Chapter 12

3K 73 3
                                    

Chapter 12

Napanganga ako. So, yun pala ang dahilan kung bakit ganyan ang inaasta nya kanina pa, malamang ay nabalitaan nya doon na  nagpapaligaw ng muli si Chris kay Brian. Kumunot ang  noo kong nakatingin sa kanya.

“Kung nangangamba ka, Bakit hindi ka bumalik ng pilipinas.” Utas ko pagkatapos ay nilagpasan nya.

Hinila nya ang braso ko. “Papayag kabang maiwan dito?” tanung nya.

“Hindi na ako bata pwede ba! sinabi ko na nga sayo na Malaya kana eh! Pero sumunod ka padin problema ko paba un? Edi bumalik ka kung gusto mo!” sighal ko sa kanya..

Naglakad ako ulit. Umiinit ang ulo ko kapag nababanggit si Chris dito. Ang layo-layo na nga namin kay Chris pero nasasama padin sya sa usapan.

“Bakit umiinit ang ulo mo?” tanung nya sakin.

“Hindi totoo yan!” Sigaw ko.Nilingon ko sya, Itinaas nya ang isa nyang kilay sakin pagkatapos ay pinapasadahan ako ng tingin na animo’y sinusuri akong mabuti

“Anu?” utas ko sa kanya.

Kumunot ang  noo nya bago magsalita. “You’re acting jealous.” Utas nya.

Nalaglag ang panga ko ng dahil doon.

“A-anung.. ang kapal mo!” sigaw ko dahilan para makaagaw kami ng attensyon ng ibang taong papasok palang ng bar. Umuusok na ang ilong at tenga ko. Anung sinasabi nyang nagseselos ako? Nababanas lang ako dahil puro si Chris padin ang laman ng utak nya kahit na andito kami ngaun sa States. Tapos makikipaghalikan pa sya ng ganun sa babaeng ‘yun?

Itinaas nya ang dalawa nyang kamay. “Ok fine. Sabi mo eh.” Utas nya pagkatapos ay pumasok na sa loob ng kotse.

“Get in. Uuwi na tayo.” Aniya. Ngumuso ako pagkatapos ay nagpatinaod na papasok ng kotse,

“What?” utas ko ng hindi nya padin pinapaandar iyon.

Inihilig nya ang ulo nya sakin pagkatapos ay inabot ang seat belt sa tagiliran ko. “Seat belt. Baliw.” Utas nya habang ikinakabit iyon sakin.

Kinagat ko ang ibabang labi ko nang maamoy ang pabango nya. Lance smells god. Dati ko pa talaga iyon napapansin.

Nanlaki ang mata ko ng bumaling sya ng tingin sakin.

Kumunot ang  noo nya nang mapansing sinisinghot-singhot ko sya.

“Wh-what?” utas ko. Umupo sya ng maayos pagkatapos ay tumingin sa labi kong malapit ng magdugo dahil sa pagkagat-kagat ko.

“Stop biting your lips.” Utas nya bago pinatakbo ang sasakyan.

Napaawang ang bibig ko pagkatapos ay agad na nagiwas ng tingin. Unte-unte akong nakaramdam ng paginit ng mukha. Anu ngaun kong kagatin ko ang labi ko? Wala syang pakialam! Tss.

“Why are you smelling me?” tanung nya. Napatingin ako sa kanya ng dahil doon.

“E-excuse me?” utas ko.

Ngumise sya. “ I saw you.” Utas nya.

Tumingin ako sa bintana pagkatapos ay naghanap ng pwedeng idahilan. Di ko naman sinasadyang maamoy sya.

“hm.. B-because. You smell like a whore.” Masungit ng utas ko.

Napatigil sya sandali pero maya’t-maya at nadinig ko din ang mahina nyang pagtawa. “Really? Il change clothes pagkauwi.” Simpleng tugon nya.

Hindi ako sumagot. Hindi ako tumitingin sa kanya dahil panay lang ang tingin ko sa sa sasakyan at sa lugar na dinaraaanan namin dito sa States. I Don’t know but somehow I feel so relieved dahil kasama ko dito si Lance. Hindi na ako masyadong nalulungkot.

Alas dose na nang makarating kami sa condo ko, agad kong tinapon ang bag ko sa sofa pagkatapos ay tumalon agad sa kama.

“Im so exhausted” utas ko pagkatapos ay binaon ang mukha ko sa unan.

“go chance your clothes first.” Dinig kong sabi ni Lance. Tumingin ako sa kanya. Nakita kong tinanggal nya ang pagitaas nyang damit pagkatapos ay tinapon iyon kung saan, Kumuha sya ng towel at inilagay sa balikat nya bago pumuntang refrigerator at kumuha ng maiinom na tubig.

Umismid ako, bakit ba napaka-komportable nyang maghubad sa harapan ko, Nakita kong  binaling nya ang tingin nya sa akin kaya nagiwas ako ng tingin.

Nagring ang cellphone ko kaya nagmamadaling kinuha koi yon.

“H-hello?” wala sa sarili kong sabi.

“Hi there pretty! Ready for the new project?” bungad ni Ariel sakin.

Bumuntong-hininga ako. I forgot na meron pa pala akong remaining 3 months sa contract na pinirmahan ko sa kanila.

“Uhm.” Utas ko pagkatapos ay napatingin kay Lance na pinapasadahan ang buhok gamit ang hawak nyang tuwalya. Napako ang tingin ko doon, Shet. I just can’t take my fucking eyes.

“Yohoo? Still there joey?” utas ni Ariel.

“Ah.. oo.. im still here.” Utas ko sa kanya.

Bumuntong-hininga ako ng makaramdam ng kakaibang pakiramdam ko tiyan ko, Kinagat ko ang ibabang labi ko pagkatapos ay pumikit ng mariin.

“Im sorry, What is it again?” tanung k okay Ariel.

“Photoshoot. Haler? What else?” masungit na utas nya. Kung nakikita ko lang ang baklang to ngaun, Alam kong nakarolyo na ang mata nya sakin.

Tumang-tango ako. “Okay.. Same place?” tanung ko.

“Yeah. Same place, Same time.” Aniya.

Napatingin ako sa cellphone ko nang agad nyang ibaba ang tawag. Sumimangot ako. Tss. How dare he? Dapat mas nauna ko syang babaan.

“Joey,” napatingin ako kay Lance ng tawagin nya ang pangalan ko.

Shet. Gusto kong batukan ang sarili ko ngaun. Bakit ba ako natataranta ngaun?

“Why?” tanung ko.

Pinilig nya ang ulo nya pagkatapos at dinilaan ang kanyang labi. Nagsalubong ang kilay ko dahil doon kasabay ng pagpitik ng puso ko.

Itinuro nya ang pintuan ng banyo. “I’ll go shower first.” Aniya.

Tinikom ko ang bibig kong kanina pa nakaawang. “Ahh.. Uhm.. S-sure.” Utas ko. Tumalikod ysa sakin pagkatapos ay naglakad na papuntag banyo.

Napa-face palm ako. Naiinis ako dahil pakiramdam ko, Nahahalata nyang nawawala ako sa sarili kapag ganun ang inaasta nya at kapag naghuhubad sya sa harapan ko, ginagamit nya iyon sakin. Shet!

“bwisit.” Utas ko pagkatapos ay pinagtatapon ang unan. Dumiretsyo ako sa cabinet pagkatapos ay kumuha ng pamalit na damit doon. Inilugay ko ang buhok ko pagkatapos ay diretsyong humiga sa kama.

Minulat ko ang mata ko nang madinig ang pagbukas ng pintuan sa banyo. Mula doon ay nakita ko si Lance na nakatapis lang ng tuwalya ang ibabang parte ng katawan nya habang nakatingin sakin.

Nagiwas ko ng tingin sa kanya.

“Ikaw na.” utas nya. Umiling-iling ako.

“Hindi na ako maliligo, Pwede ba magbihis kana.” Utas ko. Nadinig ko ang paghalakhak nya. Naiinis na talaga ako. He’s teasing me so much.

Two Pieces of a Broken Heart: Lance and Joey StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon