Chapter 25

3.2K 79 2
                                    

Chapter 25

“Lance. A-ayos kalang ba?” Nangangatal na tanung ko sa kanya habang pinagmamasdan ang dumudugo nyang siko at tuhod.

Hindi sya sumagot sa halip ay niyakap ako nang mahigpit.

“May masakit ba sayo?” tanung nya sakin. Nanginginig ako, Nanginginig ang buo kong katawan pero pinilit ko pading umiling-iling sa tanung nya. Wala akong maramdamang sakit kahit na tumilapon kaming dalawa.

Inilayo nya ako sa kanya. Hinawakan nya ang kamay ko pagkatapos ay pinigil ang panginginig nito.

Hinaplos nya ang mukha ko pagkatapos ay hinalikan ako sa noo.

“Oh God, Pakiramdam ko makakapatay ako nang tao.” Bulong nya. Kitang-kita ko kung paanu rumehistro ang galit sa mukha ni Lance. Kinagat ko ang ibabang labi ko pagkatapos ay umiling-iling.

“Lance, Wag na. Wala naman silang ginawa sa akin. Hinabol nila ako pero umalis din agad nung nakita ka, Isa pa. Gamit ko lang naman ang kinuha nila.” Utas ko.

“Mga putang-ina nila!” sigaw ni lance. Galit na galit sya habang nakahawak sa kamay ko at hinahaplos ang mga sugat at pasa ko sa mukha at braso.

Tumayo sya pagkatapos ay itinayo din ako. Umiiyak padin ako. Masaki tang buo kong katawan. Para akong nabugbog.

Hinila ako ni Lance at niyakap. “Sorry. I was late, Stop crying. Youre safe. Hayaan mong ang mga tao ko ang maghanap sa mga putang-inang ‘yun. Hindi ko sila papalagpasin Joey, Hindi. Lalo na’t sinaktan nila ang babaeng mahal ko.” Bulong nya sakin.

Yumakap din ako sa kanya pagkatapos ay tumungo-tungo.

Binuhat nya ako papasok nang kotse nya. Pagod na Pagod ako kaya hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nang idilat ko ang mga mata ko, Nakita kong karga-karga na ako ni lance papasok sa kwarto nya. Nanlaki ang mga mata ko.

“Uy, teka..” utas ko. gumalaw-galaw ako pero pinandilatan nya ako nang mata.

“Wag kang malikot.” Aniya pagkatapos ay nilapag ako sa kama.

Umupo sya sa harapan ko. “Anung masakit sayo?” tanung nya. Tinitigan ko syang mabuti, Bakit ako ang tinatanung nya eh, sya ‘tong may sugat sa braso at tuhod.

“Bakit ako ang tinatanung mo, tignan mo nga yang sarili mo. May sugat ka din kay-“

Pinitik nya ang noo ko. “aw! Anu ba!” reklamo ko sa kanya.

Ngumuso sya. “May mga sugat ka sa mukha, May pas aka din sa braso alam mo ba ‘yun.” Aniya.

Yumuko ako. “Alam ko, pero mas malala ung sugat mo kasi dumudugo.” Utas ko sa kanya. Tumingin sya sa akin. Ay hindi! Titig, tumitig sya sa akin. Hinawakan nya ang mukha ko pagkatapos ay tinanggal ang iilang hibla nang buhok doon.

“Magulo ang buhok mo, May sugat ka rin sa mukha pero maganda ka padin.” Aniya. Lumapit sya pagkatapos ay ginawakan ako ng halik sa bawat parte nang mukha ko kung saan may sugat. Napapikit ako, Mainit ang mga labi ni Lance. Ang sarap sa pakiramdam. Nagsisimula ko tuloy tanungin ang sarili ko kung bakit hindi sya natutunang mahalin ni Chris, Malamang, Kaya nangyari iyon, dahil alam nang Diyos na si Lance ang lalaking tunay kong mamahalin.

Lumayo sya sa akin. “Magpapapasok ako sa nang damit mo sa katulong, Magpalit ka nang damit. Maghahanda ako nang pagkain mo pagkatapos gagamutin ko ang mga sugat mo. Stay here.” Aniya. Tumungo-tungo ako. Tumayo sya pagkatapos ay naglakad na papuntang pinto. Binuksan nya iyon at lumabas na.

Two Pieces of a Broken Heart: Lance and Joey StoryWhere stories live. Discover now