Chapter 21

2.9K 87 3
                                    

Chapter 21

Sa Mall ng sunod naming punta. Pagkababa namin sa kotse ay agad akong naglakad para lagpasan sya. Hindi ko kasi mapigilan ang mga ngiti sa labi ko at ayokong makita nya iyon. Nababanas ako sa  sarili ko dahil pakiramdam ko ay napakababaw kong tao para maging masaya sa ganun ka simpleng bagay. Pero. Damn, I can’t help it!

“Joey!” dinig kong sabi nya sa likuran ko. Nilingon ko sya ng dahil doon.

Nakita ko ang mapupungay nyang mata na matamang nakatingin sa akin.

“Bakit?” tanung ko.

Naningkit ang mata nya pagkatapos ay nilapitan ako, Nakita kong kinuha nya ang kamay ko at pinagsalop sa kanya. Lumakas ang pintig nang puso ko nang dahil doon, Nanlaki ang mata ko pagkatapos ay tumingin sa kanya, Diretsyo lang ang tingin nya at hindi manlang tumitingin sa akin.

“Hindi mo ba hahawakan ang kamay ko? Tss. Anung klaseng date ‘to?” banas na sabi nya pagkatapos ay nagsimula nang maglakad, Wala akong nagawa kundi ang magpatinaod sa kanya dahil hawak-hawak nya ang kamay ko.

“Uy! Teka, Why are you so upset? Tss.” Tanung ko. Hindi sya sumagot. Pumasok kaming dalawa nang mall.

Nakita kong napatingin sya sa isang boutique doon kung saan naroon ang picture ko. Ngumiti ako sa kanya.

“Ako ang model nang boutique na ‘yan! Ganda ka dyan no? Kita mo?” sabi ko pagkatapos ay tinuro iyon. “Yang kasama ko dyan, Si William! Gwapo diba?” Ngumise ako.

Nakita ko kung paanu sya bumaling ng tingin sa akin. Nawala ang ngiti ko nang makita ang seryoso nyang mata

“B-bakit?” tanung ko.

“Nananadya kaba?” tanung nya. Kumurap-kurap ako.

“bakit ba? Sinasabi ko lang naman na ako ang model nang boutique na ‘yan ha. Anung kinagagalit mo doon? Tsss! Ang labo mo talaga!” sigaw ko sa kanya.

Nakita kong napatingin sa aming dalawa ang iilang amerikanong andoon, Pero wala akong pakialam. Badtrip sya kaya pakiramdam ko nabadtrip nadin ako.

Umiling-iling sya. “Hindi ka maganda sa picture na ‘yan, Masyadong maiksi ang damit mo isa pa, Makapal ang make-up mo! Tss.” Nagiwas sya ng tingin. Binitawan nya ang kamay ko pagkatapos ay nagsimula nang maglakad.

Umismid ako. “kita mo ‘tong taong to!” utas ko.

Akmang susundan ko sya nang tawagin ako ng kung sino.

“Joey? Joey Foster? Oh my Gash! It’s you! It’s really you!”

Napalingon ako nang dahil doon. Nakita ko ang grupo nang kabataan na nagmamadaling lapitan ako.

“Oh my! This is really happening! Im trish!” utas nya. Ngumiti lang ako.

“this is my Friends, Sam, Roxs, Han, and Jerome.” Utas nya. Napatingin ako sa kanilang lahat na nagingislap ang mata ko sa akin,

Two Pieces of a Broken Heart: Lance and Joey StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon