Chapter 2

4.6K 123 14
                                    

Chapter 2

© Shupershimmer

"Irish Jane Marcelo," tinype ni Gio ang pangalan ng babae sa computer niya. "Pare, ang chicks naman ng pangalan. Ba't lahat yata ng chicks, sayo napupunta."

"May nakita kang results?" I asked, ignoring his nonsense comment.

"Hm, marami siyang accounts, pero ito ang kamukha niya."

He clicked the picture, and another tab opened. Lumabas ang account niya, kaya nakita ko ang mukha ni Irish. Tinignan ko pa ulit yung hawak kong picture—siya nga.

"I told you, she's a chick," siniko pa 'ko ni Gio pero di ko siya pinansin.

Inagaw ko sa kanya ang mouse at pinalayas ko siya sa upuan. I scanned her profile—iba na ang address niya kesa sa resume na binigay sakin ng kupal na matandang 'yon.

"Alam mo ba kung saan ang Tranquil Condotel?"

Nilingon ko si Gio na nasa likuran ko. Nakita ko kasi ang pangalan na 'yon sa isa sa mga status niya, pero wala naman akong alam sa location. I'd never heard it.

"Engot ka ba?" sagot niya agad. "Malapit lang 'yan sa condominium mo!"

"Sigurado ka?" binalik ko ang mata ko sa monitor at nakita ko ang isang whole body picture ni Irish, kasama ang isang babae.

"Oo, I'm not just sure where it is," I heard him. "Basta ang alam ko, nakikita ko ang sign na 'yon dati papunta sa lugar mo."

It's getting easier. I grinned.

Sinubukan kong mag-research nang mas maraming info pero konti lang ang nakita ko. Mukhang hindi siya masyadong in-touch sa social network dahil last month pa ang huling update niya.

Five o'clock nang makarating ako sa area ko dahil naipit ako sa walangyang traffic na 'yan. Papasok na sana ako sa parking lot nang bigla akong napa-preno.

Bwisit. Muntik pa 'kong makasagasa ng nagba-bike. Ano'ng ginagawa niya sa lugar na 'to at nakuha pang magbisikleta?

I was clenching my teeth when the girl—riding that freaking bike—went to my car and slammed the bumper.

"Hoy! Bumaba ka d'yan!" dinuro niya ako. "'Langya ka, ah! Muntik mo na akong mapatay!"

Binuksan ko ang pinto at lumabas.

"Ikaw, ano'ng ginagawa mo sa property na 'to? Muntik mo nang masira ang kotse ko," kalmadong sagot ko, pero sa totoo lang naiinis na ako.

"May karapatan akong mag-bike dito dahil kalsada 'to. 'Di mo ba ako nakita kanina, ha? Bulag ka ba?"

Hindi na ako sumagot, dahil ayokong magsayang ng laway sa kanya. Naihilamos niya ang kamay niya sa mukha tapos inalis ang suot niyang sombrero.

"Wait," I whispered to myself.

Tinignan niya 'ko nang masama. Ako naman, napatingin bigla sa loob ng kotse, at tinignan ang picture ng new subject ko na nakapatong sa passenger's seat.

Just my luck.

Paglingon ko sa kanya—kay Irish—ngumiti ako. Kung alam ko lang na siya pala ang subject ko, hindi na sana ako nagsungit.

"Well, I'm sorry."

Bumuntong-hininga siya. "Sige na. Pasalamat ka buhay pa 'ko."

Again, I flashed a smile.

"Hindi ko sinasadya—I mean, medyo pagod na kasi ako kaya di kita nakita. Are we okay, now?"

Nilahad ko ang kanang kamay ko para sa hand-shake. It's the first thing I always do when I meet my subject. Gusto ng mga babae ang gentleman, at sa ganito 'yon nagsisimula.

If she accepts my hand, it means I can get her easily; if not, I'll try harder.

"Okay," at nakipag-shake hand naman siya, at ngumiti ako.

"Adam," pakilala ko.

"I-Irish."  

"Nakatira ka rito?"

Nagtaka siya sa tanong ko at binitawan niya ang kamay ko. I could feel the tense in her body. Di na bago. It's a very good sign na magiging sang-ayon sakin ang trabaho ko.

Kung kanina, nakukuha niyang tumingin sa mata ko, ngayon hindi na. Bakit ba ang daling basahin ng mga babae?

"Ah, hinde."

"Saan?"

Hindi siya sumagot, instead, tinanguan niya ang building na nasa bandang likuran ko—katapat ng condominium na tinutuluyan ko. That's when I realized it's the Tranquil Condotel.

"Masyadong mahal ang building na 'to," she smiled, referring to the condo I'm in. "Mas afford ko 'yung condotel na 'yan. Kahit medyo luma, at walang aircon."

"Talaga? Just my luck to see a girl like you, Irish."

Binanggit ko ang pangalan niya na parang isang endearment. Sinabi ko sa paraang gustong-gusto ng babae sa pagtawag sa kanila. Mahinang boses, at halos hangin ang lumalabas sa bibig. Irish. 

"Ha?"

"I mean, bago lang kasi ako rito sa lugar na 'to. Wala akong kilala. You're the first girl I talked to since then." 

I wasn't expecting her to blush, but she did. Tae. Hindi ko inaasahan na sa ganyang linya pa lang, tatamaan na siya. I was getting more excited.

"Sige, aalis na 'ko."

Nakita kong humakbang siya para pulutin ang bike niya sa lupa pero kinuha ko ang opportunity na mag-start sa project ko. Inunahan ko siyang kumuha sa bisikleta at sinadya kong hawakan ang kamay niya. Mainit ang kamay niya no'n, at halatang mahilig siyang mag-lotion. 

We gazed at each other's eyes, and I knew she's uncomfortable of my presence.

"Tutulungan na kita," I said against her face.

Bumitaw siya at tinayo kong mag-isa ang bike niya. Humawak siya sa manibela, bago ako bumitaw.

"Salamat," sabi niya sabay ngiti.

Pinagmasdan ko siya paalis, hanggang sa likod na lang niya ang nakikita ko. Hindi ko alam pero ang laki ng ngiti ko habang nakatayo ako do'n.

I wanted to get her. I couldn't wait to sweep her off her feet. ASAP.

Pabalik na ako sa driver's seat nang makita ko sa lupa ang isang red wallet na nakabukas pa.

Dinampot ko agad 'yon, at nakita ko ang wallet-size picture ni Irish na nasa wallet. She looks prettier here than the picture I got. Pagtingin ko sa kanya, wala na siya.

Again, a brilliant idea popped in my mind.

Mukhang may rason ako para makita ulit siya. At sinisigurado ko na sa second time na magkikita kami, makukuha't makukuha ko rin ang tiwala niya.

"You just bumped a wrong guy, Irish."




Kiss and Kill [SEASON 1 & 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon