Chapter 29

3.3K 80 3
                                    

Chapter 29

Ni hindi na namalayan na nasa himpapawid na pala kami, Panay ang kurap ko kung totoo ba talagang si Lance ang nasa tabi ko ngaun.

“A-anung..” nahihirapang utas ko.

Tumaas ang kilay nya. tinuro ko sya. “Anung ginagawa mo dito?” singhal ko.

“Bakit? Sayo ba ‘tong eroplano? Pupunta din akong America. Ikaw lang ba ang may karapatang pumunta doon?” aniya.

Nagiwas ako nang tingin. Damn. Anung ginagawa ni Lance. Nababaliw na sya.

“Sinabi ko na sayo. Wag mo akong susundan. Pagkababa nitong eroplano. Magkaiba na tayo nang way.” Mataray na utas ko. Inilagay ko ang hood ko pagkatapos ay pumikit. Ang planu ko ay matulog ngaun sa eroplano pero hindi ko alam kung paanu, gayung nasa tabi ko ngaun si Lance. Hindi ako makapaniwalang andito sya.

Naiinis ako. Ang lakas ng tibok nang puso ko at natatakot akong madinig nya iyon.

Pati ang mga alaga ko sa tiyan nabuhay lahat.

“Joey.” Bulong nya. Napadilat ako nang dahil doon.

Hindi ko sya tinignan. Ni, Hindi ako sumagot. Please Lance, Wag mo akong kausapin.

“Joey.” Kinagat ko ang ibabang labi ko sa klase nang pagtawag nya sa akin. Para syang nagmamakaawa para sa kakarampot na attensyon mula sa akin.

“Joey, Please.” Aniya.

Dumilat ako pagkatapos ay humarap sa kanya. “Wag mo nga akong kausapi—“

Napatigil ako at literal na napanganga nang isang mainit na yakap ang sumalubong sa akin.

Nagwala ang puso ko.

“L-lance, Hoy! Anu ba. Bitawan mo nga ako.”

“I beg Brian, para sabihin sa akin.” Utas nya. Tinutulak ko sya palayo pero hindi nya ako pinayagan. “Bakit mo ako iiwan? May nagawa ba ako?” tanung nya.

Para akong nawalan nang lakas. Hindi ko kayang magkunwari, Gustong-gusto ko din syang yakapin. Pero..

“Wag ganito Joey. Hindi ko kayang mawala ka sakin.” Aniya.

Tumulo ang luha sa mga mata ko. Naramdaman ko ang panginginig nang katawan ni Lance. Hindi ko alam kung umiiyak ba sya oh, Anu dahil hindi ko nakikita ang mukha nya. Ang init nang katawan ni Lance. Nakayakap sya sa akin nang mahigpit habang nakabaon ako sa dibdib nya.

Malamig dito pero hindi ko maramdaman nang dahil kay Lance.

“Bitawan mo na ako Lance.” Utas ko.

Umiling-iling sya.

“Lanc—“

“Joey, Malamig.” Aniya. Hindi ako sumagot. Naiinis ako dahil hindi ko sya maitulak palayo. Gustong-gusto ko kapag yakap nya ako. Pero, sobrang tumututol ang isip ko. Para bang mali itong ginagawa ko. Maling-mali.

Ipinikit ko ang mga mata ko. Antok na Antok ako ngaun. Naramdaman ko ang mas mahigpit na yakap ni Lance sa akin, Lalong hindi ko sya magawang  itulak.

Two Pieces of a Broken Heart: Lance and Joey StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon