Chapter 19

17.4K 286 5
                                    


Dali-dali siyang lumabas at iniwan ang dating kasintahan at tinungo ang sasakyan. Nagmaneho siya pabalik sa opisina. Pagdating niya sa parking lot at pagbaba ng sasakyan ay nakita niya si Mark, pababa rin ng sasakyan nito, subalit wala si Charito.

Nilapitan niya ang lalake, "Nasan ang asawa ko?" tanong niya ritongmay halong pag-aangkin.

Tila nagtatakang nilingon siya nito.

"She went home," malumanay na sagot nito.

Pagkarinig sa sinabi nito ay muli niya itong tinalikuran upang bumalik sa sasakyan subalit muli siyang tinawag nito.

"What?" tanong niya.

"Alam kong wala ako sa posisyon na sabihin ito, pero naaawa na ko sa kaibigan ko. Mahal na mahal ka ni Charito and she doesn't deserve to get hurt like this. Kung hindi mo kayang suklian ang pagmamahal niya, huwag mo na lang siyang saktan, bigyan mo siya ng pagkakataon na makalimutan ka." Seryoso ang mukhang sabi nito.

"I'm sorry pero I can't do that. I was stupid na sinadya kong saktan siya noon, but not this time. Kung iniisip mong magkakaroon ka ng pagkakataon sa asawa ko, I'm sorry pero hindi ko hahayaang mangyari yun. She's my wife and I intended ito to stay that way. Kaya kung iniisip mo na may pagkakataon ka na ngayong naghiwalay kami, you're wrong. I'm telling you now, you don't stand a chance."

Napakunot ang noo niya nang makitang natatawa ang kaharap. "You thought na may gusto ako kay Charito? Kaya ba parang laging inis ka sakin?"

Lalo lang lumalim ang kunot ng noo niya. "I don't like her that way. Well, not anymore. She is just my friend. And I am genuinely concern about her. Wait, are you saying that you love her, too.?"

"I don't think I should tell you that before I could even tell my wife." Sa halip ay sagot niya.

"You're right. I'm sorry for interrupting you. Go, get her. Good luck."

Hindina niya ito sinagot at tuluyan nang sumakay ng sasakyan papunta sa asawa.Habang nagmamaneho, he felt a little stupid. Pinagseselosan niya si Mark iyonnaman pala ay talagang kaibigan lang ang turing nit okay Charito. Siguro aysadyang anoon lang ito, a good friend.    

** Please vote and share with your friends, family, realatives, neighbor, sa mga nakakasalubong nyo sa daan, nakakasakay sa jeep, nakakasabay kumain sa karinderya 😛 and please ADD ME ON FACEBOOK FOR MORE STORY UPDATES. JUST CLICK OR COPY THE LINK BELOW **

https://www.facebook.com/janne.phr

The Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon