Chapter 15

16.5K 279 12
                                    


Mahigit isang lingo na magmula ng umalis si Charito. Mahigit isang lingo na rin siyang malungkot na umuuwi sa bahay niya. Bumalik na ito sa trabaho subalit bihira silang magkita, dahil laging nasa labas ang babae, binibisita ang mga outlet store nila. Mas naging hands on ito sa trabaho nito ngayon pero duda niya ay sinasadya ng babae na maglagi sa labas ng opisina para makaiwas sa kanya. Ang sabi nito ay susubukan na nitong kalimutan ang nararamdaman sa kanya at mukhang iyon nga ang ginagawa ng asawa. And frankly, kinakabahn na siya dahil baka tuluyan na nga siyang makalimutan nito.

Sa totoo lang ay miss na miss na niya ito. Wala siyang ganang umuwi sa bahay niya dahil alam niyang wala siyang aabutan. Namimiss na niya na sinasalubong siya nito kapag darating siya sa bahay, namimiss na niya ang pag-aalaga nito. Ang mga bagay na hindi niya binibigyang halaga noon ay hinahanap hanap niya ngayon. And most of all, namimiss na niyang mayakap ito, namimiss na niyang mahalikan ito, namimiss na niyang makatabi ito. He wanted to make love to her again. Ngayon na mag-isa siya, parang ang luwag-luwag ng hinihigaan niya at ang lungkot ng bahay na inuuwian niya.

Gusto na niya itong puntahan at kausapin. Sabihin ang nararamdaman. Ang sabi niya ay maghihintay siya hanggang sa maging maayos na ang asawa pero mahigit isang lingo pa lang niya itong hindi nakakasama ay para na siyang masisiraan ng bait sa pangungulila rito. Tumingin siya sa relo, Pasado alas nuwebe na ng gabi, he wonder kung nakauwi na ba ito. Hindi na siya nakatiis, dinampot niya ang cellphone at tinawagan ito. Subalit hindi niya iyon makontak, nakapatay ang cellphone. Ipinangako niya sa sarili na bukas na bukas rin ay makikipag-usap na siya rito. Sasabihin na niya ang matagal na niyang dapat sinabi rito. Kung hindi maniniwala ang babae, gagawin niya ang lahat para patunayan na hindi lang dala ng awa ang nararamdamn niya.

Naghandana siya para matulog, kahit hirap siyang makatulog ay pinilit niya. Hanggang saunti-unti siyang makramdam ng antok at tuluyang makatulog.    

** Please vote and share with your friends, family, realatives, neighbor, sa mga nakakasalubong nyo sa daan, nakakasakay sa jeep, nakakasabay kumain sa karinderya 😛 and please ADD ME ON FACEBOOK FOR MORE STORY UPDATES. JUST CLICK OR COPY THE LINK BELOW **

https://www.facebook.com/janne.phr

The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now