Final Chapter

28.1K 592 74
                                    


Isinara muna ni Matthew ang pinto bago siya nilapitan. "Nandito ako para kausapin ka."

"Wala na tayong dapat pag-usapan." Sagot niya rito. Napakunot ang noo niya nang marinig ang mahinang tawa na nagmula sa kaharap.

"Anong nakakatawa?" kunot noong tanong niya.

"Nakakatawa kasi iyan din ang sinabi ko kay Madelaine kanina."

"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong niya.

"Alam kong iniisip mo na kaya kami nagkita ay dahil nakikipag-ayos ako sa kanya. Nagkakamali ka. Kaya lang ako nakipagkita sa kanya ay dahil nacurious lang ako sa gusto niyang sabihin at para tuluyan na ring tapusin ang ugnayan ko sa kanya."

Hindi siya kumibo, gusto na namang umasa ng puso niya dahil sa mga sinasabi ngayon ng lalake. "Hindi mo naman kailangang magpaliwanag sa akin, tapos na rin tayo. You don't owe me any explanation."

"Kailangan kong ipaliwanag sayo. Dahil ayokong isipin mo na may ibang babae pa sa buhay ko. I owe you an explanation dahil asawa kita at ayokong masaktan ka. Tapos na kami ni Madelaine. I don't want any other woman except you."

"A-anong ibig mong sabihin?" humihikbing tanong niya.

"Mahal kita, Charito. Nang mawala ang ninong, kasabay ring nawala ang galit na nararamdaman ko. Akala ko noong una naaawa lang ako sayo, but after we made love, noon ko nakumpirma na higit pa roon ang nararamdaman ko para sayo. Hindi ko alam eksakto kung kailan nagsimula, pero mahalaga pa ba yun? Ang importante ay mahal na kita."

"Baka nagkakamali ka lang, naaawa ka lang sa akin kaya naipagkakamali mo ang simpatiyang nararamdaman sa pagmamahal." She wants to slap herself. Nasa harap niya na ang lalakeng minamahal, nagluluhog ng pag-ibig sa kanya pero ayaw niyang paniwalaan. Mas masakit umasa na mahal niya na ko tapos marerealize niya na hindi pala totoo ang nararamdaman niya. Bulong ng isip niya.

"I want to plant little kisses on your neck and shoulder, I want to hold you in my arms, I want to have my future with you. I want to make love to you every night. Gusto kong gumising sa umaga na ikaw ang katabi ko, gusto kong umuwi sa bahay na ikaw ang madadatnan ko, I want to laugh with you, cry with you. I want to grow old with you. If you don't think that's love, then you can call it whatever you want. But please come back to me. I can't go on another day na hindi ka kasama."

Parang malulunod ang puso niya sa mga sinabi ng asawa. Ang tagal niyang pinangarap ang mga sandaling iyon. She waited for so long. At ngayon na naririnig niya iyon sa kabiyak, walang paglagyan ng kaligayahan ang puso niya. Masaganang umagos ang luha sa mata niya dahil sa nag-uumapaw na saya.

Masuyong pinahid ng lalake ang luhang umaagos sa pisngi niya.

"I promise not to hurt you ever again. I love you. So, can you please come home with me? Malungkot na ang bahay natin kasi iniwan mo kami."

Kahit umiiyak ay natawa siya sa huling sinabi ng lalake. "Thank you for telling me all this. Hindi mo alam kung gaano mo ko pinasaya."

"No, Thank you for making me love you. Love may not be the reason why I married you, but that is the reason why I want to spend my life with you."

"I love you, too."

Iniangat ng asawa ang baba niya at binigyan siya ng masuyong halik sa mga labi.

"I need to call attorney Morales para ipaalam sa kanya na hindi na natin itutuloy ang annulment." Naalalang sabi niya nang maghiwalay ang labi nila.

"You don't have to, I already talked to him the day na nag-usap kayo. I told him na huwag munang iprocess ang annulment papers." Pag-amin nito.

"What? Kung wala ka naman palang balak na makipaghiwalay sa akin, bakit pinayagan mo pa kong umalis sa bahay mo?"

"Bahay natin," pagtatama nito sa kanya. "Dahil akala ko kailangan mo ng oras para magdalamhati sa pagkawala ni ninong at akala ko ay kailangan kong maghintay ng tamang tiyempo para sabihin sayo na mahal kita na hindi mo pinagkakamalang naaawa lang ako sayo, but I was wrong. I'm sorry for being stupid."

"Okay lang, tama ka naman. Dahil kung noon mo ito sinabi ay talagang hindi ako maniniwala sa'yo."

"I love you, uwi na tayo sa bahay?" yaya nito. Nakangiti siyang tumango rito.

This is the happiest day of her life. She got what she always wanted, to be love by the only man she ever love. She knows her dad is at peace now. He never wanted anything but for her to be happy. She looked up, imagining that her dad is watching over them. Hindi niya mapigilan ang maluwang na ngiti sa mga labi. There's nothing more that she could ask for.

WAKAS

** Please vote and share with your friends, family, realatives, neighbor, sa mga nakakasalubong nyo sa daan, nakakasakay sa jeep, nakakasabay kumain sa karinderya 😛 and please ADD ME ON FACEBOOK FOR MORE STORY UPDATES. JUST CLICK OR COPY THE LINK BELOW **

https://www.facebook.com/janne.phr

The Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon