Chapter 16

16.7K 272 27
                                    


Nagising siya sa tunog ng alarm clock, aantok antok na pinatay niya iyon. Nang maalala ang napagdesisyunan kagabi ay kaagad siyang bumangon at naligo. Nang matapos ay lumabas kaagad siya ng banyo at naghanap ng masusuot, he wanted to look good for his wife. Habang naghahanap ng maisusuot ay nakita niya ang mga damit na binili ng asawa para sa kanya na mask iisang beses ay hindi niya pa naisusuot dahil sa pesteng pride niya. Namili siya mula roon. Kinuha niya mula sa hanger ang dark blue na polo na may maiksing manggas na may mga print na maliliit na parang silhouette ng ibon. Parang sinukat sa kanya ang damit. Nagmamadaling nagbihis at nag-ayos ng sarili. Nang makuntento na sa hitsura ay lumabas na siya ng bahay at sumakay sa sasakyan, nagdrive papunta sa opisina. Habang nagbibiyahe ay hindi niya maintindihan ang nararamdaman, kinakabahan na excited siya.

Nang makarating sa opisina ay dumaan muna siya sa sekretarya ni Charito.

"Is Chari in??" tanong niya.

"Wala pa po sir," magalang na sagot nito.

"Anong oras daw darating?"

"Hindi po sinabi kung anong oras eksakto siya pupunta, pero ang sabi po niya ay baka sa hapon na dahil magfifield daw po sila ni sir Mark," paliwanang nito.

"Kasama niya si Mark?" kunot-noong tanong niya.

"Opo sir. Nagmamarketing and sales research po kasi sila kaya lately ay sila po ni sir Mark ang magkasama."

"Anong klaseng research ba ang ginagawa nila para abutin sila ng maghapon?" hindi iya napigilang itanong, tila nabigla ang kausap sa naging reaksiyon niya kaya hindi ito kaagad nakasagot. "Kapag dumating sabihin mo sa kanya na kailangan ko siyang makausap o kaya naman ay sabihan mo na lang ako," bilin na lang niya.

"Opo, sir."

Iniwan na niya ito at dumiretso na sa opisina niya. Inabala niya ang sarili sa pagtatrabaho para hindi niya mamalayan ang oras. Iyon nga ang nangyari, subsob siya sa trabaho ng magring ang cellphone niya. Wala sa loob na sinagot iyon nang hindi man lang tinitingnan kung sino ang tumatawag.

"Hello," sagot niya sa caller.

"Matthew, si Madelaine ito, puwede ba tayong magkita?"

    Para siyang binuhusan ng yelo nang marinig ang boses ng dating kasintahan. Hinding hindi niya makakalimutan ang boses na iyon.    

** Please vote and share with your friends, family, realatives, neighbor, sa mga nakakasalubong nyo sa daan, nakakasakay sa jeep, nakakasabay kumain sa karinderya 😛 and please ADD ME ON FACEBOOK FOR MORE STORY UPDATES. JUST CLICK OR COPY THE LINK BELOW **

https://www.facebook.com/janne.phr

The Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon