Chapter 24

2.9K 73 5
                                    

Chapter 24

Umalis ako agad-agad. Ilang beses nilang tinatawag ang pangalan ko pero wala akong pakialam. Disidido na ako. Gusto kong umuwi nang Pilipinas at habulin ang kaligayahan ko doon. Hindi na ata tama an palagi nalang akong tumatakbo at nagtatago dito. Hindi ako magiging masaya kung ganun, Isa pa. Hindi ako papayag na nakakilala si Lance ng ibang babae bukod sa akin. Nakikipagsabunutan talaga ako!

Balita kong aalis si Brian pagkatapos nang graduation kaya kaylangan ko syang maabutan. Madami akong gustong i-confirmed sa kanya, I want a closure.

Maaga akong umalis kinabukasan para maabutan ang flight ko. O mas magandang sabihin na hindi naman talaga ako nakatulog,  Panay ang isip ko kung paanu ko haharapin si Lance, Kung anu ang sasabihin ko sa kanya. Kung paanu ko babawiin ang mga sinabi ko sa kanya. Sa ugali ni Lance, Hindi ko alam kung papaniwalaan nya pa ako.

Hanggang sa pagsakay ko sa eroplano ay iyon lang ang tumatakbo sa utak ko. Paglapag nang eroplano ko sa pilipinas, Hindi ko alam kung sino ang tatawagan ko. Kung kanino ba ako tutuloy, Ayoko naman sa parents ko dahil paniguradong wala sila sa bansa ngaun. Kinagat ko ang ibabang labi ko habang pinaglalaruan ang ballpen ko.

“Si Lance kaya?” bulong ko. Pero. Anu nalang ang iisipin nun kung tatawagan ko sya pagkatapos ko syang ipagtabuyan? Tss. Ginulo-gulo ko ang buhok ko. I’m so damn frustrated right now.

Bakit ko ba sya pinagtabuyan kung hindi ko naman pala kaya? Damn.

Pagkalipas nang ilang oras ay lumipag na din ang eroplano ko sa lupa nang pilipinas, Pagbaba ko palang ay naramdaman ko kaagad ang init nang panahon .

“Damn, Nasa Pilipinas na nga ako.” Utas ko sa sarili ko.

Kinuha ko ang cellphone ko pagkatapos ay denial ang cellphone ni Brian pero hindi nya iyon sinagot. Alam kong busy sya ngaun at mukhang palaging kasama si Chris palagi dahil malapit na ang pagalis nya.

Umupo ako sa isang beach doon habang pinagmamasdan ang ilang mga balik-bayan na sinusundo ng mga mahal nila sa buhay. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Kahit kaylan sa buhay ko, Hindi ko pa yang naranasan, Ung bang uuwi ako dito sa Pilipinas nang may nakaabang sa akin. Palagi nalang ako magisa. Samantalang noon, Sanay naman ako magisa.

Isang oras na akong naghihintay. Nagugutom na din ako kaya wala na akong choice kundi idial ang number nya.

Pumikit ako nang madinig kong nagriring iyon. Hindi nya sinagot nung una. Tumaas ang kilay ko.

“Aba! Hindi sinagot? Ang kapal!” utas ko. Para akong tangang sinisigawan ang cellphone ko.

“Kung ayaw mong sagutin di wag! Tss.” Utas ko pagkatapos ay itinago ang cellphone ko. Inilagay ko iyon sa bag ko pero ilang sandali lang ay nadinig ko ang pagring nito. Dali-dali koi tong kinuha sa bag ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang si Lance ang tumatawag.

Agad na nagrumble ang puso ko. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago iyon sinagot.

“Bakit?” bungad ko sa kanya.

“I should be the one who ask you. Why did you call?” tanung nya sakin.

Bumuga ako sa hangin. “huh! Kapal. Kelan kita tinawagan?” pagkukunwari ko.

Two Pieces of a Broken Heart: Lance and Joey StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon