Chapter 18

17K 282 3
                                    


"Is that your wife?" tanong ni Madelaine.

Hindi siya kumibo. "Is she having a date with another man?" nag-aakusa ang boses nito. Parang nagpanting ang tenga niya sa sinabi nito.

"He's not having a date with another man. Huwag mo siyang pagsasalitaan ng ganyan dahil hindi mo siya kilala. Hindi mo siya katulad." Mariing pagtatanggol niya. Hindi niya sinasadyang insultuhin ang kaharap.

"Anong ibig mong sabihin?" tila natitigilang tanong nito.

"Please Madelaine, alam kong kahit na tayo pa ay nageentertain ka pa rin ng ibang manliligaw."

Hindi nakakibo ang babae sa sinabi niya. Marahil ay hindi nito inaasahan iyon.

"Tapos ay narito ka ngayon at sasabihin mong mahal mo ko. Hindi mo ko mahal, dahil kung totoong minahal mo ko, kahit gaano pa kalaki ang ibigay sayong pera, tatanggihan mo iyon. You don't love me, you didn't really love me, you only love the security that I can provide you. Kaya naman nang may dumating na mas magandang oportunidad para sayo, ipinagpalit mo kaagad ako. Nasaktan ako sa ginawa mo. Aaminin ko sayo, many times, I imagined how would I feel kapag nakaharap ka ulit, ang akala ko magagawa kong kalimutan ang lahat at patawarin ka basta bumalik ka lang. But I was wrong, because here you are, sa harap ko, asking to get back together, but I don't feel anything. I don't even hate you. Naiinis lang ako sa katotohanan na iniisip mo na kaya pa rin kitang tanggapin sa kabila ng lahat, nangangahulugan lang iyon na maliit ang tingin mo sa akin. Hindi ako tanga Madelaine, kaya kung puwede lang, huwag mo na ulit akong tatawagan. Hindi na kita mahal. Matagal na tayong tapos. And you're not supposed to be doing this, Sigurado ako, wala ito sa usapan nyo ng ninong nang tanggapin mo ang pera niya. Kaya sana, ito na nag huling beses na magkikita tayo. Go back to Australlia. Continue your study and good luck with your life. We're done." Mahabang sabi niya sa babae. Hindi niya napigilan ang pagbuhos ng emosyon.

Tumayo na siya mula sa kinauupuan. Pagtingin niya sa kinapupuwestuhanng asawa ay wala na ito roon, maging si Mark ay wala na rin. 

** Please vote and share with your friends, family, realatives, neighbor, sa mga nakakasalubong nyo sa daan, nakakasakay sa jeep, nakakasabay kumain sa karinderya 😛 and please ADD ME ON FACEBOOK FOR MORE STORY UPDATES. JUST CLICK OR COPY THE LINK BELOW **

https://www.facebook.com/janne.phr

The Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon