EPILOGUE

41.3K 717 30
                                    


EPILOGUE


"Call me when you get there. Take care."


"Sure. You're the first person I'll call when I get there."


"Okay. I'll wait for your call."


"Don't worry, dude. Hindi kita paghihintayin nang matagal. Besides, susunod ka rin naman sakin, di ba?" nakangising sabi ni Red.


"Of course. Hindi ko yata kayang magkalayo tayo nang matagal," sagot ko naman sabay ngisi rin ng nakakaloko.


"Oh geez, guys. Stop it already. You sounded like having bromance relationship with each other. At nakakadiri lang," Zell commented, rolling her eyes.


Nagkatinginan kami ni Red bago tumawa nang malakas. Umakbay pa siya sakin. "At least may 'romance' between us. Hindi tulad ng iba diyan, walang romance relationship," tumatawang pang-aasar niya na talagang pinagdiinan pa ang salitang romance.


"And what are you trying to say?" nakapameywang at nakataas ang isang kilay na tanong ni Zell.


"Well, I'm just saying na mas matimbang ako sa puso ni Ethan kaysa sayo, Zell."


"You're so mean, Red. Maghanap ka na nga ng babaeng mamahalin mo roon nang magtino ka."


"Kahit hindi mo sabihin 'yan, maghahanap talaga ako roon. Wala naman kasing matino rito," sabay tawa pa niya.


"Yeah, yeah. Whatever," sabay irap kay Red bago tumingin sa direksyon ko. "Ethan, pagsabihan mo 'yang best friend mo, ha? Masyado niya kong binabasag."


"Totoo naman ang sinabi niya," pagsakay ko sa kalokohan ni Red na lalong ikinasimangot ni Zell. And we just laughed.


Ilang sandali pa, narinig na namin ang pagtawag sa flight ni Red.


"Pano ba 'yan? I have to go, guys. Kita-kits na lang tayo sa Pilipinas. Zell, ingatan mong mabuti itong best friend ko."


"Don't worry. Hindi ko hahayaang may lumanding babae kay Ethan."


He grinned. "Really? Eh, di dapat ay hindi mo rin hinahayaan ang sarili mong lumapit sa kanya? Just kidding," agad na bawi ni Red nang samaan siya ng tingin ni Zell. Muli siyang tumingin sakin. "Ethan, sunod ka kaagad, ha?"


"Of course, Red. Susunod ako. Hindi pa nga lang sa ngayon dahil marami pa kong dapat ayusin dito sa LA. Kilala mo naman si Lola. Masyadong bantay-sarado sakin pagdating sa negosyo. Buti sana kung kagwapuhan ko ang binabantayan niya. Tsk."


"Aish! Yabang," sambit ni Zell.


Nangingiting umiling-iling lang si Red. "Oo na lang. Sige. Alis na ko. See you soon, guys." At kumakaway na naglakad na siya palayo.


Napalingon ako sa katabi ko nang humawak siya sa braso ko. "Sumasakit na ang paa ko, Ethan. Pwede mo ba akong buhatin?"


"Again?"


Parang batang tumango-tango siya at nag-pout pa. Napabuntong-hininga na lang ako bago tumalikod at bahagyang yumuko para sa piggy-back ride na gusto niya.


Pagkasakay niya sa likod ko ay nagsimula na kong maglakad. "Zell, hanggang labas lang nitong airport, ha?"


"Of course. Paglabas naman natin ng airport na 'to, nandoon na ang kotse mo. Unless, gusto mo kong buhatin hanggang makauwi tayo."


I smirked. "Of course not. Masyado mo namang inaabuso ang kagwapuhan ko niyan?"


Nakita ko sa pheriperal vision ang pagngiti niya bago ipatong ang baba niya sa balikat ko. Sa dalawang taon naming magkasama, nasanay na ko sa kanya. Palagi siyang nagpapabuhat nang ganito kapag napapagod na sa paglalakad. At hindi ko naman siya magawang tanggihan.


"Hey, that's mine!"


I stopped and look around. Nakita ko ang dalawang batang may pinag-aagawan na gamit.


"This is not 'yours'!" sigaw ng batang babae.


"Of course, that's 'mine'!" ganting sigaw naman ng batang lalaki.


"Ethan, what's wrong?"


Natauhan ako nang marinig ang tanong na iyon ni Zell. I shook my head. "Nothing," simpleng sagot ko bago muling ipinagpatuloy ang paglalakad. Pero, hindi ko naiwasang mapaisip.


Mine? Yours? Why those two words sound very familiar to me?

Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)Where stories live. Discover now