Epilogue

6.8K 156 10
                                    

HAHAHA. Sarreh po kung natagalan ang Epilogue. Maraming Salamat po sa pagbabasa at pagsubaybay. Sana po, Masuportahan nyo din ang bago kong novel na 'My BodyGuard and I' at syempre and main story ko na 'In a Relationship with a DEVIL II'. Thank you so so so much and Godbless you. =)

WARNING SPG!

_

Epilogue

“Joey, You should eat.” Utas  sa akin ni Lance pagkatapos ay hinila ang kumot sa katawan ko. Binalingan ko sya nang tingin.

“Hindi nga sabi ako pwedeng kumain, Kanina sinabi mo sa akin na tumataba na ako. Lance! Hindi ako pwedeng tumaba! Mahigit isang linggo nalang bago ang Fashion Week!”

Tumayo ako sa kama pagkatapos ay tumakbo sa harap nang salamin. Hinawakan ko ang tiyan ko.

“Sana merong pampapayat na gagana sa loob ng isang linggo.” Binalingan ko sya ng tingin. Nakita kong naka-cross arms sya pagkatapos ay nakangisi.

“Lance, Sabihin mo sa akin. Mataba na ba talaga ako? Gaanu kataba?” Hinawakan ko ang mukha ko. “Pati ba mukha ko tumataba nadin?”

Umirap sya lang pagkatapos ay nilapitan ako. Nakita kong umiling-iling sya na parang rinding-rindi na dahil sa kaingayan ko.

“Kahit na tumaba ka, maganda ka padin. Isa pa, Mas gusto ko ang babaeng chubby.” Aniya.

Tumaas ang kilay ko pagkatapos ay hinampas sya sa braso.

“Pwes ako hindi papayag, Lance. Ayokong tumaba.” Utas ko.

Naramdaman ko ang pagdausdos nang palad nya sa bewang ko. Kumalabog ang dibdib ko lalo na nang makita ang pangngiti nya na naging dahilan nang paglabas nang puti at panta-pantay nyang ipin.

Lumunok ako. Isang buwan na ang relasyon namin ni Lance. Magkasama padin kami dito sa America, Masaya ako dahil araw-araw nya akong sinasamahan sa studio para sa paghahanda ko para sa fashion week. Tinupad nya ang pangako nyang hindi nya ako iiwan kahit na kaylan. Palagi nya akong sinasamahan kahit na saan ako magpunta.

Kinagat ko ang ibabang labi ko, Minsan naiisip ko na baka masakal na si Lance sa akin. Baka magsawa sya.

Ngumuso ako pagkatapos ay sinabit ang dalawa kung kamay sa leeg nya. naramdaman ko ang kamay nyang pumulupot sa bewang ko.

“Mas gusto ko kapag mataba ka.”

Umiling-iling ako. “Hindi ako pwedeng tumaba dahil sa fashion week.”

“Pagkatapos nang fashion week, Pwede na?”

Ngumisi sya. Kumunot ang noo ko dahil naguluhan ako sa sinabi nya pero pinagsawalang-bahala ko lang iyon.

“Pagkatapos nang fashion week, uuwi tayo ng Pilipinas.” Nanlaki ang mata ko.

“Huh? Bakit?”

Two Pieces of a Broken Heart: Lance and Joey StoryWhere stories live. Discover now