Chapter 5

3.3K 72 2
                                    

Chapter 5

Walang mapangahas na nangingialam kahit na nagkakainitan na sila lance at brian, para sa kanilang dalawa, labanan ito nang pagibig at pagkalalaki, Habang pinagmamasdan ko si Brian, Nakikita ko talaga kung gaanu sya kadeterminado ngaun. Kahit kaylan, hindi ko pa nakikita si Brian na ganyan, Ngaun lang talaga.

Bumuntong-hininga ako.

Malamang hindi ito nalalaman ni Brian sa sarili nya, Malamang, Hindi nya ito napapansin.. Pero ang totoo. Hindi nya alam na mas higit pa ang nararamdaman nyang pagmamahal kay Chris ngaun kesa sa Ate ko.

Nakita ko kung paanu bumagsak ang dalawa dahil sa intense ng paglalaro nila, Agad ko namang dinaluhan si Brian pero paulit-ulit nya ding winasaksi ang kamay ko, Kitang-kita ko kung paanu sya tumingin kay Chris na si lance ang unang pinuntahan.

Alam ko, Alam kong wala akong karapatang magalit pero hindi ko mapigilan.

Kinakain ako ng lahat ng insecurities at inggit sa katawan ko.

Pagmamahal na nagdudulot sakin nang sakit sa kalooban, Pagmamahal na nagdudulot sakin nang matinding poot at kalungkutan.

Mabilis ang mga pangyayari , natanggal si lance sa B4.

Umalis si Brian kinabukasan at naunang umuwi sa maynila, Wala akong ginawa kundi ang sisihin su Chris.

Dinuro ko sya pagkatapos ay pinaratangan na sya ang may kasalanan ng lahat kahit hindi ko sigurado kung sya nga ba, sa totoo lang. Hindi ko alam kung anung papel ko sa istoryang ito. Ang alam ko lang, Mahal ko si Brian kahit alam kong sabit lang ako.

“Brian, Saan ka pupunta?” tanung ko kay brian ng makitang inaayos nya ang gamit nya.

“Wala kang pakialam.” Utas nya sakin. Kinagat ko ang labi ko, Kung kaya ko lang sanang maging si Chris para sa kanya gagawin ko. Para ako nalang ang mahalin nya, kaso hindi.. hindi pwede.. Hindi ko kaya.

Hinawakan ko ang braso nya para pigilan sya sa pagiimpake. “Brian please, stop this. Nauna ka ng umuwi dito sa maynila. Iniwanan mo pa ako doon, Kaya sana ngaun, Wag ka namang magdesisyon bigla ng pagalis..” Lumunok ako. “Kung gusto mo, isama mo nalang ako. “ lakas loob na utas ko.

Pinukol nya ako ng masamang tingin.

“Hindi mo ba titigila yan joey?” utas nya sakin,

Napatingin ako sa kanya dahil doon. Kinagat ko ang ibabang labi ko pagkatapos ay nilapitan sya. Isinabit ko ang dalawang braso ko sa leeg nya,

“Brian, How many times do I have to tell you? Mahal kita. Kaya please, it’s about time na kalimutan mo na sya.. Ako nalang.. Ako nalang Brian.” Utas ko pagkatapos ay sinimulan syang halikan sa labi.

Matagal ko nang pinagpipilitan ang sarili k okay Brian. Wala na akong matitirang pride o kahihiyan para sa sarili ko, Gusto kong mahalin nya din ako katulad ng pagmamahal ko sa kanya.. Paanu? Paanu ko gagawin iyon.

Tumulo ang luha sa mata ko ng itulak nya ako.

Napasalampak ako sa kama.

“Nadidinig mo ba ang sarili mo?” singhal nya sakin.

Pumikit ako ng mariin.

“I can be whatever you want me to be Brian, Kaya kong maging si Chris.sabihin mo lang sakin, Sabihin mo lang sakin kung anung kaylangan kong gawin.. S-sabihin mo lang..” Pagmamakaawa ko.

Umiling-iling sya.”Wala kang kaylangang gawin, Kahit anung gawin mo, Wala kang magagawa para mapantayan si Bethany o si Chris. Ni, wala ka pa nga sa kalingkingan nila..” utas nya bago ako iniwan doon.

Two Pieces of a Broken Heart: Lance and Joey StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon