Chapter 2

4K 86 3
                                    

Chapter 2

“what are you doing?” tanung ni lance sakin habang naghahalungkat ng bag ko. Nilingon ko sya, pero inirapan din pagkatapos.

“Wala kang..pakialam.” nahihirapang utas ko habang hinahabol ang hininga ko.

Dammit. Asan na ba kasi ung gamot ko?

“Hindi ka naba nagpapagamot, Joey?” tanung nya sakin pagkatapos ay kinuha ang bag ko at nagsimulang halungkatin iyon.

“A-anu ba!” utas ko.

Pinukol nya ako ng malalim na tingin. “Let me.” Aniya.

Tumigil ako dahil wala akong lakas makipagaway sa kanya lalo na ngaun na hinahapo ako ng hika.

“Here.” Aniya pagkatapos ay inabot sakin ang gamot ko. Agad kong kinuha iyon sa kanya.

“Burara ka, Palaging nawawala ang gamot mo, kaya kaylangan atang may kasama ka sa bahay palagi. “utas nya.

Pinukol ko sya ng masamang tingin. “Wag ka ngang magbait-baitan sakin!” singhal ko.

Binalingan nya ako ng tingin. Lumunok ako.

“What happen to you, Joey?” tanung nya.

Napasinghap ako.

Itinaas ko ang isa kong kilay pagkatapos ay nagtaas ng boses. “Wala kang pakialam!” sigaw ko pagkatapos ay tinalikuran sya.

“Fine. Wag mo lang gagalawin si Chris.”

Kinagat ko ang ibabang labi ko, “Bakit ba chris kayo ng chris?” Panimula ko. “Wala syang kwenta, Hindi mo ba nakikita? Nasa kanya ang mukha ni ate, kaya galit ako sa kanya.. pero, bakit sya nalang palagi? Sya nalang palagi? Bakit Lance?!” utas ko.

Nakita kong lumapit sya sakin kaya lumayo ako ng unte.

“what?” utas ko.

Ngumise sya na dahilan ng paglaki ng mata ko.

“Inggitera ka talaga, Joey. Ang hirap sayo, Makasarili ka. Ang gusto mo, Lahat ng tao sayo lang nakatingin. Bakit hindi ka humarap sa salamin? Para makita mo kung anung meron si Chris na wala ka.” Matigas na sabi nya pagkatapos ay tinalikuran ako.

Kinagat ko ang ibabang labi ko, Tumatagos sakin ang mga salitang sinasabi nila. This is so unfair! Bakit walang taong nasa tabi ko para ipagtanggol ako.. bakit? Bakit magisa ako palagi?

Napaupo ako sa isang bleachers doon habang pinagmamasdan ang grupo ng mga babaeng masayang nagtatawanan habang papalabas ng university. Palagi kong iniisip, Naranasan ko ba talagang maging tao? Naranasan ko ba talagang mabuhay bilang tao?

Para akong nageexist na hindi sa mundong ‘to. Wala manlang akong mainvest para sa sarili ko, para sa pamilya ko, para sa ibang tao.

Tumingala ako pagkatapos pinunas ang luha sa mga mata ko.

Punong-puno ng galit ang puso ko, Wala akong makita kundi galit. At walang puwang doon ang pagmamahal o pagpapatawad.

I don’t need anyone to be happy, I just need.. Brian.

Naglakad ako sa corridor, Palubog na ang araw at wala na masyadong estudyante.

Nakita kong patakbong lumabas si Chris sa isang room doon ng makasalubong nya si Lance.

 “Why are you crying?” tanung ni Lance. Pumitik ang dibdib ko nang makita si Brian na nakatayo sa likuran nila. Pakiramdam ko ay gusto kong maglumpasay sa iyak habang pinagmamasdan kong paanu tignan ni Brian si Chris.

He never look at me that way. Kahit kaylan, Hindi.

 “What happen?” matigas na tugon ni Lance.

Kinuha ni Chris ang kamay ni Lance.

“Hindi pera ang habol ko kay Lance, at hindi PA kami. Wala na tayo kaya wala ka ng pakialam sakin. At ganun din ako sayo.”

 “Lance. Pumapayag na akong magpaligaw sayo.” Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya.

Napatingin ako kay Brian na nakayukom lang ang palad habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Nakakatawa. Ang ganda talaga ng papel ko sa kwentong ‘to. Taga nood lang sa taong mahal ko habang may mahal syang iba.

“Goodbye Brian. This is really the end.” Sabi nya Chris bago hinila si Lance paalis.

Napatingin ako sa nakatulalang si Brian, Kitang-kita ko sa mata nya ang sakit. Napangiti ako ng mapait. Bakit ba ako nakikisiksik? Tangina lang! ganito ba talaga ang papel ko?

Wala bang happy ending para sa mga kontra-bida?

Lumapit ako sa kanya pagkatapos ay hinawakan sya sa braso.

“Brian.” Utas ko.

Hindi sya gumalaw. Sinilip ko ang mukha nya, Napatigil ako ng makita ang mumunting butil ng luha na umaagos doon.

Bakit sya umiiyak?

Lalo kong maramdaman ang paunte-unteng paglaki ng butas sa puso ko. Iniiyakan ni Brian si Chris. How cruel. Samantalang ako? Ilang luha na ba ang mabuhos ko para sa kanya.. Pero, Damn! Kahit na kakarampot na ngiti, Hindi nya ako mabigyan.

“B-brian..” utas ko.

Tinakpan nya ang mata nya. “Tangina! Tangina nila!” bulong nya.

Lumapit ako pagkatapos ay niyakap sya.

“A-ako nalang kasi..” desperadang sabi ko.

Tangina! Wala na akong pakialam. Hindi ako paladasal na tao, Pero handa akong lumuhod sa harapan ng tinatawag nilang Diyos para lang mahalin ako ni Brian.

Wala na ang lahat sakin, Si Brian nalang.. Sya nalang.

Kahit na wala ang iba.. Bakit nasa akin si Brian.

Niyakap ko sya ng mahigpit pero naramdaman ko ang pagtanggal nya ng kamay ko sa bewang nya.

“Brian.” Utas ko.

“tangina. Bitawan mo ako, Baka makalimutan kong babae ka.” Seryosong sabi nya.

Humakbang ako palayo sa kanya.

Ngaun ko talaga nakikita kung gaanu kalayo ang pagitan ni Brian sakin, Kung gaanu kalayo pa ang kaylangan kong takbuhin para maabutan sya.

Ngumise ako ng mapait.

“it hurts.” Bulong ko bago tuloy-tuloy na nagsibagsakan ang luha sa mata ko.

Two Pieces of a Broken Heart: Lance and Joey StoryDove le storie prendono vita. Scoprilo ora