Chapter 14

3.1K 78 2
                                    

Chapter 14

“A-nung sabi mo?” tanung ko sa kanya.

Binitawan nya ang kutsara nya pagkatapos ay hinarap ako. “Lets go out.” Simpleng tugon nya. Lumunok ako ng maraming laway. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Hinahanapan ko ng butas ang sasabihin nya,

Hindi ako nagsasalita. Baka kasi mamaya, dugtungan nya ng “Joke lang.” o kaya nang “Asa ka naman” ang statement nya.

He snap infront of me.

“Hey.” Naiinip na sabi nya, Kumunot ang noo ko pagkatapos ay binusisi syang mabuti.

“A d-date?” tanung ko. tumungo-tungo nya. Napanganga ko.

Kumurap kurap ako ng ilang beses sabay hawak sa tiyan kong parang nagaalburoto na naman.

“anung? Why all of the sudden? Binibiro mo ba ako?” tanung ko sa kanya.

Umiling-iling sya sa harapan ko. “Look, Youre life here is so boring. Pati ako nadadamay. I just wanto to have fun, Since..” huminto sya pagkatapos ay dinilaan ang ibabang labi nya. Nanlaki ang mata ko.

“Since, ayaw mong sa ibang babae ako makipagdate.” Utas nya.

Nanlaki ang mata ko. Kulang nalang siguro ay bumuga ako ng apoy dahil sa sinabi nya. “Anung sinasabi mo?” singhal ko sa kanya

“Remember sa bar? Nagalit ka nung nakipaghalikan ako.” Natatawang sabi nya.

Nanlaki ang mata ko, Pumulot ako ng unan pagkatapos ay binato sa kanya.

“Kapal mo! Hindi ako nagalit!” utas ko sa kanya pagkatapos ay agad syang tinalikuran.mabilis akong naglakad palabas hanggang sa makarating ako sa parking lot kung asan ang kotse ko.

Pagkapasok ko sa loob ay agad kong hinawakan ang pisnge ko dahil mainit ito, Naiinis ako kay lance. Pakiramdam ko nakikipaglaro sya sa akin. Nakikipag-flirt ba sya sakin? Walang hiyang lalaking un! Ang alam na alam nya kung paanu ako aasarin. Nakakabanas sya.

Huminga ako ng malalim. Kung inaakala nyang madadala nya ako sa mga ganun-ganun nya, Nagkakamali sya.

Maya-maya pa ay nakita ko na si Lance na pumasok ng kotse at umupo sa driver seat. Nagiwas ako ng tingin pagkatapos ay tumingin sa bintana. Banas ako sa kanya.

Nagsimula syang magdrive pero wala kaming imikan sa loob ng kotse, Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang nasa daan kami.

“Anung sagot mo?” tanung nya sakin,

Inirapan ko sya. “Wag mo nga akong pagtripan Lance, hindi ako natutuwa.” Masungit na utas ko.

“Bakit kita pagtritripan?” Aniya. Pinukol ko sya ng masamang tingin.

“Malay ko! basta ang alam ko pinagtritripan mo ako.” Utas ko. tumigil ang sasakyan nasa unahan namin kaya itinigil din ni lance ang sasakyan.

Tumingin sya sakin kaya napatingin din ako sa kanya. Kinagat ko ang ibabang labi ko ng makita ang malamlam nyang mata na nakatingin sakin.

Seryoso ang mga tingin nya kaya hindi ko nakayanan, Nagiwas ako ng tingin kinalaunan. Damn! Walang hiyang Lance! Niloloko nya ako.

“the day after tomorrow, maglilibot tayo dito.” Matigas na tugo nya. Nanlaki ang mata kong nakatingin sa kanya.

“Hoy! Sino ka para magdisisyon?” utas ko sabay hampas sa kanya sa braso. Hindi sya sumagot sa akin. Nagsimulang umandar ang mga sasakyan kaya nagsimula nadin syang magpatakbo.

Humalukipkip ako sa inis. Nakasimangot ako hanggang sa makarating kami sa Agency.

“Joey.. Baby~” utas ni Ariel pagkatapos ay agad akong sinalubong ng yakap at halik sa pisnge.

Two Pieces of a Broken Heart: Lance and Joey StoryΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα