Chapter 23

2.8K 71 2
                                    

Chapter 23     

Buong gabi akong hindi makatulog. Meron akong photoshoot bukas pero paniguradong malaki ang eyebags ko nito. Alas kwarto na nang madaling araw pero wala si Lance. Hindi ko alam kung saan sya natulog o anu, Dumapo ang tingin ko sa bag nya. Andito pa naman ang mga gamit sya. Umuwi na kaya sya ng Pilipinas? Umiling-iling ako. Hindi. Ngaung umaga ag flight nya.

Bumuntong-hininga ako. Hindi ako sanay nang wala ang presensya ni Lance. Hinahanap ko sya sa kahit saang sulok nang bahay ko. Nababaliw na nga ata ako pero nakikita ko sya kahit na saan. Tinakpan ko ang mata ko nang unan.

“Baliw na nga ako. Dati, Sanay naman ako ng magisa ah, Pero bakit ngaun.. Hindi na ako makatulog nang walang kasama?”

Nag-online ako sa Skype. Gusto ko nang kausap. Pero narealized ko na mali din ‘yun ginawa ko dahil wala naman akong ibang friend dito kundi si Brian lang. Tinignan ko ang profile nya. Online sya ngaun.

Chinat ko na.

Joey:

Kumusta dyan?

Brian:

Joey? What the hell? Where’s Lance?

Ngumisi ako. Hindi padin sya nagbabago. The same brian as before.

Joey:

Kasama ko sya.

Brian:

What? Why?

Joey:

Mahabang kwento. You don’t need to worry. Papauwiin ko na sya dyan. Hindi sya dapat dito.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Kumikirot ang puso ko, Ngaun lang naging masakit ito sakin. Sanay naman ako nang iniiwan pero ngaun kapag iniisip kong aalis si Lance. Pakiramdam ko may parte nang mundo ko na gumuho.

Brian:

Tinatamad ako ng type. Video Call

Nagitla ako ng tawagan nya ako sa Video Call. Inaccept ko naman un, Agad na bumungad sa akin ang itsura ni Brian na nakaitim na sando lang at short, Mukhang andun sya sa bahay nila.

Ngumisi ako.

“Alam ba ‘to ni Chris? Baka sabihin nya nagtataksil ka.” Biro ko.

Sumimangot sya. Inilagay nya ang isa nyang kamay sa bibig nya kaya nakita ko ang kumikinang na singsing nya doon.

“Engaged na kayo?” tanung ko.

“Nope.” Tipid nyang sagot

Nakita ko ang pagngisi nya. Mukha syang masaya. Napangiti din ako. Nakakatawang isipin. Dati kapag kausap ko si Brian halos lumundag ang puso ko sa saya, Ngaun wala na. Parang wala nalang. Hindi ako makapaniwalang kay Lance ko na to nararamdaman ngaun.

“Galing kami kay Bethany kanina.” Umpisa nya. natigilan ako.

“Ha-?”

Two Pieces of a Broken Heart: Lance and Joey StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon