Chapter 7

14.2K 283 15
                                    


Isang lingo na magmula nang mailibing ang ama. Mas lalo niyang naramdaman ang pangungulila rito habang lumilipas ang mga araw, miss na miss na niya ang daddy niya. Walang ganang bumangon siya mula sa pagkakahiga sa kama. Kinuha ang cellphone at tiningnan ang oras, maga-alas diyes na ng umaga. Kanina pa siya gising pero pakiramdam niya ay wala siyang lakas at ganang bumangon. Wala rin siyang ganang pumasok sa opisina, mahigit isang lingo na rin siyang hindi pumapasok. Pakiramdam niya ay wala rin siyang magagawa kung pupunta siya. Ipinapaubaya niya na lang muna pamamahala ng kumpanya sa kanyang asawa.

Tiningnan niya ang katabing side ng kama kung saan natutulog ang asawa. Bakante na iyon dahil kanina pa ito nakaalis. Hindi na niya namalayan kung anong oras ito umalis. Nagpapasalamat na lang siya na nirerespeto ng asawa ang pagdadalamhati niya at tila isinantabi na rin muna nito ang galit na meron ito sa kanya.

Habang nakaburol noon ang kanyang ama at hangang noong libing ay hindi ito umalis sa tabi niya, dinamayan siya nito, tinulungan siyang asikasuhin ang mga kailangan para sa burol at libing ng kanyang ama. Malabo sa kanya ang mga araw na nakaburol ang ama, dalawang araw siyang hindi makausap at nakatunghay lamang sa kabaong. Dalawang araw lamang ang burol at inilibing rin sa ikatlong araw. Marami ang nakiramay sa pagkawala ng kanyang ama, mula sa mga kamag-anak hanggang sa maliliit na empleyado nila ay nakiramay. Pero kahit gaano pa karami ang nagpunta at nakidalamhati sa kanya ay hindi maibsan niyon ang pangungulila at guilt na nararamdaman niya. Nagi-guilty siya dahil namatay mag-isa ang kanyang ama. Nagi-guilty siya na wala siya sa tabi nito, na hindi niya ito naalagaan ng maayos dahil hindi siya kasama nito.

Habang nakatitig siya noon sa kabaong ng kanyang ama ay sinisisi niya ang sarili niya. Narealize niya kung gaano siya naging makasarili. Napagtanto niya na hindi lang siya kay Matthew may kasalanan nang pilitin niya itong magpakasal sa kanya. Maging sa ama ay may kasalanan siya. Nang dahil sa kanya ay nagkaroon ng lamat ang ugnayan nito kay Matthew na itinuring na rin nitong sariling anak. Nang dahil sa kanya ay namatay ang daddy niya nang hindi man lang natanggap ang kapatawaran mula kay Matthew. Kasalanan niya ang lahat dahil naging makasarili siya.

Pakiramdam niya ay sinampal siya ng katotohanan kung bakit hindi siya magawang mahalin ng asawa. Iyon ay dahil makasarili siya. Nagdulot siya ng pasakit sa lalakeng minamahal niya nang ilayo ng daddy niya ang babaeng pakakasalan nito nang dahil sa kanya. Nagdulot siya ng pasakit sa ama dahil lumayo ang loob ng lalakeng itinuring nitong sariling anak ng dahil sa kanya. Kasalanan niya kung bakit namatay ang daddy niya ng mag-isa dahil mas pinili niyang makasama ang asawa kaysa rito. Kaya kung nasasaktan man siya ngayon, iyon ay dahil din sa kanya. Pinilit niya ang isang bagay na hindi nararapat para sa kanya. She doesn't deserve Matthew, she doesn't deserve to be happy.

Hindi lang ang pagkawala ng ama ang ipinagdadalamhati niya, ipinagluluksa din ng puso niya ang katotohanan na kaya hindi siya magawang mahalin ng lalakeng minamahal niya ay dahil din sa kanya. Sino ba ang gustong magmahal ng isang tao na ang pansariling kaligayahan lang ang iniisip. Dahil sa pagiging makasarili niya ay napabayaan niya pati ang ama niya. Kasalanan niya na namatay itong mag-isa.

Muli na namang tumulo ang luha sa mga mata niya. "I'm sorry, Dad. I'm so sorry," sambit niya kasabay nang masaganang pagtulo ng luha. Kinuha niya ang unan at niyakap iyon, doon niya hinayaan ang masaganang pagtulo ng luha.

** Please share with your friends, family, realatives, neighbor, sa mga nakakasalubong nyo sa daan, nakakasakay sa jeep, nakakasabay kumain sa karinderya 😛 and please ADD ME ON FACEBOOK FOR MORE STORY UPDATES. JUST CLICK OR COPY THE LINK BELOW **

https://www.facebook.com/janne.phr

The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now