Chapter 30

4.2K 91 4
                                    

Hi. This is the last part of Two Pieces of a Broken Heart. Maraming salama po sa pagbabasa. Sana, Suportahan nyo po ang bago kung novel. Ang 'My BodyGuard and I'. Sabay-sabay po nating mahalin si Caleb Hunter doon. Maraming salamat po ulit. Godbless you all!

RATED SPG!

___

Chapter 30

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Napaawang ang bibig ko.

“tinatakot mo ba ako?” singhal ko sa kanya

“Damn. Hindi kita tinatakot, Joey. Pero talagang gagawin ko iyon. Sobrang nafru-frustrate ako sayo at ngaun ko lang ‘to naramdaman sa buong ko. I’m so pissed!” Aniya.

Nirolyo ko ang mga mata ko. “Of fine. Yun naman pala eh, Edi ako din. I will do my best to look pretty. Para lahat ng lalaki doon lapitan ako.” Utas ko pagkatapos ay tinalikuran sya at padabog na pumasok sa kwarto .

Binagsak ko ang sarili ko sa kama. Isa-isang tumulo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit ako pa ang galit ngaun, kahit na wala talaga akong karapatan. Talagang gagawin nya iyon dahil he’s so full of me. Siguro nga ay talagang sumusobra na ako. Pero kung patuloy ko syang makakasama dito baka mas lalong hindi ko sya kayang pakawalan.

Mahal na Mahal ko sya and all I want is the best for him at alam ko naman na hindi ako iyon.

Pinahid ko ang luha sa mga mata ko pagkatapos ay nagayos na. Pumili ako nang isang kulay pula at maiksi kong fitted dress. Magsuot din ako nang mataas na heels. Humarap ako sa salamin pagkatapos ay naglagay ng make up at pulang lipstick.

Pagkatapos kong magayos at agad kong tinignan ang sarili ko sa salamin. Dalawang bagay ang narealized ko. Una: Mukha akong kontrabida. Pangalawa: Para bang hindi na ako sanay na magsuot nang ganito kaiiksi simula nang pinagbawalan ako ni Lance.

Umismid ako pagkatapos ay kumuha nang tissue at pinunasan ang mapula kong labi.

Nag-ring ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon. Nakita kong si Ariel ang tumatawag kaya sinagot ko iyon agad.

“Hey.” Utas ko

“hey ka dyan! Saan ka naba? Mas nauna pa dito ung boyfriend mo.”

Nanlaki ang mata ko. “Boyfriend ko?”

“Aha. Ung Hot na si Lance. Tinanung ko sya kung saan ka ,Pero hindi nya ako pinansin. Ay! Kinilig ako. Mga ganun pa naman ang tipo ko. Mga suplado.” Aniya.

Kumalabog nang malakas ang dibdib ko. Pakiramdam ko, tototohanin talaga ni Lance ang sinabi nyang mambababae sya.

Tinapon ko ang tissue kung san pagkatapos ay agad na lumabas nang kwarto.

“I’ll hang-up. Pupunta na ako dyan. Bye!” utas ko bago ibinaba ang tawag.

Nasa elevator palang ako ay panay na ang pagpadyak-padyak ko. Iniimagine ko ang mukha ni Lance pati na ang mga mahaharot na babaeng maaaring umaligid sa kanya doon. Parang hindi ko kaya. Hindi ko masikmura.

Paglabas ko nang building ay agad akong nagpara nang taxi papunta sa bar na iyon. Panay ang pagbuntong-hininga ko.

Two Pieces of a Broken Heart: Lance and Joey StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon