Chapter 14

16.8K 293 8
                                    


Paglabas ni Matthew ay napahawak siya sa dibdib niya. Parang sa pamamagitan niyon ay mapapkalma niya ang malakas na kabog ng puso niya. Habang kaharap niya ito ay abot-abot ang kalabog ng dibdib niya pero hindi niya ipinahalata. Nagpapasalamat na lang siya na nakaupo siya dahil kung hindi ay baka bumagsak na siya dahil sa panlalambot ng tuhod niya.

Paano ba niya ito makakalimutan kung araw-araw niya itong makikita? She decided na bumalik na sa trabaho starting tomorrow. Kaysa magpakalugmok siya sa lungkot sa bahay ay babalik na lang siya sa trabaho para kahit paano ay malibang siya at iwasang mag-isip. Pero paano nga ba matatahimik ang isipan niya kung ang taong iniiwasan niyang maisip ay araw-araw niyang makikita? Ipinilig niya ang ulo na parang sa ganoong paraan ay mawawaglit ang mga gumugulo sa utak niya. Makaiba naman sila ng hawak na departamento ng asawa at hindi naman nila kailangang magkita araw-araw. Iiwas na lang siya hangga't kaya niya. At kung may kailangan naman siya sa lalake na may kinalaman sa trabaho ay puwede naman niya iyong ipadaan sa sekretarya niya. Iiwas na lang siya hangga't maari hanggang dumating ang araw na kaya na niya itong makaharap nang hindi nasasaktan.

Nang makalma na niya ang sarili ay tinawagan niya si Mark sa opisina nito. Kailangan niya ng kaibigan at nagpapasalamat siya na nandiyan si Mark, pakiramdam niya ay sasabog na ang dibdib niya dahil sa mga kinikimkim doon at pakiramdam niya ay kailangan niya ng mapaghihingahan ng problema at sama ng loob. Mark has always been a good friend to her at alam niyang mapagkakatiwalaan niya ito.

Nang dumating siya kanina ay nasense kaagad nito na may iba pa siyang mabigat na dinadala, nang tanungin siya nito ay hindi na niya napigilan ang sarili na magkuwento rito. SInabi niya na nakipaghiwalay na siya sa kanyang asawa. She was telling him everything nang dumating si attorney Morales kaya naputol ang pag-uusap nila. Mark knew she needed someone to talk to, kaya hindi siya iniwan nito. He invited her for a coffee para maipagpatuloy ang pinaguusapan nila kanina na pinaunlakan niya dahil pakiramdam niya, she needed to tell someone dahil parang sasabog na ang dibdib niya.

"Hello?" sagot nito sa kabilang linya.

"Mark, pwede bang dito na lang tayo? I don't feel like going out anymore," sabi niya dahil nawalan na talaga siya ng ganang umalis pa.

"Sure, sandali, pupuntahan kita diyan." Nawala na ito sa kabilang linya, ilang sandali lang ay naroroon na ulit ito sa opisina niya. "What happened?" tanong agad nito.

Ikinuwento niya rito ang lahat. Mula sa kung paano sila nagpakasal hanggang sa naging pag-uusap nila ni Matthew nang umaga.

"Akala ko sa mga pelikula at TV lang nangyayari ang ganyan. I'm so sorry Charito. I didn't know na ganyan na pala ang nangyayari sayo." Komento nito nang matapos siyang magkuwento.

"Kasalanan ko naman ang lahat, hindi ko siya masisisi kung nagalit man siya, I forced him to marry me, I forced him to love me kahit na alam kong may iba siyang mahal. I guess I got what I deserve, dahil sa kahibangan ko, marami akong nasaktan, including the only man I ever love."

"Don't blame yourself for everything, Cha. Kung ako ang tatanungin mo, nagmahal ka lang. Oo may nasaktan, pero hindi lang ikaw ang may kasalanan ng lahat. Matthew could have just refused to marry you, but he did, I don't know his reason but he did marry you, it was his own decision, and his ex, she could've refused to take the money form you and your father, but she accepted it, that is her own decision. Matthew got hurt because his ex chose the money you gave, over him. Matthew needed someone to blame and you and your dad were the only one available because his ex ran off. Maybe I'm being judgemental here, Pero kung ako ang tatanungin mo, hindi lang ikaw ang may kasalanan kung bakit nangyari ang lahat ng ito."

"But I started all of it," malungkot na sabi niya.

"You were hurt too, and still hurting." Malungkot ring sabi nito.

"I desereve it."

"No one's deserve to get hurt, Cha."

Isang malungkot na ngiti ang ibinigay niya rito. "Thank you for listening to me and taking my side."

"I'm your friend, whatever you need, I'm here, whenever you need me."

"Thank you." Tumayo ang kaibigan at niyakap siya. "Kung sinagot mo ba naman ako noon eh di sana hindi ka nagkakaganyan." Bulong nito na nagpatigagal sa kanya. Kumalas siya mula sa pagkakayakap nito at tiningnan ito.

"What?" naiilang na tanong niya.

"Joke lang, awkward ka naman agad. Huwag kang mag-alala matagal na kong naka move on sa'yo. Hindi na kita type." Natatawang sabi nito. Dinudot pa nito ang ilong niya.

"Para kang sira," natatawang sabi niya. Mabuti na lang at nandito si Mark, kahit paano ay napapagaan nito ang kalooban niya.

** Please vote and share with your friends, family, realatives, neighbor, sa mga nakakasalubong nyo sa daan, nakakasakay sa jeep, nakakasabay kumain sa karinderya 😛 and please ADD ME ON FACEBOOK FOR MORE STORY UPDATES. JUST CLICK OR COPY THE LINK BELOW **

https://www.facebook.com/janne.phr

The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now