Chapter 22

2.9K 78 3
                                    

Chapter 22

Una kaming pumunta ni Lance sa isang restaurant, Ang sabi nya ay nagugutom na dw sya. Umoo nalang ako, Since hindi naman ako makatanggi sa kanya at sagabal para sa akin ang nagwawala kong puso, Muli nyang hinawakan ang kamay ko habang naglalakad kami papunta doon. Nacoconcious ako dahil baka pinagpapawisan ako, I never had any boyfriends before. Kahit na nakikipagdate ako ay hindi ko naman sila pinapatulan.

Ang point ko lang naman noon ay ang pagselosin si Brian.

“Anung iniisip mo?” tanung nya sakin. Itinaas ko ang tingin ko sa kanya, Nakita kong sumubo sya nang kanyang pagkain. Kumunot ang noo nya at ininguso ang pinggan ko.

“your not touching your food.” Aniya.

Napatingin naman ako doon. Pinilit kong kumain kahit na parang wala akong gana.

“Hindi mo ba gusto ang pagkain?” tanung nya sakin.

“Gusto!”Mabilis kong tugon. Napalunok ako. Nagpatuloy ako sa pagkain kahit na nararamdaman ko ang nakakasunog na titig nya sa akin. Para akong mabibilaukan, Hindi ko malunok nang mabuti ang kinakain ko, Isipin ko palang na nakatitig sya sakin habang kumakain ako ay para na akong mahihimatay.

Nilapag ko ang kutsara’t-tinidor ko pagkatapos ay tinignan sya. “Why are you staring at me?” tanung ko sa kanya. Hindi nya ako sinagot, Sa halip ay umiling-iling, Nakita kong umangat ang gilid ng labi nya sa akin. Napatingin naman ako doon.

That sexy smirk. Goddammit!

Uminit ang mukha ko kaya nagiwas nadin ako ng tingin. “Tss. Nakakairita ka.” Sabi ko kahit na deep inside ay kilig na kilig ang  lola nyo. Tss. Nakakabanas. Parang may naglalarong kung anus a tiyan ko. Parang may kumukurot sa akin. Nagsisimula ko tuloy isipin kong naramdaman ko rin ba itok ay Brian noon. Para kasing hindi? Langyan naman!

“Sa makalawa aalis ako para sa Graduation, Hindi kaba sasama sa Pilipinas? Hindi mo ba namimiss ang parents mo?” tanung nya sakin. Napatingin ako sa kanya ng dahil doon. Sumubo ako ng pagkain.

“Na..mimiss.” utas ko

Inilapag nya ang kutasara’t tinidor nya tsaka ako binalingan nang tingin. “Hindi mo padin sya dadalawin?”

“Sino?” tanung ko. Malamlam ang mata ni Lance na nakatingin sa akin. May kung anung pumitik sa puso ko, Alam ko naman kung sino ang tinutukoy nya pero..

“Si Bethany.. Wala ka talagang planung dalawin o silipin manl-“

“Para san?”

Kumunot ang noo nya. “Anung para san? Hindi mo pa ng-“

“Hindi nya naman death anniversary, Hindi nya din naman Birthday.. Bakit ko sya dadalawin?”

“She’s your sister for pete’s sake”

“Wala akong kapatid, Lance.” Matigas kong tugon.

“Anu ba-“

“Nabuhay akong magisa. Walang magulang sa tabi ko at lalong wala akong nakilalang kapatid ko, Sino ang dadalawin ko? Wala akong maalalang may kapatid ak—“

“JOEY!” sigaw nya.

Tumayo ako bigla. “Wala na pala akong gana.” Utas ko pagkatapos ay dire-diretsyong naglakad palabas ng restaurant ng iyon. Nawala na ako sa mood. Bakit ba kapag maganda na ang mood ko at bigla-bigla nalang mauungkat ang usapan tungkol kay Ate o kaya tungkol kay Chris.

Naramdaman ko ang paghila ni Lance sa braso ko. “Bitawan mo nga ako!” utas ko sa kanya.

“Anu bang problema mo at nawala ka na naman sa mood?” tanung nya

“Tinatanung mo talaga yan sakin? Bullshit.” Mura ko.

Tumahimik sya pero hindi padin binibitawan ang kamay ko. “Anu ba talagang kinagagalit mo sa ate mo? Patay na sya. Bakit hindi ka nala-“

“Bakit ba lahat kayo ganyan ang sinasabi sakin? Huh? Sinama kita dito para ako kampihan mo, Hindi para ipamukha sakin na masama akong kapatid sa ate ko! Pwede ba! Hindi ko sya gusto alam mo yan..” sigaw ko.

“Joe—“

“Stop it! Gusto ko nang umuwi.” Utas ko. Hinila ko ang kamay ko sa kanya pagkatapos ay nagsimula nang maglakad.

Nakakanas. He knew how much I hate her! Pero bakit ba paulit-ulit nya pading inuungkat iyon. Dahil minahal nya si Ate noon. Oo na! lahat naman sila eh minahal sya eh. Eh, anu? Punyeta lang! Lagi naman ako nale-left behind. Paanung hindi ako magagalit sa kanya? Life is so unfair when it comes to me. Palagi nalang ako ang talo. Palagi nalang ako ang pangalawa.

“Joey!” sigaw ni Lance. Naramdaman kong nasa likuran ko na sya. Agad kong binuksan ang pintuan nang sasakyan at pumasok doon.

Nakita kong umikot sya pagkatapos ay pumasok na din.

“Bilisan mo na. Gusto ko nang magpahinga.” Walang ganang utas ko.

Nadinig ko ang pagbuntong-hininga nya. “Bakit kaba ganyan?”

“Ikaw ang dapat tanungin ko nyan!” tumulo ang luha sa mga mata ko. “Bakit mo ba sinasabi ang lahat nang yan sakin? Kasi minahal mo sya kasi mina-“

“Bullshit! Ikaw na ang mahal ko ngau-“

“Your inlove with my sister! Tapos kay Chris na kamukha nya, Hindi kaya panakip butas lang ako?” sigaw ko.

Nakita ko ang pagkunot nang noo nya. Ung mga mata nyang nagaalinlangan. Para syang nabibigla sa mga sinasabi ko.

“What the hell are you talking about?” Paos na sabi nya.

Humikbi ako at hindi na nagsalita pa.

“Joe-“

“JUST DRIVE!” sigaw ko. Nadinig ko ang pagbuntong-hininga nya. Umiyak ako nang umiyak. Hindi ko mapigilan. Excited ako kanina sa date pero ako din mismo ang sumira nito, Ang tanga ko talaga. Nakakainis. Nakakairita.

Wala akong imik hanggang sa makarating kami sa condo. Diretsyo akong bumaba ng kotse pagkatapos ay pumanhik agad sa elevator, Nakita kong sumunod sya sa akin. Hindi ako nagsalita.

“Let’s talk.” Aniya

“No. Bukas na Bukas, Umuwi kana nang Pilipinas.” Minarkahan ko nang pagtatapos ang sinabi ko, Nakita ko ang  paninigas nya. Tumunog ang elevator kaya diretsyo akong lumbas mula doon. Hindi ko alam kung sinundan ako ni Lance o anu.

Nakareceive ako ng text na may photoshoot ako bukas. Tinanggap ko iyon. Aalis si lance. Dapat hinanda ko ang sarili ko, Hindi naman habang buhay nasa tabi ko lang sya. Ngumiti ako nang mapait. In the end, Ako padin pala ang magisa.

Two Pieces of a Broken Heart: Lance and Joey StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon