Chapter 4

3.5K 72 2
                                    

Chapter 4

“Honeybee..” utas ni Brian kay Chris.

Hindi ako makapagsalita, Napako ako sa kinatatayuan ko habang pinapanuod si Brian na halos lumuhod na sa harapan ni Chris, What a scene. Nasa tabi ko lang si Brian pero kahit kaylan hindi nya ako nakikita, Nakakasama ko sya pero kahit kaylan hindi nya ako tinignan ng ganyan sa mata, Ni isang beses sa buhay ko, Hindi ko naranasan na tignan nang ganyan sa mata ng taong sobra—obra kong minamahal. Hanggang kelan ba ‘to?

Kontra-bida ako sa kwento pero ako ang nagmumukhang kawawa, Bakit wala akong maiyakan kapag ganito ang nararamdaman kong sakit? Bakit wala akong masandalan kapag gusto kong umiyak? Bakit walang anjan para sakin.. Bakit?

Kinagat ko ang ibabang labi ko, Kahit na anung paglaban ang gawin ko. Wala padin pala. Mahina na nga ang katawan ko, Pati ba naman ang pagkatao ko mahina padin.

Hinawakan ko ang dibdib ko, Hindi kaya ng puso ko ang nakikita ko ngaun, bakit hindi patas ang tadhana pagdating sa akin? Bakit?

Tinakpan ko ang bibig ko pagkatapos ay wala sa sariling naglakad sa buhanginan. Umihip ang malakas na hangin kaya napuwing ang mata ko.

Napaupo ako pagkatapos ay matamang kinusot ang mata ko.

“Aray!” utas ko. Pinipilit ko itong idilat pero hindi ko magawa, Natigilan ako, Kahit nagsisigaw ako dito, Walang taong darating para sa akin, Alam ko ‘yun. Nakakatawa. Bakit ba ako umaasa? Nabuhay akong maisa,Wala akong kaibigan, natural. Walang taong andyan para sakin.. Wala.

“Shit! Ang sakit..” humagulgol ako. “A-ang sakit-sakit.” Utas ko pagkatapos ay humagulgol sa pag-iyak. Marahas kong pinunasan ang mukha ko pero patuloy padin ang walang patid na pagtulo ng luha.

Hindi ko alam kung anu ba talaga ang masakit sakin, Ang napuwing kong mata.. o ang nawasak kong puso.. Hindi ko alam.

“anu bang iniiyak-iyak mo dyan?” dinig kong isang boses. Napatigil ako pagkatapos ay inangat ang ulo ko para makita kung sino ang nagsalita.

Humihikbi akong tinawag ang pangalan nya. “L-Lance..” mahinang utas ko.

Inangat nya ang gilid ng labi nya. “Tss. Kapag nakita ka nilang ganyan, Hindi sila maniniwalang ikaw ang kontra-bida sa storyang ‘to.” Utas nya.

Wala akong masabi. Nakatitig lang ako sa maamo nyang mukha. Nakangise sya sa harapan ko pero malungkot ang mga mata nya.

Nagiwas ako ng tingin.

“Wala kang pakialam, iwanan mo na ako dito magisa.” Utas ko pagkatapos ay pinahiran ang luha ko sa mata.

“Bakit ba palagi kitang nakikita sa ganyang kalagayan? Tsss. Ang tapang-tapang mo kapag kaharap mo ang iba, Ung pala iiyak-iyak ka kapag ikaw lang magisa.” Utas pa nya.

Pumitik ang ulo ko sa sinabi nya. Dumampot ako ng buhangin pagkatapos ay hinagis sa kanya.

“wala ka pakialam sabi eh! Umalis ka nga!” sigaw ko sa kanya.

Nakita ko ang pagiiba ng ekspresyon sa mukha nya. Tinitigan nya akong mabuti,  Humangin ng malakas kaya nakita ko kung paanu tangayin noon ang malambot nyang buhok.

“You probably…hurt.” Utas nya sakin.

Hindi ako sumagot.

Muling tumulo ang luha sa mga mata ko. Yes I am. Yes.

“Nagising ako kasi wala si Chris sa kwarto.” Umpisa nya. Napatingin ako sa kanya dahil doon. Nakita kong nakatingin sya sa lugar na pinanggalingan ko kanina, Kung saan andun sila Chris at brian.

Two Pieces of a Broken Heart: Lance and Joey StoryWhere stories live. Discover now