging okay na nga sila ngayong gabi.


Few minutes later, tumunog ang phone ni Juice. "Guys, nag-text na si Captain. Papunta na raw siya rito," he announced after reading the message.


"Si Captain lang ba? Wala siyang kasama?" tanong ni Nic na kahit kami ay iyon din ang ipinagtataka. Wala man lang kasing nabanggit si Nathan na kasama niya si Bhest.


He shrugged. "He didn't mention."


"Well, it's not our problem, right? Just stick to our plan," sabi ni Cyprus.


"That's right. Just do what Captain told us to do," segunda ni Dave.


"Okay," we all agreed before turning off the light.


Ilang sandali pa, kasabay nang pagbukas ng pinto ay ang pagbukas din ng ilaw at paglabas namin sa pinagtataguan. "Happy Birthday, Captain Nathan!" masiglang pagsalubong namin sa kanya with matching confetti. Pero, agad din kaming natigilan at naglaho ang ngiti nang makita ang hitsura niya. Basang-basa at blangko ang mukha niya.


"Thanks for the greeting, guys. I will just change my clothes, then let's start the party," he said coldly before walking to his room. Kasinlamig din ng boses niya ang mga mata niya nang sabihin iyon.


Ang tanging nagawa na lang namin ay sundan siya ng tingin. Walang nagtangkang magsalita kahit gustung-gusto kong magtanong kung nasaan si Bhest. Bakit hindi niya ito kasama? May nangyari bang hindi maganda sa kanilang pagkikita?


Mas lalong nagkaroon ng tensyon paglabas ni Nathan. Nakatingin lang kami sa kanya na wari bang sa pamamagitan niyon ay naipararating namin sa kanya ang mga gusto naming itanong.


"Let's start the celebration. Ilabas niyo na ang mga alak," sabi niya bago naglakad paupo sa sofa. Then, bumakas ang pagkainis sa kanyang mukha nang makitang walang sinuman sa amin ang sumunod sa sinabi niya. "Ano pang itinatayo-tayo niyo diyan? Hindi lalapit dito ang alak. Kunin niyo na at dalhin dito!" mariing utos niya dahilan para kumilos ang mga lalaki.

Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)Where stories live. Discover now