Chapter 16

2.8K 72 2
                                    

Chapter 16

Pagkatapos naming kumain at pumasok na kami sa kotse para umuwi na, Panay ang sulyap ko sa mukha nyang wala manlang pinapakitang ekspresyon. Binaling ko ang tingin ko sa bintana pagkatapos ay ngumuso. What is really happening to me? Hindi naman ako ganito kaapektado dati sa presensya ni Lance. Pero ngaun,pati ang pananahimik nya nababagabag na din ako.

“What are you thinking?” biglang tanung nya. Napatingin ako sa kanya dahil doon, Sumulyap sya sakin pero bumaling ulit sa minamaneho nyang kotse.

Itinaas ko ang isa kong kilay. “Nothing.” Utas ko sa kanya.

Pagkapark nya ng kotse ay agad kaming pumasok sa elevator para makarating na sa condo.

Maski sa loob nang elevator ay hindi ako mapakali sa hindi ko malamang kadahilanan. Magkadikit lang ang braso namin ay para na akong nakukuryente at hindi ko alam kung bakit, Para sa akin ang sikip-sikip sa loob kahit na dalawa lang naman kaming andoon, Damn this feeling! Anu ba tong nangyayari?

Bumukas ang elevator pagkatapos ay lumabas na kami agad. Kinuha ko ang susi sa bag ko pagkatapos ay binuksan ang condo. Pumasok ako sa loob kasunod si Lance na wala pading imik. Bumuntong-hininga ako habang inilalagay ang bag ko sa sofa. Tinanggal ko ang heels ko pagkatapos ay agad na ibinagsak ang sarili ko sa kanya.

“Im so exhausted.” Bulong ko sa sarili ko. Ipinikit ko ang mata ko. Baka pagod lang ako kaya ganito ang nararamdaman ko. tama! Pagod lang ako. Yun lang un.

Napadilat ako nang maramdaman ang paglubog ng kama sa tagiliran ko. Agad na kumabog ang dibdib ko nang makita si lance na nakaupo doon at nakatingin sa akin.

Mapatayo ako bigla. “A-anu?” utas ko sa kanya.

Ngumise sya pagkatapos ay umiling-iling. “You should changed your clothes first,” utas nya sakin pagkatapos ay tumayo na at hinubad ang jacket na suot-suot nya.

Sinundan ko lang sya ng tingin papuntang kusina, Binuksan nya ang refrigerator pagkatapos ay kimuha ng inumin doon.

“Next week, Im going back to Philippines.” Utas nya.

Nanlaki ang mata ko nang dahil doon, Ibinaba nya ang basong hawak nya pagkatapos ay matama akong tinignan.

“for my Graduation.” Dugtong nya. Hindi ako nagsalita.

Nakita kong ngumise sya ng makita ang ekspresyong nang mukha ko.

“Babalik ako.” Aniya.

Awtomatik na nagsiliparan ang mga paru-paru sa tyan ko kasabay ng pagalburoto ng tyan ko.

“Babalik ako.”

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng sobrang saya nung madinig ang salitang iyon, Siguro kasi sa buong buhay ko. Ngaun ko lang nadinig na may isang taong nagsabing babalikan nya ako. Sanay ako ng naiiwan o iniiwan, Pero ngaun. Ngaung kasama ko si Lance. Simula nang makasama ko si Lance, Pakiramdam ko mas natatakot na akong magisa.

Umismid ako pagkatapsos ay humiga sa kama at nagtalukbong ng kumot.

“Tss. Wala akong pakialam.” Pagsusungit ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko para maiwasan ang pagngiti. Hindi ko alam kung bakit ako masaya ngaun. Masaya ako kasi sinabi nyang babalikan nya ako? Kasi alam kong may babalik para sa akin.

Nagising ako kinabukasan dahil sa pagriring ng cellphone ko. Agad kong kinapa iyon sa ulunan ko at nakita si Ariel na tumatawag sakin,

Nirolyo ko ang mata ko bago iyon sinagot.

“Girl! Out na sa magazine! Your so fab! Hindi na kaylangan ng sobrang photoshop!” tili nya sa kabilang linya.

“Oh. Thanks.” Simpleng tugon ko.

Humalakhak sya. “you want to see? I’ll be sending the photo for you.” Aniya.

“Ok lang. Actually, I just woke up. I’ll talk to you later okay? Bye.” Utas ko pagkatapos ay binaba agad ang linya.

Hilo akong tumayo sa kama pagkatapos ay dumiretsyo sa kusina para uminon ng tubig. Napatingin ako sa lamesang may nakahanda nang pagkain para sa kain. Lumapit ako doon pagkatapos binasa ang isang note na nakapatong.

I’ll be out for a while. Eat your breakfast.

-          Lance

Kumunot ang noo ko, Saan naman sya pupunta ng ganito kaaga? It’s 7 o clock at New York’s time.

Umismid ako pagkatapos ay marahas na sinubo ang toasted bread na nasa lamesa.

Nadinig ko ang pagdoorbell. Binuksan ko ang pinto at nakita ang isang taga linis nang condo sa harapan ko. Nakangiti sya sa akin habang  may inaabot na magazine.

“Someone wants to give this to you.” Aniya.

Ngumite ako pagkatapos ay kinuha iyon sa kanya. “Thank you.” Utas ko bago isara ang pinto.

Napangiti ako nang makita iyon ang sample ng magazine na ako ang cover, Agad kong kinuha ang cellphone ko pagkatapos ay tinawagan si Ariel.

“You got it?” tanung nya.

“It’s beautiful. Thank you!” utas ko.

Humalakhak sya. “Oh my gosh! Look at your eyes there! It’s sparkling!” Aniya.

Napatingin ako sa mata ko doon sa cover. “You know what, Nakatingin ka kay lance sa caption na iyan, That’s a stolen shot. But, it’s perfect. Look like your inlove.” Aniya.

Nanlaki ang mata ko pagkatapos ay napatingin nang mabuti sa mukha sa cover ng magazine na iyon. Totoo nga, Stolen shot ito.

Two Pieces of a Broken Heart: Lance and Joey StoryWhere stories live. Discover now